"When you lose something, you have to do something, its either you give up or you give in."
**
Janus' Pov
"Good Morning!"
Bati sa akin ng aking katabi. Yakap-yakap niya ako at nakayakap naman ako sa kanya.
"Good Morning!"
Sagot ko sa aking katabi at yumakap pa ng mahigpit sa kanya. Inihilig ko ang ulo niya sa kanyang mga bisig. Ang ganda namang panaginip to! Matigas ang pangangatawan ng kung sinuman ang nakayakap sa akin.
TEKA!
Panaginip ba talaga 'to!?
Agad kong idinilat ang mata ko at kumurap-kurap!GOSH! Kaharap ko ang machong dibdib ni Kuya! Itinaas ko ang aking ulo at nakita kong nakatitig si Kuya sa akin at NAKANGISI!
"AHHHHHHH!"
Agad akong napasigaw ng maalalang dito pala nahiga si Kuya. Kasabay ng aking pagsigaw ay ang pagbalikaw ko ng bangon.
Hinawakan ako ni Kuya sa kamay at tinakpan ang aking bunganga.
"Sshh. Tumahimik ka! Baka mahuli tayo dito!"
Sabi niya at agad naman akong kumalma.
"Janus! Anong nangyari!? Bat nagsisisigaw ka dyan!!?"
Sigaw ni Yaya Sasam mula sa labas ng kwarto.
Nakalimutan ko pa talaga na may ibang tao rin pala dito sa bahay.
Ang tanga mo talaga JANUS!
"Ahh ee... wala Yaya! Ipis! Oo may ipis kaya ako napasigaw!"
Ganti kong sigaw sa kanya.
Agad kasing kinuha ni Kuya ang kanyang kamay sa aking bunganga pero ang problema ngayon ay parang mahuhulog na ako sa kama. Kasi naman si Kuya nahuli siya sa pagkuha ng aking kamay. Kung hindi niya siguro ako hawak ngayon mahuhulog na talaga ako!"Ahh akala ko kung napano ka na diyan! Patayin mo wag kang babakla bakla! Ipis lang yan!"
Sigaw ni Yaya! Abay itong pangit na to sumusobra na ah!
"Kung ikaw kaya patayin ko diyan! Alis ka na nga!"
Ganti kong sigaw kay Yaya. Ganto kami ni Yaya. Nagbabangayan ng mga walang kwentang bagay!
"Chee! Kainin ka sana ng ipis!"
Gaganti pa sana akong pero agad akong hinila ni Kuya at..
HINALIKAN NIYA AKO!
Wala akong nagawa sa kanyang ginawa. Nagpatianod lang ako sa kanyang mga halik! At feeling ko tumutugon naman ako!
Eto ang ayaw ko! To let myself drown into his dimension! To get lost in his seductive doings!
"Kagabi ko pa ito gustong gawin sa'yo pero hindi talaga ako makahanap ng tyempo!"