"Love is when your brain letting him go but your heart wanting him so."
**
Janice's Pov
Isang linggo na rin ang lumipas simula ng nagkasagutan kami ni Homer. Isang linggo na rin siyang hindi umuuwi, panay tanong si Johannes kung nasaan Daddy niya sinasagot ko na lang may inaasikasong business. I was hurt, definitely hurt. But who am I to be angry with that? It was all in my hand. From the very beginning ako na ang unang sumuko at hindi nagpakita ng kasiyahan sa piling niya. Now I'm only taking and holding my last chance, si Johannes.
Alam kong hindi ako iiwan ni Homer dahil ayaw niyang masaktan si Johannes. Mahal niya si Johannes, ramdam ko iyon. Si Johannes na lang ang tanging pag-asa ko ngayon. Siya na lang pinanghahawakan ko ngayon para hindi kami iwan ni Homer. Natatakot akong maiwan ulit. Ayoko ng maiwan ulit.
I know that I and Homer would never be getting okay pero gagawin ko ang lahat para mabalik ko ang dating Homer. I just can't let him go now. Tama nga sila, mas mamahalin mo ang isang tao pag lumalayo na siya sa'yo. Tanga man kung tawagin pero nangyayari sa akin yun ngayon.
Hayy naku! Tama na nga mga drama ko! Final exams pa naman ngayon. I don't want to look like a dumbfounded in front of my students.
Kakatapos pa lang ng dalawang subject at break na.
1 unread message
From: Louie
"Lunch tayo :) I'm here in front of school."
Sabi ni Louie sa text. Talagang hindi pa siya tumitigil. Isa pa tong si Louie, hindi ko siya kayang balewalain lang. May malaki siyang responsibilidad sa akin.
To: Louie
"Sige. Hintay."
Ikli kong sabi sa text. Mabuti na rin sigurong may makausap ako ngayon para hindi naman mapanis laway ko neto.
Inayos ko na muna ang mga gamit ko at naglakad na palabas ng faculty at nagderederetso palabas ng school.
Paglabas ko pa lamang ay agad ko na siyang nakita sa bukana ng gate dala ang kanyang kotse.
Nagngitian lang kami at pinagbuksan niya ako. Nasa passenger's seat ako. Nagsimula na siyang magdrive.
"San tayo kakain?"
Tanong ko sa kanya kasi medyo malayo na kami sa school ee.
"Basta. Surprise yun."
Sabi niya at nginitian ako at napangiti na rin ako. Kilala ko si Louie, alam niya nakakapagpapasya sa akin. Louie has never failed to make me happy even before.
"About last time--"
"No, don't say sorry. I deserve those words. I deserve all of those. Hindi kita masisisi kung bakit mo nasabi ang mga bagay na iyon Janice."
Seryoso niyang sabi kaya hindi na lang ako nagsalita. I felt so sorry about last time. Nabigla lang siguro ako kaya nasabi ko ang mga bagay na iyon.
"We're here."
Biglang sabi ni Louie at itinigil ang sasakyan.
Teka, I know this place.
"Let me take you from where we were started."