"Either you choose or not, you will do the hurting and there's the one you will hurt."
**
Homer's Pov
"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito Mr. Monteverde?"
Bungad sa akin ni Bart ng makapasok. Nandito kami sa kanyang small house sa likod ng kanyang bahay. Pinagawa niya ito para tambayan daw. Pinapasok na kasi ako kanina since palagi akong pumupunta dito at bestfriend ko si Bart.
"What's with the face?"
Sabi niya at binuksan ang mini ref. Kumuha ng dalawang beer in can at inihagis sa akin ang isa. Hindi ko siya sinagot at lumagok na lamang ng beer. Iniisip ko pa kasi ang nangyari kanina. Paano kaya kung narinig kami ni Johannes?
"Okay, mukhang alam ko na. What happened?"
Sabi niya at umupo sa harap ko. Alam ni Bart lahat ng hinanakit ko. Alam niya ang kalagayan namin ni Janice. Alam niya lahat ng takbo sa buhay ko. And I'm about to tell kung anong nangyayari sa amin ng brother in law ko. Bumuntong-hininga ako bago magsalita.
"Nagkasagutan kami."
Ikli kong sagot at lumagok ng alak.
"Then?"
Kunot-noong sabi niya.
"Napagod na ako! Pagod na pagod na ako! Pagod na akong di niya mahalin! Pagod na akong magpapansin! Pagod na akong magtiis! Di ko na kayang magtiis pa! 8 years was so totally enough!
Sabi ko at napasabunot sa buhok.
"Masakit na Pare ee! Sobra ng sakit! Hindi ko na kaya pang indahin ang sakit na nararamdaman ko!"
Ani ko at isinubsob ang mukha sa mesa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang-sobra na ang paghihirap na nararanasan ko! This is so much worst than any physical injury! I'm emotionally breaking and I don't know what to do!
"Mahal mo pa ba?"
Napagting ang tenga ko ng marinig ko ang sinabi ni Bart.
Mahal ko pa ba si Janice?
Mahal ko pa ba asawa ko?
"I don't know! I don't! I don't fucking know!"
Sabi ko at napasabunot sa buhok. Itinakip ko ang dalawang kamay sa mukha ko.
"Alam mong hindi iyan ang sagot sa tanong ko, mahal mo pa ba?"
Pag-uulit ni Bart. Oo tama siya, yes or no lang naman ang dapat na sagot ko ee. And if I still love her, I don't have to doubt and don't have to think twice.
"Not at all."
Pabulong kong sabi pero alam kong sapat na iyon para marinig ako ni Bart.
"Then you better be apart from each other."