BG XLIV

36 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

~ Gen ~

Nag-uumpisa pa lang kami sa pagtatayo ng mga karagdagang tent o medic station sa loob ng arena nang sunod-sunod akong makatanggap ng mensahe kay Snow.

"That's already 39 casualties," nababahalang bilang ni Elmira sa mga ito. "We already asked for help but, Snow, ang tigas ng ulo." Bakas sa mukha ang pangangamba habang pinagmamasdan ni Elmira ang mapa at ang direksyon na pinatutunguhan ng mga pulang tuldok. Nagtungo ng east gate si Snow.

Agad kong ibinahagi ang mapa sa mga kapwa ko healers at inatasan ang ilan sa kanila sa sumama sa rescue team habang matitira ang ilan dito sa arena upang tugunan ang mga estudyanteng sugatan sa duel.

Maya-maya ay dumating sa lugar namin si Thunder na sakay ng isang war horse. "Come with me," sabay lahad ng kamay nito sa akin.

"Gen, please go," biglang singit ni Somi. "Ako na dito."

Sumama ako kay Thunder habang dinig namin ang malakas na boses ng kapatid ni Blue na nag-aannounce ng duel. Sa bilis ng patakbo niya ng kabayo ay napahigpit ang hawak ko sa medical kit ngunit tuluyan nang nalaglag ang salamin ko. Nadadaanan namin ang ilang elementians na bulagta sa sahig. Wala akong makita, wala akong makitang spirit.

Sunod-sunod na dumadating ang mga healers sa tulong ng mga Aero-Aqua na may teleportation ability at may liwanag naman akong nakikita sa kanila. Anong kalapastangan sa Kromelia. Anong ibig sabihin nun?

Nang malampasan namin ang east gate ay nakaramdam kami ng magkaaway na init at lamig sa kagubatan. Natagpuan namin si Snow na nakabulagta sa patag habang puno ng putik at dugo ang kulay puti niyang damit.

Blag. Tunog iyan ng bagay na bumagsak. Sabay kaming napatingin ni Thunder doon.

Nagpatama ng kuryente si Thunder ng kidlat sa gawi ng ingay pero isang elementian lang pala ito na nadapa dahil sa nakaumbok na ugat ng puno. Laking pasalamat ko at dumating siya. Nakita niya ang kalagayan ni Snow kaya napakagat ito sa labi para pigilan ang paghikbi habang lumuluha. Nagtama ang paningin namin. Alam niya na ang gagawin.

~ Benevelle ~

Sinasabi ko na nga ba, may hindi magandang nangyayari sa labas. Sa pag-alis ni Blue ay bigla na ding nawala sila Somi at Elmira sa platform.

"Ako na lang, Mina," paalam ko sa kaniya.

"Samahan na kita," nag-aalalang sabi niya pero umiling ako at saka nagteleport pababa.

Huminga ako nang malalim at tinakbo ang daan, naghahanap ng pwedeng mapakinggan na ingay na magdadala sa akin papunta kay Gen o kay Snow. Sila lang ang hindi ko nakikita sa arena. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mabigat na yapak ng kabayo kaya sinundan ko ang ingay.

Ginagamit ko ang teleportation sa bilis ng pagtakbo nito kaso iyong huling pagteleport ko, nagkamali ako ng bagsak. Mabilis din akong napagulong nang may tumama na kidlat sa gawi ko.

"Balak mo ba akong patayin, Tanda?" inis na sigaw ko kay Thunder na inismidan lang ako.

Kumirot ang dibdib ko para kay Ate Snow. Halos mabuhol-buhol ang aking sikmura nang makita ang kalagayan niya. May magkaaway na spirit ang nasa katawan niya ngayon, isang mapusyaw na bughaw na usok at isang pulang usok. May kung anong nabara sa lalamunan ko at nang magtama ang paningin namin ni Gen, nangungusap ito sa akin na tulungan siyang itago ang sunod na mga gagawin.

Naglabas ako ng makapal na fog para magamot niya na kaagad si Ate Snow.

"What do you think you're doing," sabi ni Thunder na mabilis na pinagdikit ang malawak na distansiya naming dalawa saka hinablot ang braso ko. "I can't see anything."

Nag-umpisa na si Gen na mabilis na bumibigkas ng healing spells habang nababalutan ng luntiang liwanag. "Take it down," sabi ni Thunder na hindi mapakali sa tabi ko pero sinutsutan ko lang siya.

"Aah!" Maliwanag ang kulay ng usok ni Gen na nailipat kay Snow habang may mapula-pulang spirit na pumasok sa katawan ni Gen.

Sigurado akong ako lang ang nakakakita nito. Unti-unting nawawala ang fog na pinalabas ko at napaharang ako bigla sa gawi nila Gen at Snow.

"Tanggalin mo iyang damit mo," nagmamadali kong sabi kay Thunder.

"Anong! Nahihibang ka na ba? Ba-bakit ko-" naestatwa ito sa kinatatayuan nang umpisa kong tanggalin ang butones ng damit niya saka niya inilipat ang direksyon ng tingin na agad kong itinuon sa akin.

"Just look at me," sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. Itinuloy ko ang ginagawa hanggang matanggal ko ang pang-itaas niya. Pagkasulyap ko kay Thunder ay namumula ang mukha nito habang nakapikit. Tsk, itsura niya.

Tuluyan nang nawala ang fog at agad kong isinuot ang damit ni Thunder kay Gen. Nakahandusay ito sa lupa kanina at walang saplot. Ang kasuotan nito ay tila ba sinunog. At ang katawan niya, paano ko ba ilalarawan?

Kapansin-pansin ang pagbabago sa hubog ng kaniyang katawan. Ang buhok niya ay naging lila o sabihin na nating red violet. Hindi na siya bata. Nakaramdam muli ng paggalaw si Gen habang wala sa sariling hinahanap ang salamin.

"Anong nangyari?" nanghihinang sambit nito. "Bakit parang bumigat ang dibdib ko," naguguluhang tanong ni Gen bago napahawak sa katawan na nagkaroon ng maumbok na hinaharap. Hindi ko alam kung dahil ba sa gulat o pagod pero bigla muli itong nawalan ng malay.

Tumalikod ako at nagtama ang paningin namin ni Thunder. Hindi ko naman napigilan na suriin ang magandang katawan niya na hinulma ng masigasig na pag-eensayo. Halata ang malaman na mga braso nito at pa V-shape ang katawan na may abs. Wow.

"Enjoy what you're seeing?" nakakalokong tanong nito habang nakangisi. Dinedescribe ko lang naman, hindi ko ineenjoy.

Napahawak ako sa batok ko na ngayon ko lang muli naramdaman ang hapdi. Para itong pinapaso.

"Call for help," pag-uutos ko sa kaniya habang nararamdaman ang paglalaro ng init sa loob ng katawan ko. Pinilit kong tumayo. "Talikod," dagdag na utos ko.

"What?" Kunot-noong tanong nito at hindi ko na siya mahintay kaya dali-dali kong itinaas ang bestida ko saka ibinaba ang panloob na shorts para may maisuot kay Gen.

Tss. Tatalikod din pala, aangal-angal pa. Binilisan kong kumilos dahil naliliyo na ako. Pakiramdam ko ay ako na ang sunod na mawawalan ng malay.

Nang matapos ko ang dapat kong gawin ay nawalan na ako ng lakas at natumba sa lupa. Huli ko nang narinig ang pagmumura ni Thunder at ang tunog ng yapak ng mga kabayo sa hindi kalayuan. Mabuti naman. Babalik na kami sa arena.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now