Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
"Let's spend your points," sabi nito saka ako pinalutang sa ere kaya napasunod na lang ako sa kaniya.
Bumaba kami sa lupa saka ito nagtungo sa isang food stall saka bumili ng dalawang fruit shake. "Your ID," saka nito inilahad ang kamay sa akin.
"May ID ka naman ah." Umismid ito saka itinap ang ID niya sa counter para bayaran iyong dalawang fruit shake.
"Oh," sabay abot sa akin nung isang shake.
"Akin toh?"
"Obvious ba? Dummy." Inabot ko na lang iyong shake saka sumipsip. "Ahahaha, your face was worth it!"
Ang pait! Hindi ko naiwasang mapangiwi sa lasa, ano ba ito?
"Ahahaha, sorry, here," sabay abot nung isang shake. "Pfft. This tastes sweet, trust me," nagdadalawang-isip kong kinuha iyong isang shake saka inabot sa kaniya iyong lasang ampalaya.
Sisipsip na sana ako doon sa isa pero baka kung anong lasa nanaman nun kaya inabot ko sa kaniya. Nagulat ako nung sumipsip siya sa shake na hawak ko. "Thanks, it's sweet," sabi nito habang nakangiti.
Sumipsip din ako sa drink at nalasahan doon ang tamis ng atis. May ganito din pala dito. Ang sarap. Nang mag-angat ako ng tingin kay Thunder ay iniwasan niya ang mga mata ko at hinila na lang ako sa kung saan. Moody. Problema nanaman nito?
~ Thunder ~
Tss. Ang pangit niya. Nanlaki ang mga mata niya nang matikman iyong drink, which is not your ordinary drink kasi it will taste how you feel. Hindi ko alam kung anong lasa nung una niyang inumin pero mabuti naman at masaya na siya sa sumunod.
Nahinto kami sa isang shooting range. "Your ID," pagsusubok kong hiramin iyong ID niya na bigla na lang nagkaroon ng madaming points, saan niya nakuha iyon?
"Saglit, pahawak," inabot niya sa akin iyong drink saka niya tinanggal iyong ID at inayos ang buhok.
"Tss, ang bagal," pang-aasar ko sa kaniya habang gamit ang ability at umirap lang ito sa akin.
"Huwag mong sayangin, bigay iyan ng mommy ko," dinig kong sabi niya sa isip ko habang pinapanood ko sa isip niya kung sinong nagbigay.
"Tss, parehas kayo ni Snow na obssessed kay Tita Lovelle," inismidan niya lang ako saka inabot sa kaniya iyong drink.
Pinapanood ko sa isip niya iyong video ni Snow na kinukulit si tita nung birthday ni Blue. Ayos na sana kaso iyong video, mukhang kinuhanan ni Elmira habang may earthquake sa sobrang magalaw.
"Pinagpalit mo noh!" pamimintang nito sa akin nang mapangiwi sa lasa ng inumin niya. Sinubukan kong kumonekta ulit sa isip niya pero may usok na doon kaya hindi ko mapasok. Tss, naturuan na siya ni Fiona.
Ipinaliwanag sa amin nung game master kung paano iyong laro at simple lang naman. Isasalin mo lang iyong kapangyarihan mo doon sa baril para mapatumba iyong mga bola na nasa shelf. Inabot ko na sa kaniya iyong baril.
"Hindi ka maglalaro?" Nagkibit-balikat na lang ako sa tanong niya pero ianbot nito iyong kamay ko saka ipinosisyon doon iyong baril. "Try mo kasi na magpalabas ng mali-liit lang na kuryente," itinaas nito ang mga braso na parang may baril na hawak sa dulo, "iyong mahinang zap lang, pyew pyew." Pfft. Natatawa ako sa kaniya na nagpapaliwanag nang may action at sound effects.
Ginaya ko ang sinabi niya. Nitong nakaraang linggo ay hirap pa din akong maging consistent sa pagpapalabas ng kapangyarihan ko, minsan meron madalas wala. Una akong nagpalabas ng maliliit na kuryente hanggang sa maging pamilyar ako sa daloy ng kapangyarihan sa katawan. Pabilis nang pabilis ang paglabas nito at nararamdaman ko ang momentum na kinakailangan kong panatilihin.
"K-kuya, pwede hanggang 100 lang, iyong points ko," malayong dinig ko sa tinig ni Tingting kahit katabi ko lang siya.
Hindi ko mapigilan ang excitement dahil nararamdaman ko na, ayan na, lalabas na ang malakas na boltahe ng kuryente, kaunti na lang. Kaunti na lang, malapit na. Heto na.
"What!?" naputol ang pakiramdam ko na iyon nang wala nang inilalabas ang baril. Nakangangang tumitingin sa akin ang game master habang matalim na titig ang itinapon sa akin ni Benevelle. Hawak nito nang mahigpit ang ID niya. "Sorry."
"Wow," pumalakpak ang game master at ang madaming elementians sa gilid. Ni hindi ko napansin na napakadaming manonood.
May maliit na monitor doon na nagpapakita ng highscore na 196 points at may litrato ko. Oops, wala nang dye ang buhok ko.
"Ibalik mo iyong 20,000 points ko," nalukungkot at naiinis na ingit nito sa akin.
"200 shots, use my ID."
"I don't want to play, ibalik mo."
"Why? Scared na wala kang mapalabas na kapangyarihan? That's unfair, beat my high score and I'll give back double. Deal?"
"Deal," sabi nito habang matapang ang tingin na siyang ikinangisi ko.
Ang bagal niyang nag-umpisa. Halatang hindi alam kung paano palalabasin ang kapangyarihan niya hanggang sa maging consistent ang tira niya at nakabuild ng momentum.
"Hala, wala na," matinding pagkadismaya ang bumalot sa mukha nito nang maubos ang 200 shots. Pfft, ngayon alam niya na iyong pakiramdam.
Tumingin ito sa monitor at nakita ang puntos niya na 169. Pinalobo nito ang pisngi bago bumuntong-hininga. Mukha siyang chipmunk. Mula sa mga premyo ay nakakita ako ng isang pale pink unicorn na mataba ang pisngi. Pfft. Kamukha niya. Iyon iyong pinili ko.
"Mahilig ka talaga sa mga laruang pambabae?" nagugulumihanang tanong sa akin ni Tingting. Umismid ako sa kaniya. "Umamin ka, binabae ka ba?"
"What?" Napantig ang mga tainga ko sa tanong niya. Sa kagwapuhan kong ito?
"Ano ba iyan, walang kaso sa akin iyon. Ayos lang. Pero meron ka naman niyang unicorn eh, akin na iyong manika ko."
"No," mariin kong sabi sa kaniya. "And no, hindi ako binabae," saka ko saglit na dinampian ng labi ko ang labi niya. Lumipad na ako nang mabilis palayo doon dahil ayaw ko nang makita ang mukha niya. Tsk, pangit.
I took her doll out of my pocket. Hindi ko pa pwedeng ibalik ito sa kaniya dahil may ancient spell ito na hindi ko alam kung ano. Babasahin ko ulit iyong libro. Ibabalik ko din naman kapag natanggal ko na.
Sumilip akong muli sa pwesto niya kanina at nakitang wala siya doon. Inilabas ko ang mapa ng academy na iginuhit ko kanina lang at pinanood ang mga yapak niya. Seriously, kailangan niyang din basahin iyong spells book. I successfully planted a tracker on her via physical contact. I'll find her later.
"Everyone's here?" tanong ni Snow. Panandalian kaming nasa suite ngayon para sa meeting. "Blue and Fiona will not be here. Kahit ayaw kong magkasama sila, both of them are good at handling crowds and best at pacifying them. May rally na sa side gate. Let's start."
Nakaramdam ako ng malakas na batok, "Freak," naglahad ito ng hair dye vial at contact lenses sa table. "Let's start."
Ay, oo pala. I took the potion at saka inumpisahan ang telepathy para sa lahat. Ilang beses akong nasita ni Snow dahil kung anu-anong memorya ko ang naririnig din nila. Tsk, tsk, tsk, lumilipad ang isip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/132001838-288-k986576.jpg)
YOU ARE READING
Bad Genie [Book One-Completed]
Fantasy"Be careful what you wish for, you might just get it." At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa...