Prologue: Unwelcome

881 30 7
                                    

"Evan, pupunta ka ba sa party later? Gusto ka daw makita nila Vannesa!" tanong sa akin ni Precious mula sa kabilang linya.

"I don't know... kailangan ba talaga?" I asked back.

Kasalukuyan kong inaayos ang aking mga damit dahil sa susunod na araw ay lilipat na ako papuntang Manila. Doon kasi ako gustong pag-aralin ni mommy ngayong katatapos lang ng aking Senior High School.

"Bahala ka kung ayaw mong pumunta! Hindi ka na nga namin makikita ulit dahil sa Manila ka na mag-aaral for College, tapos ang KJ mo pa!" galit na sambit sa akin ng kaibigan at mabilis na pinatay ang tawag.

Bumuntong hininga ako at agarang naghanap ng damit na susuotin para sa after Grad Party. Inasikaso ko na kasi ang mga gamit ko dahil sa susunod na araw na ang biyahe! Wala akong iniwang damit dahil lahat iyon ay pang-awra ko.

Ayoko rin maaksaya ang effort kong pagtupi which is unusual kasi I just leave my clothes hanging in my drawer so I could easily pick my 'outfit of the day'.

Napairap nalang ako dahil nagtatalo ang kagustuhan kong ilaan ang natitira kong araw rito sa probinsya kasama ba ang mga kaibigan at kaklase o ipapahinga ko nalang ito para handa ang prinsesa sa buhay Maynila.

Yes, I am gay. Everyone around me knows that I'm gay. Halos ibalandra ko ba naman ang kagandahan ko kaya kilalang-kilala nila ang pagkatao ko. Dala na rin siguro na dito ako lumaki sa lugar namin dahil simula pagkabata barbie at chinese garter na ang nilalaro ko.

Luckily, I am free and open when it comes to my sexuality. It's as if the only bare truth I can handle for myself, especially to my mom and dad since no 'coming out' happened, which I'm grateful because no more drama needed too.

I know that I am loved and accepted. That's undeniable.

Or maybe, my parents knew or had low-key wishes that their first born child should be a girl during the first few months. Pero noong nalaman nila na may oten, ayun hinayaan na lang maging binabae growing up.

'I am still a blessing.' At least, that's what they told me.

Pagkatapos maligo ay nagsuot lamang ako ng hoodie na kulay itim partnered with denim jeans and sneaker shoes.

Naglagay ako ng neon highlight sa kanang mata at may kaunting glitters sa parehas na eyeshadow para mas mag blend. Tinext ko agad si Precious nang matapos akong mag-ayos.

Me:
On my way. Ready the red carpet or else mga buhok niyo ang lalakaran ko : )

I jokingly warned her. I realized that this is a good chance to bid my farewell, though I have already done that earlier in our graduation program but to some of my friends only.

Agad na bumalik ang tingin ko sa screen ng aking phone when she replied instantly.

Precious:
Carpet's ready, bitch! Boobies are lined up hahaha...

I smirked and replied to her text as well.

Me:
I prefer abs over boobies, especially when yours were all retokada.

I smiled and locked my phone. Madilim na ang kalangitan at tahimik lamang ang paligid nang dumungaw ako sa labas ng sasakyan.

Sa kilalang bar lang din dito sa amin gaganapin ang nasabing party. Bumalik ang atensyon ko nang muling umilaw ang screen ng aking phone.

Precious:
Lol, at least mine were inborn! Ikaw nagpapa-vulcanizing pa ng dede para magkalaman hahaha

I laughed at her response. I quickly typed my reply again.

Me:
Don't pretend, gawain mo 'yan para mas lumaki ang sa'yo! Parang pasas lang kasi!

Napailing nalang ako sa bulgar at usual na asaran namin. Paniguradong maghahanap na naman siya ng kakampi sa mga  kaibigan namin kapag personal na kaming nag gaguhan.

Chasing Star and Shadows (BL Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon