Chapter 9

0 0 0
                                    

" Talaga bang ayaw na ninyong magpasama sa mga guwardiya? " Nag-aalalang tanong ni Manang habang nakaabang sa bukana ng gate ng mansion.

Ngumiti ako sa kaniya. "Ayos lang po, Kasama ko naman si Myles. Mapoprotektahan naman niya ako. " Tinapik ko pa ng bahagya ang ulo ni Myles.

"Opo, I can protect Skylar from any posible danger even if it means I'll lose my life. " I could feel my cheeks burning at his cheekiness. Mahina kong kinurot ang tagiliran ni Myles kung kaya at napadaing siya.

Ngunit halos nanlaki ang mga mata ko ng ipinulupot niya ang mga braso niya sa bewang ko. Napatingin si manang ron at pagkakuan ay napangiti.

"Oh siya, mag ingat kayo at iwasan ninyong masiyadong magpagabi ha? Ako nalng ang bahala sa mga magulang mo kapag tumawag sila. " Paalala ni manang.

" Opo, aalis napo kami. " Dahil grounded ako, wala akong cards at hindi ako pwedeng maabutan ng gabi sa paglalakwatsa. I think the punishment is not that heavy dahil nakakalabas naman ako kapag umaga.

I have class later at nine in the evening but I'm not aloud to go out from five to eight sharp. I'm fine with that, it's just that this time, I'm pretty sure na gagabihin kami ni Myles since we plan on watching the fireworks display later at seven pm. He doesn't know that I'm grounded.

Tahimik ang buong biyahe kung di lang dahil sa speaker ng sasakyan na kasalukuyang ipinpatugtog ang kantang 'When I met you' ng APO Hiking Scociety.

"Saan pala tayo? " Tanong ko habang hinuhuni ang tono ng kanta.

Bumaling siya sa akin kaya napatingin rin ako sa gawi niya. Nagtama ang mga mata namin at sinubukan kong maging kalmado sa gitna ng pag iisip sa mga nangyari kanina. Paano nga ba kung sakaling sinabi na nga ni Felisha ang nalalaman niya? I can explain my side but I'm not confident that he'll forgive me that easily.

" M-malapit na tayo.. "

Napatingin ako sa isang kamay niyang nakapatong sa hita niya habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa manubela ng sasakyan. His fingers were tapping his laps from time to time na sumasabay pa sa tono ng kanta.

Sumandal ako sa upuan at pumikit habang nakikisabay sa kanta.

'You gave me a reason for my being

And  I love what I'm feelin

You gave me a meaning to my life

Yes I've gone beyond existing

And it all began,

When I met you..

Hindi ko alam kung dahil ba sa lamyos ng kanta oh sa dami ng iniisip kaya ako nakatulog. Nang imulat ko ang mga mata ko, pansin kong medyo madilim na sa labas ng kotse. Napasinghap ako. Gaano ako katagal nakatulog?

" How was your sleep? " Napalingon ako sa pinagmulan ng mababang boses na iyon. Sinimangutan ko siya.

"Bakit hindi mo ako ginising? And what time is it? May pasok pa ako" Dinampot ko ang cellphone sa lagayan sa kilid ng gear ng sasakyan niya. It was already six-thirty-eight.

May inabot siya sa passenger seat at inilagay iyon sa pagitan namin. Nang ilabas niya ang mga laman noon ay natakam ako.
Lalo na ng makita ang isang slice ng chocolate cake.

"K-kumain ka muna.. Tinake out ko nalang kasi natutulog ka pa at ayaw kitang gisingin. "

Inabot ko ang ibinigay niyang karton ng chocolate cake na may wooden fork pang kasama. Agad akong humiwa doon at tinikman ito. Napapikit ako sa sarap at sumubo pa ulit.

"Bakit naman? Sayang at nakatulog lang ako sa buong date natin. " Nakatingin ako sa kaniya habang nag sasalita at humihiwa muli ng cake.


"It's okay, n-nag enjoy naman akong pagmasdan kang.. Natutulog.. "

Napansin kong napatingin siya sa pagkain kong isusubo ko na sana. Tiningnan ko ang tinidor na may slice ng cake at tumingin ulit sa kaniya na ngayon ay nasa akin na ulit ang tingin. Ngumiti sya. Itinapat ko sa baba niya ang tinidor ko. Saglit niya itong tinapunan ng tingin at muling iniangat ang tingin sa akin na para bang nagtatanong.

"Why?.. P-pangit ba ang lasa? "

Umiling ako at iniangat ang sarili mula sa inuupuan para mas lumapit pa sa kaniya hanggang sa kaya ng seatbelt.

"Ngumanga ka" Utos ko

Kita ko ang paglunok niya bago sinunod ang iniutos ko. He opened his mouth so wide that he looked like a kid waiting for his next spoon of cereals. Napangiti ako at isinubo iyon sa kaniya.

" Masarap? " Tiningnan ko ang reaksiyon niya habang naghihiwa muli at sumubo.

Sinundan ng mga mata niya ang tinidor ko kaya inaasahan kong nasarapan nga siya at nahihiya lang humingi ulit. Bakit ba siya nahihiya e siya naman ang bumili nito?

Naghiwa muli ako at itinapat iyon sa baba niya. Napatingin siya doon at muling napalunok. Sinasabi ko na nga ba na gusto niya ang cake.

Sinubo niya ito pero nagtagal ang tinidor sa baba niya. Ganoon niya na lang ba kagusto ang cake at ayaw niyang mawalay sa tinidor ko?

May tumawag sa kaniya kaya nagpatuloy ulit ako sa pag kain at paminsan minsan ay sinusubuan rin siya. Walang pagdadalawang isio niya itong isusubo habang nakikipag usap sa kabilang linya. Nang matapos ang tawag ay siya rin ang pagkaubos ng cake. Nilingon ko siya.

" Lym.. " Bumaling siya sa akin pagkatapos ibaba ang cellphone.

"Hm? " Nang makitang naubos ko na ang pagkain ko ay hinalughog niya ang paper bag at inilabas ang tubig mula roon. Binuksan muna niya ito bago ibinigay sa akin. Napangiti ako ron.

" Salamat! " Kinuha ko ito mula sa kaniya at uminom mula rito. Pinagmamasdan niya akong uminom kaya naman ibinaba ko ang tingin ko. Nangunot ang noo ko at iniabot ang tubig nanakalahati ko na kay Lym para makainim din siya kasi kumain rin siya ng cake.

Inabot niya ito at ininom ang natitirang laman noon. Nanatili ang tingin ko sa paper bag na may tatak ng restaurant na pinagbilhan nito.

'Heaven'

Iyon ang nakalagay na tatag roon at may kasama pa talagang pakpak ng anghel ang logo noon. Bigla kong naalala ang sinabi ni Myles kanina.

" S-saan mo nga pala sana ako dadalhin kanina? " Tiningnan niya akong may pagtataka sa reaksiyon ko.

"Uhm, may reservation tayo kanina sa heaven restaurant pero ipinatake out ko nalang kasi tulog ka at ayaw kitang gisingin kasi baka napagod ka sa lakad mo kanina. Why? Is e-everything okay? "

Napakagat labi ako at mariing pumikit.

Heaven pa nga!

|S•

LIBIDO SERIES 1: MYLES MAWLER; Abducted? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon