Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
~ Benevelle ~
Lumilipad ang isip ko. Madaming ikinukwento si Riel sa tabi ko pero parang hindi ako mapakali. Gusto kong tanggalin iyong anti-ability bracelet ko pero ayaw kong bumalik sa medic station. Hay.
"You okay, Beny?" tanong ni Riel habang naglalakad kami pabalik ng arena. Mabuti na lang at nahanap niya ako kanina.
"Okay lang," sabi ko bago siya tinignan. "Nasaan na lahat ng pinamili mo?" Kanina pa kasi siya gumagastos eh.
"Hihi, here," sabay bukas ng pocket niya na ginamitan niya ng space manipulation. "Lagay mo na din iyang iyo dito, liban sa food. Kakainin natin iyan pagbalik natin doon."
"Attention, all students, please proceed to the arena," mas malalim at mariin ang pagkakasabi ni Ate Elmira. "Again, calling all students to proceed to the arena. The final duel for scholars and apprentices will start in a few minutes. Thank you." Ikatlong beses ko nang narinig ang announcement na iyan ngayong araw na ito.
"Hala, mag-uumpisa na. Tara, dali!" Hinila niya na ako saka kami tumakbo. Nakipagsiksikan kami sa linya papasok ng arena na binabantayan ng ilang Hark Knights, kasama sila Silver at Quinn.
Kanina naman ay sila Ate Snow at Bern ang nakikita naming lumilibot at nakikipag-usap sa mga may-ari ng stall na pansamantalang itigil ang kanilang operasyon at makinood sa loob ng arena.
"Greetings, greetings, greetings! This is Somi, your charismatic emcee for today. Roses for everyone!" Malakas ang hiyawan ng mga tao dito sa loob. Ganun din ang hiyaw ni Mina na tuwang-tuwa na ipagcheer ang kuya niya. Si Riel naman ay halos maputol na ang litid kasisigaw. Napailing na lang ako sa kanina.
"Are you ready-" Masiglang sigaw ni Somi.
"Wooh!!!"
"Are you ready-"
"Wooh!!!" Muli siyang sinabayan ng crowd.
"That's how I like it pero patapusin niyo naman iyong tanong ko," sabi niya kaya madami ang napatawa.
"Are you ready to witness another round of enthralling neck-on-neck duels, record-breaking improvements, and astonishing level advancements!" Patuloy na humihiyaw ang madla sa pagitan ng mga salita niya. "YES oooor Yes?"
"YES!!!" Kung anu-anong pag-iingay ang ginagawa ng madla.
"Give me your loudest cheer!" Panghahamon nito lalo kaya mas umingay pa sa arena. "Come on! Be proud Kromelians, huwag na kayong mahiya. Isigaw niyo pa!"
"One more time!" Muling humiyaw ang mga tao, napakagaling ni Somi na magdala ng madla. "That's great! I can feel your excitement all the way up here. For now, let's all settle down." Nang paunti-unting mamatay ang mga hiyawan ay nagsalita itong muli.
"This year, we have prepared something new. Hindi pa natin uumpisahan ang duel, okay lang ba sa inyo?"
"Aww," boses ng pagkakadismaya ng ilang elementian.
"Aww, we won't disappoint. Roses for everyone!"
"Ang corny ni kuya," natatawang bangit ni Mina habang sinasalo ang rose petals sa ere.
"This is your last chance to call your friends to get inside the arena. Let's watch this dance number from our very own rankers!" naghiyawan ang madla nang makita sa iba't ibang monitor ang display picture ng mga lalaking rankers. Don't tell me. "DJ Elmira, play it!"
YOU ARE READING
Bad Genie [Book One-Completed]
Fantasy"Be careful what you wish for, you might just get it." At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa...