Chapter 2

10 2 0
                                    

Days went by too fast, there were many boring days, but it was okay as I felt at peace. Naging busy sa acads since graduating na nga kami, and second semester na rin maraming gagawin at dapat gawin agad, we're busy sa research and hindi naman kami kagroupo ni Zion kaya hindi na kami masyado nagkikita o nag kakasabay pauwi.

"Azi, andito ka lang pala samahan mo ko." Biglang pag lapit sakin ni Asha she's my transgender friend, siya 'yong kasa-kasama ko lately since di ko nakakasama si Zion, she's also my junior high classmate kaso ngayon hindi na kami mag kaklase.

"San na naman?" Sambit ko.

"Tamlay mo ah, canteen lang." Tinatamad talaga ako kaso wala siyang kasama. Sinamahan ko nalang pero hindi na ako bumili ng makakain since may cramps ako at wala akong gana kumain.

"Sure kang di ka bibili? libre kita." Sambit ni Asha.

"Hindi na, wala talaga akong gana masama pakiramdam ko." Inihiga ko na lamang ang ulo ko sa may table at hinayaang kumain si Asha ro'n.

"Di ka ata nag hahanap ng pogi ngayon?" Tanong ko kay Asha, madalas kasi kahit saan to nag pupupunta, pero himala andito lang siya ngayon kumakain sa canteen.

"Tinamad na ako, saka may bago na akong part time pogi ang boss ko, sana maging regular ako ro'n pagdasal mo naman ako oh malakas ka naman kay bro." kumikinang naman ang mga mata niya sa pag k-kwento habang hawak hawak ang mga kamay ko.

"Ay?? bakla ka! kaya pala nananahimik ka na ah, nanlalambot talaga ako bakit ba kasi ako naging babae bwesit na period to!" Muling pag sandal ko sa braso ko habang namimilipit sa sakit ng puson ko.

Nagulat na lamang ako sa pag dampi ng canned of soft drink sa mukha ko ang siyang nag pa angat ng ulo ko, tangina naman talaga mainit na ulo ko iinisin pa ako, inangat ko ang tingin ko and I saw Zion nakangisi, bumosangot naman ako.

"Go eat something." Sambit niya.

"I'm not hungry."

"You didn't eat anything today." Paano niya naman nalaman?

"Ayoko kumain."

"I don't care." Hinila niya ako sa kinauupoan ko at dinala ako sa may bilihan ng pagkain.

"Ay wow?! kulang pala ng popcorn 'tong kinakain ko sa drama na nakikita ko ngayon." Humalakhak naman si Asha sa nasasaksihan niya, as if may napapanood na magandang telenovela.

"Ano ba! I said i'm not hungry diba." pag pumiglas ko sa pag-kakahawak niya sa'kin.

"Choose, I'll pay for everything." He's just there standing crossing his arm while holding the canned of soft drink habang naka taas ang kaniyang isang kilay. Honestly i'm amazed nanakikita ko to, kasi ang attractive niya tignan pero huh? ano?!

Nakatingin sakin ang tindera kaya naman pumili na ako, nakakahiya naman, libre mo pala ah, pinili ko lahat ng mamahalin at pumonta sakanya.

"Bayad." Iniabot ko naman ang palad ko.

"What? may sinabi ba ako?" Aniya nang aasar, kaya naman ay tinalikuran ko na siya at iiwan na sana. "Joke lang, ito lang ba? baka may gusto ka pa, nahiya ka pa talaga."

"Alam mo huwag na, kairita." hinawakan niya naman ang kamay ko para hindi ako maka-alis.

"Ito po, keep the change. Go get yourself something nice ate." kinuha niya naman agad ang nabiling pagkain at tumongo sa kinauupoan ni Asha, hawak-hawak pa rin ang kamay ko.

"Keep the change? e lima lang naman sukli mo." natawa naman siya sa sinabi ko.

"Kuhain mo kung gusto mo." umupo naman siya sa harap ko pagkatapos akong turuan umupo kala mo naman lumpo ako.

Reconcile Where stories live. Discover now