Chapter 7

2.6K 126 42
                                    

"Sky naman eh, bakit ganyan na naman ang color combination mo?"

Napatingin ako sa salamin para pasadahan ulit ang suot kong damit. Bloody red skirt paired with bright yellow ruffled blouse and blue doll shoes. Hapit sa balakang ko ang skirt tapos ang  blouse naman ay humuhulma sa hubog na aking katawan. 

Pupunta akong presinto ngayon. Wala sana akong balak eh kaso nagmessage sa akin si Hunter kagabi. Take note, siya ang nagmessage sa akin. Wala namang masyadong sinabi pero halos hindi ako makatulog.Nagtext lang para ipa remind sa akin na magkikita kami alas nwebe ngayong umaga.

"Tsaka anong doll shoes yan Sky, bakit blue? Nakikita mo ba ang sarili mo sa salamin? Parang kang bandila ng Pilipinas na naglalakad. Kulang na lang maglagay ka ng star dyan sa pagmumukha mo. Magpalit ka nga!"

Napanguso na ako na ako kay Lotlot na mukhang namo-mroblema sa suot ko.  Wala namang mali sa damit ko. Ang ganda ko nga tingnan eh. Ang ganda nung pagkatingkad ng kulay nila, mas nae-emphasize ang kulay ng kutis ko. 

"And don't tell me, isusuot mo pa yang hair clip na yan? Sky naman, puno na ng ipit ang buok mo, saan mo pa isisingit ang paru-parong yan? Tsaka ang laki naman niyan, ipit pa ba yan?"

Inilang hakbang nito ang distansya namin at kinuha sa kamay ko ang butterfly clip na balak ko sanang ilagay sa ulo ko. Hindi ko pa yun nagamit kaya balak kong irampa kaso napaka kill joy ng pinsan ko ayaw ipasuot sa akin. 

"Please naman Sky, ang ganda mo na eh. Hindi mo na kelangan maglagay ng kung ano-anong ipit dyan sa buhok mo. Tsaka next time naman wag ganyang kulay ang pagsamahin mo, ang baduy mo tingnan."

Sabi nga nila only true friends can be brutally honest. And in my case si Lotlot lang talaga ang malakas ang loob at diretshan mamuna sa akin. Hindi nito trip ang mga bet kung kulay pero ewan ko ba pero feeling ko talaga ang ganda ko sa color combination ng mga suot ko.

"'Pag ako talaga nakapunta sa ukay-ukay papalitan ko lahat ng mga matitingkad na damit na yan."

"Hindi ba maganda ang color combo ko, pinsan? Do you think hindi ako magugustuhan ni Hunter kapag nakita niya akong ganito ang mga suot?"

"Hindi Sky, ako na ang nagsasabi sayo." Wala man lang kapreno-prenong sagot ni Lotlot sa akin. Hindi ako nakailag doon ah!

"Ang weird nung mga colors na gusto mo. Sabi ko kasi sayo hindi na uso yang ganyang kulay ngayon. Panahon pa ni kupong-kupong yan. Sa mga kaedad natin ngayon estetik na ang uso. Mga nude at pastel colors. Yung mga kulay na hindi nakakasilaw sa mata."

Parang bigla akong nalungkot. Sinubukan ko naman kasing magsuot ng ganung mga kulay ng damit pero feeling ko ang dry, parang ang lungkot ng buhay ko. Weirdo ba ako? Di ko kasi talaga bet ang light colors eh. 

Pinasadahan ko ulit ang sarili ko. Siguro nga para sa iba ang weird ng mga taste ko pero gusto ko talaga yun mga extra eh, yung mga catchy, yung mga nakakaagaw pansin. Feeling ko nga minsan papansin na ako. Masama ba yun? 

"O sya wag ka na malungkot dyan. Basta next time wag lang masyadong matingkad, tsaka kung pwede e terno mo nalang, wag mo na e combine yung kulay. Kung gusto mong magdilaw, edi dilaw na lang lahat. O pwede namang dilaw tsaka puti.Basta wag mo lang pagsamahin ang parehas na matitingkad na kulay."

Tumango ako at naglagay na ng pulbo at konting liptint. 

"Saan ka ba pupunta ngayon? Ba't ganyan ang bihis mo? Magkikita ba kayo ni Senyorito Hunter?"

Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa pagkawala ng card. Ayoko na kasing dagdagan pa ang alalahanin niya. Iniiwasan ko din na baka makalimutan niya at mabanggit niya kay Lola. 

Sandoval Series #6 : Rhythm of the Troubled Sky (Hunter Cole Sandoval)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon