Chapter 16

2.3K 170 43
                                    

"Sky naman eh! Bakit mo naman binalatan lahat ng mga de-lata? Paano mo  malalaman anong uulamin mo dito?"

Pagkabukas niya pa lang ng kabinet ko yun agad ang una niyang nakita. Nakatingin lang ako sa kanya habang isa-isa niyang inenspekyon ang laman ng kabinet ko. 

"Tsaka ano itong mga pagkaing naka stock dito? Puro unhealthy foods. Ito ba ang mga kinakain mmo dito Schuyller? Excited ka na bang umakyat sa langit?"

Woi! Sana ol sa langit! Pero grabe naman akyat langit agad? Hindi ba pwedeng patikim ulit ng langit? Char lang!

"Noodles, pancit cantoon, canned goods, ano 'tong mga 'to? Nagluluto ka pa ba, pinsan? Naku 'pag ito nalaman ni Lola pauuwiin ka niya talaga sa probinsya."

Hindi ako sumagot pero nakangiti akong tumitig sa kanya. I miss this feeling. Yung feeling na kapag napagsasabihan ako ng pinsan ko. It's been a while but still she didn't change. She's the same Lotlot my sweet and caring cousin.

"Kaya ang payat payat mo na tingnan. Puro unhealthy food pinapasak mo dyan sa katawan mo. Kaya pala hindi mapalagay si Lola Valeria doon sa atin eh. Itong mga dala ko ilagay mo dito sa ref mo. Si Lola Valeria ang naghanda lahat ng yan. Pati itong mga prutas, siya mismo ang namili niyan sa palengke para ipadala sayo dito." 

Inisa-isa nitong nilabas ang mga pagkain at prutas  na dala niya galing sa probinsya. Pomelo, mangoosteen, mangga at durian. May dala din siyang nilutong ulam, ang paborito kong adobong native na manok at ang pangmalakasang kakanin ni Lola Val, ang puto maya na may kasamang tablea. 

Naaalala niyo pa ba si Lotlot, yung pinsan ko? Tumawag ito sa akin kahapon na luluwas siya dito sa Maynila dahil pinapa-check ako ni Lola Valeria sa kanya. Sabi ko nga sa kanya na ayos lang ako pero ayaw talagang maniwala. Nagpupumilit daw si Lola at kung hindi ako papayag baka si Lola pa ang lumuwas dito.  

Si Lotlot ang naiwan dun sa Davao para bantayan si Lola Val. Wala pa rin itong asawa pero balak na nilang magpakasal ng boyfriend niya, si Kuya Buboy. Hinihintay na lang na matapos ang ginagawa nilang bahay sa tabi ng bahay ni Lola.

"Anong trip mo at tinanggalan mo ng balat itong mga de-lata mo?" Isa-isa niya pang tiningnan ang mga nakahilerang delata sa kabinet ko. 

Kahit ako natatawa sa trip kong yan.  Wala lang, trip ko lang. Naisipan ko lang gawin nang minsang na bored ako. 

"Alam mo na para maiba. Unique ako diba?" Nakangiti kong sagot sa kanya sabay lahad ng kamay ko para kunin sa kanya ang de-latang napili niya. 

Palagi na lang kasi sardinas ang ulam ko. Para may thrill bumili ako ng corned beef, beef loaf, mechado, afritada at iba pang klase ng mga de-latang ulam. Pagkatapos binalatan ko lahat at nilagay sa cabinet ko. Ginawa ko yun para may element of surprise. Hindi yung pagbukas ko pa lang, alam ko na agad na sardinas yung uulamin ko. 

"Anong gusto mong ulamin natin?" 

"As if naman kung sinabi ko, malalaman mo kung alin dyan sa mga delata mo."

Humaba ang nguso ko. Tama nga pala ano?

"Wag mo na buksan yan, may dala akong lechon manok nabili ko dyan sa kanto niyo. Ito na lang ulamin natin."

Hinain nito ang ulam na dala niya. Ang bango ng lechon manok. Actually afford ko naman ng bumili ng ganun kaso lang hindi ako bumibili dahil ako lang din naman mag-isa kumain. 

"Nga pala nagkita kami ni Noel. Sabi niya sa akin dumaan daw siya dito nung nakaraan buwan. Siya din nagsabi na pumapayat ka daw."

Ito talagang si bakla kung anong pinagsasabi. 

Naalala niyo pa ba si Noelle? Yung baklang nakasama ko noon sa Hacienda ng mga Sandoval? Bff ko na ngayon ang bruhang yun. Last month bumisita yun sa akin dito. 

Sandoval Series #6 : Rhythm of the Troubled Sky (Hunter Cole Sandoval)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon