CHAPTER 12

5 0 0
                                    

Mabilis nagdaan ang buwan at araw. Isang buwan na lang at matatapos na ang school year namin bilang JHS and we'll moving up to SHS.

A part of me was excited but a part of it also was sad because I have classmates na mag-aaral sa ibang school kaya maybe this is the last time na magsasama-sama kami.

I want to treasure all the moments we have.

“Guys" tawag ni Austin sa atensyon naming lahat.

Nakatingin lang kami sa kanya habang hinihintay ang susunod n'yang sasabihin.

“May sasabihin kami sa inyo."pagpapatuloy nya pa.“After this school year, pupunta kami ni Cade at John sa Amerika at doon ipagpapatuloy ang pag-aaral sa senior high." mahabang litanya ni Austin.

“Bakit naman?"alalang tanong ni Jenny.

“Oo nga bakit kailangan nyo doon pa mag-aral ehh may SHS naman dito."saad ko pa.

“Kailangan kasi guys,at parents namin ang nagplano nito kaya hindi namin pwede suwayin." paliwanag ni John sa amin.

“Hindi nyo ba kasama si Edric?" tanong ni Pia.

“No,he will stay here."saad ni Cade at makahulugang tumingin kay Edric.

Tila walang pake naman na tumingin si Edric kay Cade at patuloy parin sa pagkain.

Nandito kami ngayon sa canteen ng school na madalas namin pinagtatambayan tuwing recess maging sa lunch.

Lunch na ngayon kaya medyo mahaba-haba ang oras na pwede kaming makapag-usap.

“Pero,paano na kami? Paano na yung friendship natin lahat?" saad ni Jenny na may bahid pa rin ng lungkot ang kanyang pananalita.

Friendship nga lang ba talaga?

“Don't worry guys we'll keep on contact parin sa inyo.Kung gusto nyo gawa na lang tayo ng gc." saad ni Austin

“Okay fine" tila napanatag na si Jenny dahil sa sinabi ni Austin.

Maging ako ay napanatag rin sa ideya ni Austin lalo na't uso naman ngayon ang groupchat na yan.

“Basta huwag niyo kaming kalimutan ha...mami-miss namin kayo at tsaka mag-ingat kayo doon."sabi ko na lamang sa kanila at binalingan ng tingin ang katabi kong cold pa sa ice kung magsalita.

Tumingin din naman s'ya sa akin pero kaagad din naman umiwas mukhang naiilang pa yata.

“Don't worry baby Raven, hindi namin kayo kakalimutan and ofcourse talagang mag-iingat kami doon dahil babalik pa kami dito.”saad ni Austin.

Luhh! kung maka-baby ka naman kay Raven,bakit mukha ba s'yang baby?"puna ni Jenny sa pagtawag ni Austin sa akin na baby.

Yun lang talaga ang napansin n'ya sa lahat ng sinabi ni Austin.

“Hindi nga s'ya literal na baby pero Jenny hindi lang ikaw ang baby ko dito dahil baby ko rin si Raven at Pia lalo na't mga babae kayo.Di ba Pia?"mahabang litanya ni Austin at binalingan si Pia.

Napatango na lamang si Pia kahit wala siyang naiintindihan sa sinabi ni Austin.

Natawa na lamang ako sa daloy ng pag-uusap namin dahil kanina lamang ay may kalungkutan ang topic namin pero ngayon ay medyo gumagaan na ang pakiramdam ko dahil gumagana na naman ang pagiging pilyo ni Austin.

“Tsk" rinig kong asik ni Jenny at pinaikutan ng mata si Austin.

Selos ka naman baby Jenny, don't worry ikaw parin ang original na baby ko." Alo ni Austin kay Jenny dahil mukhang nagtatampo ang isang ito.

Unexpected Love (Bet Series #1)Where stories live. Discover now