BG XLV

42 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

"Babalik na kami sa arena," paalam sa akin nila Riel at Mina. Pinagalitan nila ako kanina kasi biglaan na lang daw akong nawala kahapon tapos mababalitaan nila kinabukasan na nasa clinic na ako.

"Sister! You're awake," pagbati ni Snow sa akin saka ako niyakap. "Overfatigue nanaman ang dahilan ng pagkawalang malay mo, tapos hindi ka pa nakakain ng dinner kagabi kasi ang haba ng tulog mo. Wake up na, let's eat," mahabang sabi nito.

"Ate Snow, si Thunder po?"

"Holy freak," nanlalaki ang mga mata nito habang nakatuop ang mga palad sa bibig. "Are you two for real na?" Ha? Ano daw? Hinahanap ko lang naman siya kasi kailangan kong malaman kung kumusta na si Gen. "Ugh, nevermind. He's just somewhere."

"Ate Snow, okay ka na?"

"Hmm, yup!" sagot nito na parang walang malalang nangyari sa kaniya kahapon. Hinayaan ko na lang dahil baka confidential sa kanilang mga rankers ang nangyari. Mabuti naman at ayos na siya, sapat na sa akin iyon.

Sabi ng healer ay maayos na ang kalagayan ko at pwede na akong gumala ulit. Napansin ko na may suot ulit akong anti-ability bracelet sa tabi ng watch ko. Tuloy ba ang duel? Sa kabila ng mga nangyari?

"Let's go, sister. Kusot na ang bestida ko. We also need to hurry dahil may duel ka pa ngayon," napatayo ako sa bed nang hilain na ako nito sa kung saan. "Congratulations pala, sister," masiyang bati nito pero para saan?

"Hindi ba kahapon recruit ang level mo tapos naging apprentice? So, ang makakalaban mo today ay isang dating novice na na-promote to apprentice," pagpapatuloy nito habang naghahanap kami ng makakainan.

Nakarating kami sa isang food stall na may nagtitinda ng mga korean food. Sabi ko sa kaniya bibimbap na lang sa akin habang bumili naman siya ng bossam rice at ramen.

"Can I see your ID?" Ipinakita ko naman sa kaniya iyong ID. "Oh my gosh, andami mo nang points. Paano mo nakuha?"

Ikinuwento ko sa kaniya na binigyan ako nung kaibigan ng ina ni Riel at saka siya muling nagfangirling kay mommy. Tama si Thunder. Gustong-gusto ni Snow ang Hark Knight na si Lovelle, andami niya nang nakwento habang kumikinang ang mga mata. Pakiramdam ko ay lalo akong nabusog dahil sa mga kwento niya tungkol kay mommy.

"Sayang nga eh. Ipinakita ko sa kaniya iyong video ni Elmira tapos sabi niya she said yes dahil akala niya gragraduate ako as first ranker this year. Do you know na may personal training sa kaniya ang mga first ranker graduates?" mapagnais na tanong niya. Makikita mo sa mga mata niya ang pagkasabik at panghihinayang na hindi niya naman itinatago. Iyon pala ang dahilan niya bakit gusto niyang manatiling first rank. Ibang klaseng dedikasyon.

"Humanda talaga sa akin iyong magiging first ranker this year. Tatalunin ko siya sa challenge. Nakakinis ang headmaster, gising naman na si Elmira pero hindi binawi iyong punishment," pagpapatuloy niya at nadagdagan pa ng madaming hinaing niya kung bakit daw hindi siya gragraduate this year.

Nakapasok kami ng arena at ilang saglit lang ay natawag na ang pangalan ko at isang katulad ko din na Aero Aqua. Pinapili kami ng weapon na gagamitin sa loob at daggers ang pinili ko habang bow and arrow sa kaniya. Nang makatapak ako sa arena ay maingat kong inalala ang lahat ng itinuro ni Fiona. Nagsimula ang five-minute timer.

May kalahating minuto lang siguro siyang nakatayo doon at hindi ko siya mahintay na sumugod kaya nagpalabas ako ng makapal na fog at mabilis na pinaikli ang distansya naming dalawa. Itinutok ko sa leeg niya ang dagger na hawak ko.

Concedes. Wala pang limang minuto pero natapos na ang laban dahil itinaas niya ang white flag niya. Ha? Anong nangyari? Nanalo ako sa duel sa ganoong paraan. May kung anong lumubog sa dibdib ko, ang boring naman nun.

Hindi pa ako nakakaakyat sa bench ay sinalubong na ako nila Riel at Mira. Hinanap ng paningin ko sa bench si Ate Snow at nakitang magkasama sila ni Thunder sa taas kung nasaan ang mga Lord/Lady representatives ng iba't ibang kingdom. Nandoon din sila Blue, Fiona, at Elmira.

"Ang cool mo!" masiglang sabi ni Riel. "Ang daming umaatake sa iyo na monsters kanina tapos nung halos isang dapan na lang ang layo nila napuno na iyong arena ng fog tapos 'bam!' nagtaas na ng white flag iyong kalaban mo. Pagkawala nung fog nakatutok na iyong dagger mo sa leeg niya."

"Oo, halos two minutes lang kayo doon, ang bilis. Ang galing," pumapalakpak na sabi ni Mina.

"Congratulations!" sabay nilang bigkas saka ako niyakap. Yumakap na lang din ako pabalik.

"Thank you," sagot ko nang nakangiti sa kanila.

"Yes, and dahil diyan magcecelebrate tayo," nasasabik na inilabas ni Riel ang ID. "Nadagdagan na iyong points natin ng 20,000 dahil nanalo tayong tatlo sa duel. May tatlong oras pa tayo bago mag-umpisa iyong rankers' duel."

"Riel, no rides, please," pagsusumamo ni Mina na ikinatawa naming dalawa ni Riel. At kung saan-saan na nga niya kami dinala.

Lahat ng pinamili namin ay inilagay niya sa space pocket niya at kunin na lang daw namin sa kaniya bago sila bumalik sa kingdom nila. Masaya naman akong kasama sila pero may pakiramdam ako na hindi pa tapos ang mga kaguluhang nangyari kahapon. Para bang, para bang naghihintay lamang ang mga kalaban ng tamang tiyempo. Ramdam ko din na kanina pa may nakamasid sa akin.

"Naiihi na ako," biglang sabi ni Mina.

"Hala, ako din," sabi ni Riel bago sila sabay na napatingin sa akin.

"Tara," sagot ko na lang at sabay-sabay kaming nagtungo sa palikuran.

Nakaramdam ako ng mahinang kuryente na bumaba sa gulugod. Lalong tumindi ang titig ng nagmamatiyag sa akin kaya wala sa sarili na sinundan ko ang pakiramdam ko para mahanap siya.

"Magpakita ka!" bigla kong sigaw. Inis kong tinanggal ang anti-ability bracelet ko na hindi ko dapat ginawa.

Nais ko, nais kong mapabagsak ang akademiya.

Ang kahilingan ay nanggaling sa boses na lubos kong kilala. Napahawak ako sa dibdib dahil sa init na kumakawala doon. Napako ako sa kinatatayuan. Ito nanaman ang nasisiyahang pakiramdam ko na lubos kong kinamumuhian sa tuwing tumutupad ako ng masamang hiling. Hindi pwede. Kumawala sa mga palad ko ang usok na kahit anong pilit kong pinapabalik ay hindi ko magawa.

Matindi ang damdamin ng humiling at tila ba kay tagal na nitong inaasam na mapabagsak ang akademiya. Napakagat ako sa labi para pigilin ang luha. Hindi ako iiyak. Kinakailangan kong ipaalam sa mga ranker ang posibilidad ng delubyong mangyayari. Pero kanino? Mariin kong ikinuyom ang mga palad. Sana ay namamalikmata lang ako at sana, sana ay nagkamali lang ako ng dinig.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now