Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
~ Benevelle ~
"You did well," bati ni Riel kay Mina nang matapos ito sa preliminary selection. Dahil pumasa ito, sasabak pa siya sa isang final duel tomorrow.
"Thank you," sagot nito sa kaibigan saka sila nag-apir. Ihinarap din sa akin ni Mina ang palad kaya inapiran ko din siya.
"Hay, ang tagal naman ng turn ko, gusto ko nang mag-arcade," pagrereklamo ni Riel at nakarelate naman ako sa kaniya.
Akala ko duel lang talaga ang mangyayari pero mukhang malakihang fiesta pala ang year-end duel kung saan madaming arcade games sa labas tapos madaming booths at madaming bilihan ng mga pagkain. Naglipana din ang mga bilihan ng magic items sa baba. At, wala akong pambili. Huhu
"Anak," dumating ang ina ni Riel na matamis ding ngumiti sa akin.
"Greetings, Lady Rien," sabay naming bati ni Mina.
"Enjoy the day and good luck on your duel," humalik ito sa noo ng anak. "Doon lang kami sa taas," sabay turo nito sa elevated platform kung nasaan ang Lord/Lady representatives ng mga Kingdom at ilang mga Hark Knights.
"Ina," nahihiyang tawag ni Riel. "Pahingi."
"Ha?"
"Wala na po kasi kaming points," sabi ni Riel habang nakaturo sa akin na ikinalaki naman ng mga mata ko. Dinamay pa ako, grabe.
"Why, ilan na lang ba points niyo?" Tinakpan ko agad iyong ID ko.
"A-ah, hindi na po. M-may points pa po ako," medyo nanginginig kong sabi saka pinaningkitan si Riel na nagpipigil ng tawa.
"Hmm, 65,000 points pero pulang-pula," agad akong napatakip sa mukha habang tawang-tawa sila Riel at Mina.
"Rien, tara," Dumating ang isang Hark Knight na nakaputing uniform. Para akong hinihigop ng mga mata niyang mapusyaw na bughaw. Siya ang mommy ko.
"Sandali, magbibigay lang ako ng points sa anak ko, bigyan mo din iyang anak mo," natigilan si Lady Rien. "I mean, itong kaibigan ng anak ko, si Benevelle Rose." Rose?
"Maka-anak ka naman, akala mo nag-anak ako," hindi niya ako maalaa. May kung anong kirot sa dibdib ko, hindi niya ako kilala.
"Right, haha," mapaklang pagsagot ni Lady Rien. Kailangan ko siyang makausap.
Masayang inilahad ni Riel ang ID niya sa ina kaya nahihiya kong inilabas iyong akin.
Nakaramdam ako ng malamig na daliring nagpunas sa mga luha ko. "Huwag ka nang umiyak, 65,000 demerit points lang iyan. Itong si Rien, negative 300,000 points noong nag-aaral pa," inangat ko ang tingin sa kaniya at napatango na lang habang pinipigilang maiyak.
"Ina!?" Gulat na baling ni Riel sa ina niya.
"Pinagsasasabi mo Lovelle, 299,000 lang iyong akin! Ikaw iyong negative 300K eh."
Natawa na lang din ako sa kanila kasi nakakahawa iyong tawa ni Riel hanggang sa tinawag na siya sa entablado. Kinawayan kami nito bago umalis.
"Thank you po," sabi ko at ngumiti sa kanila. Nginitian ako ni mommy pabalik. Siguro, katulad ko nabura din ang mga alaala niya, iintindihin ko na lang.
"Keep it up, maaabot mo din iyong 300K demerit points," natatawang sabi ni mommy bago sila umakyat sa pinakamataas na palapag ni Lady Rien.
"Beny, she's starting," nasasabik na wika ni Mina.
YOU ARE READING
Bad Genie [Book One-Completed]
Fantasy"Be careful what you wish for, you might just get it." At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa...