CHAPTER 4

15 2 0
                                    

Disclaimer: wrong grammar, spelling and possible typo..

NOT WELL WRITTEN

Enjoy reading!!!

I thought crush is just a shallow feelings that will fade soon...and easily to decide if you will uncrush that person or not.

But in my case...no....I have been hiding this feeling and now...1 year that I secretly admiring him from afar.

“Ganda” narinig kong may nagsasalita sa likuran ko habang nag susuot ako ng sandalyas.

Book character kasi namin ngayon kaya kailangan naming magsuot ng costume para sa grado.Graded kasi ang program na ito sa aming school kaya kailangan ko sumali.

I'm wearing a green dress with a silver sandals.Sabi ng ate ko ay ang costume na sinusuot ko ay prinsesa ng mga palaka.

Meron ba non? At palaka talaga.. pwede namang butterfly ehh..

Hindi ko alam kung totoo pero wala na akong ibang masuot kaya no choice ako.

Dahil narinig kong may nagsalita lumingon ako sa aking likuran.

My heart beat fast when my eyes drifted to his eyes.

My ultimate crush!! Si Cade..

Pinasadahan ko siya ng tingin at maging ang kaniyang suot.

He's wearing costume as a prince but I don't know what kind of prince he's wearing based of what I saw.

I become silent because of the effect when we stare each other for a while but someone interrupt the silent we made.

“ehem...ehem” pekeng ubo ng kanyang kasama na ngayon ko lang din napansin kaya nag iwas ako ng tingin sa kanya.

Istorbo!!

Napairap nalang ako dahil batid ko na nanunuya ang kanyang papuri sa akin dahil may nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi.

Kami lang ang nandito sa loob ng classroom dahil nasa gym na ang iba kong mga kaklase.

“Ganda natin ngayon ha...”na may halong pang iinis sa akin.

“Tumahimik ka nga Cade.. pumunta ka na doon sa gym..ang ingay mo masyado.” inis kong bulyaw sa kaniya.

Magmula kasi ng nagkasagotan kami noong grade 4 ay palagi na niya akong inaasar pero siya lang umiimik sa amin palagi ko kasi itong tinataasan ng kilay dahil naiinis ako sa kanya.

Natapos na ang programa kaya umuwi na kami.Hapon ginanap iyon kaya pagkatapos non ay pwede na kaming umuwi.

Ginagawa ko ang assignment ko habang nakahiga hanggang sa nakatulog na ako ng matapos ko ang assignment.

Malalim na ang gabi ng magising ako sa matinding ingay kaya bumangon ako pero laking gulat ko ng makita ang mga kapatid ko na umiiyak habang si mama ay binubugbog ni papa.

Raven halika na tumakbo na tayo dahil nakatakbo na si mama...kailangan nating magtago.”sabi ni ate Kaye-c sa akin.

Nagkaroon ng pagkakataon si mama na makatakbo gayun din ang dalawang nakakatandang kapatid ko kaya kami nalang ni Kaye-c ang naiwan maging ang nakababatang kong kapatid na si Clarisse.

“Ate...paano si Clarisse ehh natutulog pa yun..”sabi ko kay ate Kaye-c na bakas ang aking pag-alala.

Wala na akong nagawa dahil tumakbo na si ate Kaye-c kaya tumakbo narin ako.

Unexpected Love (Bet Series #1)Where stories live. Discover now