Chapter 3

10 3 0
                                    

Ilang araw na ang nakakalipas simula nong mga nangyare, until now we're both busy, and guess what? hindi pa rin kami nag kikibuan about what happened. He never asked me so I never explain, hindi ako humingi ng tawad, it's his fault after all.

Well, oo hindi ko rin alam bakit ko siya sinampal that time, but I thought kasi he'll gonna kiss me sa- I was scared and overwhelmed, nataranta ako. Why did he intentionally grabs my waist though? I mean diba, why would he do that? gulong-gulo na ako.

Halos lahat ng nasa klase ay napaka-busy, pero heto kami ni Zion ngayon, nakaupo lang sa upuan namin. Gusto ko sana siyang kausapin, pero ayoko. Napansin ko naman na gusto rin niya akong kausapin, pero halatang nagdadalawang-isip siya.

Edi bahala siya!

“Zi—” mahina kong sambit, pero bago pa man ako makatapos, pinutol iyon ng isa naming kaklase.

“Zion...” malanding sambit ng kaklase naming si Thalia, pero tinatawag siyang Lia. Siya ang muse ng section namin. Maganda naman siya—hulmang-hulma ang kanyang katawan, matangkad, mahaba ang buhok, malaki ang hinaharap, at higit sa lahat, sikat din siya sa campus. Pero hindi ko pa rin makakalimutan ang spelling niyang “bonus” na ginawa niyang “bunos.”

Tulungan mo naman ako sa research natin. Naguguluhan kasi ako. Pleaseee,” sabi niya habang nagpapaawa ang mukha at naka-pout pa, at pilit nitong pinaglalandakan ang kaniyang hinaharap. Nakatingin naman ako sa dib-dib ko at napabuntong hininga.

Bago pa ako mainis, lumabas na lang ako ng room. Gutom na ako. Sana makakita ako ng pera sa daan, nanlalambot ako ubos na pera ko tapos di pa ako pinapansin ni Zion, sino manlilibre sa'kin ngayon.

“Azi.” nang makita ko si Zion ay agad ko naman 'tong tinalikuran at nag madaling umalis, but he has this long legs that could follow me kahit anong bilis ko pa sa pag-lalakad. He immediately grabs my arm nang maabutan ako nito, upang mapahinto ako sa'king paglalakad.

“I'm not gonna tolerate your bad behavior, say sorry.” he's so serious about it at malakas ang pagkakasabi niya kaya naman naiiyak ako.

“Learn to accept your mistakes, Azi.” he calms himself at sinubokang hinaan ang kaniyang boses. Teka, anong kasalanan ko?

“Fine! I'm sorry.” sambit ko and rolled my eyes.

“Stop with that attitude.” Mahinahon niyang pagkakasabi.

“I'm sorry na nga! i'm sorry.. I didn't mean to slapped you, I was shocked. Why didn't you ask my permission first?” Did I pull the reverse card ba?

“You asked for it, how's that my fault?” kumonot ang kaniyang noo at tinaasan naman ako ng kilay nito kalaunan.

“I never asked that.” sambit ko.

“You asked for it, Azi. You told me to date you instead, and to marry you, so I did. I took the chance kasi ayaw ko makasal sa iba, I was planning for something but you fucking slapped me.” nang marinig ko 'yon ay napangiti na lamang ako bigla, wait bakit pala ako nakangiti.

“And now you're smiling, kairitang babae.” he cleared his throat, namumula pa ang kaniyang mga tainga and might be regretting for what he have said. “Diyan ka na.” and he left. Naiwan ako ro'n naka tulala, anong nangyare?

Ano 'yon? did he just blushed or something? tangina ang cute, natawa na lamang ako sa nasaksihan ko. Nang bumalik ako sa room agad ko naman nakita si Zion nakaupo.

“Zion?” lumapit ako para tignan maigi ang kaniyang mukha.

“What?” he gulps. “Ilayo mo nga yang mukha mo sakin.” Agad niya naman itinulak ng bahagya ang mukha ko gamit ang kaniyang palad. Nang mapalayo ako nito, hinawakan ko naman ang kaniyang noo, agad niya rin hinawakan ang braso ko upang ilayo ito sakanya.

Reconcile Where stories live. Discover now