Chapter 19

2.7K 180 48
                                    

"Ang itlog na maalat, bow!" 

Malakas na nagtawanan ang mga kaklase ko dahilan para maging maingay ang classroon namin. Hindi lang basta tawanan kundi may kasama pang paghampas sa ibabaw ng arm chair nila. 

Hindi pa nagsisimula ang klase pero madami na kaming nandito at karamihan sa mga yun ay ang mga kaklase kong maiingay at maligalig sa klase. 

Maaga akong dumating sa school ngayon dahil — actually hindi ko rin alam. Wala lang, trip ko lang. Alam mo yung feeling na bigla ka na lang ginanahan pumasok? Yun agad ang na-feel ko kaninang umaga pagkagising ko. 

"Kanino ba kasing itlog na maalat ang tinutukoy mo, Ate Sky." Tanong ng isa sa kanila. "Kay Sir S ba yan? Nakita ka naming lumapit sa kanya kahapon ah!"

"Pssssst! Bunganga niyo ha, quiet!" Sinenyasan ko sila na tumahimik. "Walang ganyanan! Bawal magbanggit ng pangalan at baka ma prefect of discipline tayo." 

Agad namang hininaan ng mga ito ang boses nila. 

"Kahapon pa kasi namin naririnig yang itlog na maalat jpeg mo, Ate Sky. Tapos nahuli ka pa naming bigla nalang natatawa. Si Sir S naman buong klase nakasimangot. Pansin din namin yung mga tinginan ninyong dalawa. Para kanino ba talaga yang itlog na maalat na sinasabi mo? Imposible namang para kay Sir S yan? Magkakilala ba kayo?"

"Kayo talaga, pinapahamak niyo ako. Bakit may sinabi ba akong siya?" Walang umayon  sa kanila pero wala din namang kumontra. 

"Tsaka ano sa tingin niyo ang pagkakaparehas ng binugok na itlog at century egg sa itlog ni — niya. I mean ni Sir na tinutukoy niyo?" 

Ewan ko ba parang nawe-wirduhan akong tawagin si Hunter na Sir. Sir like my teacher. Parang ang weird lang na alam mo yung naka—. Never mind. 

"Kasi diba sabi niya old na siya? Yung century egg is old, tsaka yung binugok is kinda old egg din diba?"

Arte naman nitong rich kid kong kaklase pero nangiti ako sa sinabi niya. In fairness matalino siya sa part na yun. 

"Oo nga Ate, feeling ko talaga magkakilala kayo ni Sir S, kaya siya yung tinutukoy mo."

Tinaasan ko sila ng kilay pero nakangiti pa rin ako. Hindi ko aaminin sa kanila na dati na kaming magkakilala ni Hunter.

"Sabi ni Sir Hunter matanders na daw siya, siguro yung ano niya is you know tanders na din. Kaya siguro sinabi ni Ate Sky na maalat."

"Porke ba sinabi niyang tander bird na siya pati yung bird niya tanders na rin?Di natin sure yan ah? Tsaka kita niyo naman... kita niyo naman diba? Hindi na kailangang magsalita diyan dahil kita niyo naman. Hindi na natin kailangan sabihin yan..." Sabi ko, ginaya ko pa yung boses nung nanay ng usong meme ngayon.

Muling nagtawanan ang mga kaklase ko at lalong naging kuryuso ang mga ito sa akin. 

"Ang sama mo Ate. He doesn't look old kaya. He can be my sugar Daddy."

Sugar daddy?! Naneto! Aagawan pa ako ng trono ah. 

"Sige na Ate Sky, sabihin mo sa amin kung hindi siya sino?"

"Secreeeeeet!" Nakangiti kong sagot sa kanila. "Basta akin na lang yun. Bawal pa kayo sa ganun, kasi mga kids pa kayo."

"Ate name eh! 'Ge na Ate Sky, magkwento ka na. Magkakakilala ba kayo ni Sir S dati?"

Hindi lang magkakilala mga langga! Sobra pa dyan.

"Feeling ko talaga na magkakilala sila ni Ate Sky eh. Kita mo ba yung titig ni Sir S sa kanya kahapon?"

Biglang sabat nung isa kaya napalingon ako sa kanya. 

"Oo nga! Parang gustong tunawin ni Sir S si Ate Sky eh. Malakas talaga ang kutob ko na magkakilala silang dalawa. Tsaka kita niyo bang hindi takot si Ate Sky kay Sir S?"

Sandoval Series #6 : Rhythm of the Troubled Sky (Hunter Cole Sandoval)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon