046

37 2 0
                                    

Unedited.

Seraphine Janina Madrid

┏━•❃°•°❀°•°❃•━┓

I glanced outside our classroom from time to time. We had our Prelim Exam today and I just finished my last exam for today. Hindi pa pwedeng lumabas dahil hindi pa naman uwian.

Half day lang ang exam namin ngayon since ilang subject na lang ang hindi pa natatapos. Nilingon ko si Kayleigh na seryoso ang tingin sa test paper.

Sabay kaming nag-review last week kasama si Harper dahil may minor subjects kaming tatlo na pareho. Thorn also studied with us and he also gave us some pointers, which I am thankful of because I'm confident with my answers.

A message popped on my screen. Allowed naman na ang paggamit ng cellphone sa klase dahil wala na akong hawak na test paper.

Thorn Andrius:
Are you done?

Me:
opo
but i'm still waiting for the break time

Thorn Andrius:
Alright
I'll wait outside your building

Bumaling ulit ang aking paningin sa labas ng classroom. Napakainit ng panahon. I wonder if he has an umbrella with him?

Me:
mainit po
you can come here upstairs

Thorn Andrius:
Okay, baby

Napatulala ako sa reply niya. He always calls me with that endearment. At hindi ko maipagkakaila na gusto ko kapag tinatawag niya akong gano'n. It feels so sweet and romantic.

Naramdaman ko ang paglapit ni Kayleigh sa pwesto ko. I guess she's already done. I turned off my phone and glanced at her.

"Are you done?" I asked.

Tumango siya. "May lakad ba kayo ni Thorn? Kakain kami sa labas ni Archer."

Napangisi ako. I wonder what's their everyday scene since Kayleigh is kind of overacting and Archer is so masungit, based on her description of him.

"Yup. He's waiting outside."

Nilingon ko ang labas ng classroom at namataan doon si Thorn na nakatayo habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng pantalon. He's leaning against the wall while lazily staring at the floor.

I smiled. He looks really handsome. May lumalapit sa kaniya para magpa-picture na pinagbibigyan niya naman.

Lumingon na rin si Kayleigh sa tinitingnan ko. Itinulak-tulak niya ako na para bang nang-aasar.

"Pogi, 'no?" Humagalpak siya. Napanguso na lang ako habang natatawa sa pang-aasar niya.

Napawi ang ngiti sa aking labi nang matanaw ang paglapit ng isang maganda at matangkad na babae kay Thorn. The latter looked so shock when he saw her.

The girl smiled and they talked for awhile. Napalunok na lang ako at parang lalabas ang puso sa dibdib nang makita ang paghapit ni Thorn si katawan ng babae palapit sa kaniya.

I heard Kayleigh gasped beside me. Iniwas ko ang tingin sa dalawa at niligpit na ang gamit sa desk. Tahimik si Kayleigh habang palabas kami ng classroom, hindi niya ako inaasar, unlike these past few days.

Lalagpasan ko na sana si Thorn nang marahan niyang hawakan ang siko ko. The girl already left. Nagpaalam si Kayleigh sa amin at nagmamadaling lumapit kay Archer na naghihintay din sa kaniya.

"How's your exam?" He gently asked. Hindi ako makatingin sa kaniya. I'm confused with whatever I'm feeling right now.

"Fine," napapaos na sagot ko. He fell silent after that. I can feel his stare on me, na para bang tinitimbang ang reaksiyon ko.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kaniyang sasakyan. Inalalayan niya ang ulo ko hanggang sa tuluyang makaupo sa passenger seat. Sinundan ko ng tingin ang pag-ikot niya papunta sa driver's seat.

He drove to our usual go-to-place whenever we go out. Tahimik ang biyahe. I can hear his sighs throughout the ride. It's like he wanted to say something but he couldn't voice it out.

Nang makarating kami ay pinagbuksan niya ulit ako ng pinto. Nagtitigan kami saglit, ako ang naunang nagbawi ng tingin. Hinawakan niya na lang ang likod ko habang papasok kami sa café.

He ordered for us. Alam naman niya kung ano ang order ko, minsan dumadagdag siya ng kahit anong pagkain para sa snacks ko. I glanced at our usual spot in the café. May nakaupo roon kaya naghanap na lang ako ng ibang pwesto.

Nilapitan ko si Thorn na nakapila na malapit sa counter. Napatingin siya sa akin. Some girls from another school glanced at my way. Kilala rin kasi ang Tempest kahit sa ibang school.

"What is it?" Malambing na tanong ni Thorn.

Tumikhim ako. "Sa taas po ang table natin..."

He nodded. Nagpaalam na ako na aakyat na ulit doon, sabi naman niya ay hihintayin na lang niya ang order namin.

The overlooking mountain view from our table is magnificent. I can't help but to take a picture of it. I also took a picture inside the café. Dala ko palagi ang camera ko kaya naman kahit anong oras at kahit kailan ko gusto ay makakapag-picture ako.

I took a candid photo of Thorn walking towards our table. Ang isang picture ay nakatingin na siya sa camera at nakangiti ng malawak. Palihim na napangiti ako.

"Are you okay now?" He asked. Napalunok ako at tumango na lang. I guess the magnificent view in front and the smell of freshly brewed coffee made me forget my feelings for awhile.

"Thank you po pala sa pointers na binigay mo. Marami po ang lumabas sa exam." I sipped on my drink and took a bite on my sandwich.

He smiled. "No problem."

We started talking about other topics until we both finished our snack. We had a lot of pictures together and I won't upload it on my social media, para sa akin lang ang mga 'yon.

I had a quick glance of the small tattoo on his chest. Kung hindi mo tititigan ng matagal ay hindi mo aakalain na tattoo iyon. He glanced at it also.

"A tattoo?" I curiously asked.

"Yeah. It's my birthday..."

Napatingin ako sa kaniya. "When is your birthday po?"

"April 25..." He trailed off.

Namilog ang mga mata ko. It's two days from now! What should I do? Should I buy a gift or something?

Napanguso ako. "Malapit na po pala."

He chuckled. "I have a party. Invite your friends over."

Napakurap ako at tumango na lang, lumilipad na ang isip. Hinatid niya ako sa bahay pagkatapos. Naabutan pa namin si daddy sa sala at nanonood ng TV.

They talked for awhile. Hindi ko na narinig pa ang usapan nila dahil umakyat na ako sa taas para makapagpahinga.

Heartstrings and Hesitations (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon