Chapter 19: Missed

232 11 4
                                    

Ilang beses kong sinubukan tawagan si Dad ngunit walang sumasagot ng tawag ko. Kahit ang landline sa mismong bahay namin sa probinsya ay puro ring lamang.

Naisip kong abalahin ang sarili sa mga gawain para sa eskwela ngunit natutulala lamang ako sa kawalan sa tuwing tumatakbo ang isip ko tungkol sa nangyari kahapon.

Halos ang buong bahay ay nilinis ko na upang mawala sa utak ko ang bumabagabag sa akin. May kirot at bigat akong nararamdaman dahil alam ko sa sarili na kinakailangan ko itong ipagbigay-alam kay Dad. Kung mananahimik ako sa nangyari ay parang niloko ko na rin siya.

"Sa tingin niyo ba maganda tingnan itong bahay kung pipinturahan ko ng kulay dilaw?" tanong ko sa mga kaibigan.

Araw ng linggo ngayon kaya naman kaming lahat ay nakapirme lamang sa bahay at sinasamantala ang araw na bakante upang gawin ang mga gusto naming tapusin.

"DILAW?!" sabay-sabay na tanong nila sa akin at nagkatinginan pa. Tumango lamang ako bilang pagsang-ayos dahilan para agad silang umiling.

"Bakit? Diba parang araw? Kayo ang sunshine ng buhay ko," agap ko.

"Ang sweet sa tainga pero masakit sa mata, EL..." pagtutol ni Precious. Lumapit siya sa akin at kinuha ang brush na gagamitin ko pangkulay. "Akin na 'to. Okay na 'yung nilinis mo ang bahay."

"Bakit naman dilaw ang gusto mong ipangkulay? Ang daming magagandang kulay," pagsingit ni Nicolas habang nagbubuhat ng barbel sa harap ng salamin.

"Oo nga pre... o kaya blue? black? green?" natatawang paggatong ni Brian sa suhestiyon ni Nicolas.

"Isa ka pa eh!" sambit ni Precious at kinutongan si Brian na nakaupo sa silya sa kusina.

"Bakit ginagawa mo naman lahat, Evan? May problema ka ba?" kuryoso na tanong ni Zach habang nagta-type sa kanyang laptop. Magkatapat lamang sila ng upuan ni Brian.

"Wala. Gusto ko lang ng bago sa paningin," sagot ko at binagsak ang katawan sa malapit ma sofa.

"Kahit ako magsasawa sa mukha ni Brian eh. Mukha ba namang butiki!" pangangasar ni Nicolas kaya naman ang isa ay binato siya ng pencil case ni Zach.

"Inamo ka, Brian! Pati mga ballpen ko idadamay mo! Kapag 'yan lahat ay nawalan ng tinta daliri mo ang ipapangsulat ko!" reklamo ni Zach at pinagsasapok ang kaharap niya.

"KAKALINIS KO LANG AH!" sigaw ko sa kanila para agad silang tumahimik at umayos ng kilos. "IKAW BRIAN... WALA KA BANG PINAGKAKAABALAHAN? NICOLAS, PANAY BARBEL KA YUNG PAWIS MO TUMUTULO SA SAHIG! ZACH, LINGGO NGAYON MAG PAAWAT KA NAMAN SA ACADS! AT IKAW PRECIOUS... YUNG MAKE-UP MO NAMAN AYUSIN MO NANG LIGPIT!"

"Sorry, ito na... inaayos ko na..." mahinang sambit niya at nagmamadaling tinapos ang pagba-blush niya kahit nasa bahay lang naman buong araw. Ang mga lalaki ay umayos ng upo habang si Nicolas ay nagpupunas ng pawis sa katawan at sahig gamit ang damit niyang hinubad.

"Pre, arat sa kwarto... sa hapunan na lang tayo lumabas mukhang badtrip si Evan..." bulong na pag-aya ni Brian sa mga lalaki na agad naman nilang sinang-ayunan. Kahit si Precious ay nagmamadali na umakyat sa hagdan upang pumasok sa kwarto.

Huminga ako ng malalim at sinapo ang noo habang umiiling. Nakaramdam ako ng pagsisisi sa aking katawan. Hindi ko alam ngunit simula pagkagising ko ay masama na ang timpla ng emosyon ko. Kaninang umaga ay puro bulyaw at sermon rin ako habang naglilinis. Kahit sa pagkain namin ng almusal ay masama ang tingin ko sa mga kaibigan.

Nilabas ko ang phone at nagpunta sa isa sa mga social media accounts ko. I searched for Yuri Tan's profile to check up on her again. Wala naman siyang ibang mga posts bukod sa naunang nakita ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Star and Shadows (BL Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon