Chapter 1

18 3 0
                                    

Azi's Point Of View

"Tapos ka na sa assignment?"

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, he's wearing our uniform, as always he look so good. Matangkad, katamtaman lang ang kulay ng kaniyang balat, his brown eyes surrounded by black, his lips and of course his beautiful brows, I wonder why I never fall for him, nihindi man lang 'yon sumagi sa isip ko na magustohan siya, well, ngayon pa lang. Anyway, that's my best friend, Zion Zachary Guivencan.

"What?" sunod nito nang mapansing nakatitig ako sakanya habang nakataas ang kaniyang isang kilay.

"I'm done, pag hindi ba papakopyahin mo'ko?"

"Hindi." Umupo ito sa tabi ko.
"Hindi ko na 'yon problema, sa tamad mong yan pano ka naman nakapasok sa with highest?" Pang-iinsulto nito habang nakatitig sakaniyang phone.
"Don't tell me binayaran mo prof natin? oh, i remembered wala ka nga palang pambayad." Muling aniya.

"Heh! nagugutom ako, Zion." Sambit ko, sama ng ugali. Ano naman kung walang pera nag iipon ako e!

"Looks like it's a you problem." nakatingin pa rin ito sa kaniyang phone.

"Canteen tayo, libre mo ko." Ngumisi naman ako habang pilit tinatabunan ang telepono niya upang tumoon ang atensyon niya sa'kin.

Paano ba kami naging mag kaibigan nitong lalaking 'to, it all started when i transferred to this school.

__

"Miss Alvarez! you're sleeping in my class again!" Bulyaw ng panot naming prof, ang siyang nakapag padilat ng aking mga mata.

Ito na, ito na naman siya sa pang iisturbo sa tulog ko.

"Good morning, sir!" Napatayo na lamang ako sanhi ng aking pagka gulat, habang pinupunasan ang kaunting laway na tumolo sa bibig ko. Narinig ko naman ang mga mahihinang tawanan ng mga kaklase ko.

Bago pa man makapag salita muli ang prof namin ay may pumasok na isang lalake sa room. Napa sapo nalang si boss panot sa kaniyang ulo ng makitang late na naman si Zion.

Sa sobrang stress niya sa amin, parang tig-dadalawa na lang ang natitira sa buhok niya. High blood naman siya palagi.

"Isa ka pa! Kayong dalawa, lumabas kayo! Hangga't di natatapos ang time ko, tatayo lang kayo diyan sa labas," bulyaw niya. Agad naman akong tumayo para sundan si Zion na naunang lumabas. Hindi kami ganoon ka-close. Minsan ko lang siya makita-madalas late siya o baka tulog ako kapag andiyan siya.

"Sir, peace tayo. Easy ka lang, boss. Pano-"

"Anong sabi mo?!" Nanlilisik na ang singkit na mga mata ni prof at nakatayo nang bahagya ang kaniyang kapiranggot na buhok.

"I mean, i-kalma ang puso, sir." Ngumisi ako habang dumaan sa harapan ni boss panot.

Pero imbes na matuwa, pinitik niya pa ang noo ko gamit ang ruler na hawak niya.

"Ah, aray!" Muli na namang naghiyawan ang mga kaklase ko. Sumunod na lang ako kay Zion; baka bumagsak pa ako nang wala sa oras.

"Sakit ng paa ko," reklamo ko sa sarili ko. Sumandal na lang ako sa may gusali ro'n para hindi mangawit. Mag-iisang oras na rin akong nakatayo dito.

Nakita ko naman si Zion na nakaupo sa sahig. Teka, pag nakita 'to ni prof!

"Hoy, lalaki! Tumayo ka riyan," sambit ko. Lumingon siya sa akin pero agad din namang umiwas ng tingin. Gago 'to ah.

"Nakikinig ka ba?! Pag nakita ka ni prof, pati ako malalagot!" bulyaw ko muli.

"So? Hindi ko kasalanang natutulog ka sa klase," aniya kasabay ng pagtaas ng kaniyang kilay.

Reconcile Where stories live. Discover now