Five

8 1 0
                                    

He was holding the cold class of water on his left hand. I am behind him, making sure that there is a distance between us because there are too many people who greet him, I couldn't even count.

I even saw some of the girls who tried to dance with him but he just playfully refuse them.

"What's the score between you and Julia? We saw you two at the ShangriLa last week ah," A girl grinned at him, some of the girl's group even teased him, they're loud.

He brushed his hair as he laughed.

"No, You guys got the wrong idea...Nagkataon lang na nagkita kami at sinabay ko na siya pauwi."

The group booed him, doesn't want to believe on what he reasoned out.

Napakaingay, may mga napapatingin na rin sa direksyon nila at dahil konti lang ang distansya namin, pati ang iilan napapatingin sa akin. Nakakailang.

Hindi ko na napigilan at lumakad na ako palayo, nasa kabilang banda lang naman ang pool, iniwan ko na si North dahil wala akong balak na mag stay pa doon para makinig sa asaran nila.

Nagugutom pa ako, gustuhin ko man kumain kaso ayo'ko namang kumuha na ulit. Sa bahay nalang ako kakain.

"Yow! Bakit nakasimangot ka na naman, tol?" Bungad ni Psalm sa akin nang makarating sa pool area.

The pool is actually big, rectangular size and there are lots of inflatable swimming float, malapit din ito sa mga alak kaya may mga nag iinuman na rin sa gilid.

Hindi ko napansin na hindi ko pala nasagot Ang tanong ni Psalm kaya napabaling ako sa kaniya nang kinaway niya ang kamay niya malapit sa mukha ko na halos kulang nalang ilamukos niya. Baliw talaga!

"Hindi naman ako nakasimangot," Ani ko.

"Ngumiti ka naman, hindi ka ba nag eenjoy?" Magiliw na tanong niya, makulit din talaga 'to eh.

"Hindi," Sinuyod ko ang tingin ko sa pool at hinanap si Minari, kasama niya sina Trixie at Nevada na siyang nakilala ko noong orientation.

Nakita ata ako ni Trixie kaya tinuro niya ako sa kanila, lumingon ang dalawa at mabilis na nakangiting lumapit sa gilid ng pool na malapit sa akin.

Akmang lalapit na sana ako para makayuko sa kanila at kausapin ang magaling na si Minari nang may humablot sa kamay ko.

Dahil hindi ko inaasahan ay halos ma-out of balance pa ako buti nalang ay agad na nakabawi.

Banas akong humarap sa humiklat sa akin, akala ata nito kasing laki niya ako eh.

"Ano bang problema mo?" Pikon na tanong ko.

North shooked his head frustratingly and messed his hair, he's still holding the glass of water.

"I thought you were just behind me...I looked back and then you're already gone."

Eh ano naman? Siraulo pala 'to eh, gusto niya ata na hintayin ko siya sa lahat ng nakakausap niya't nadadaanan.

"Oh ano ngayon?" Maangas na tanong ko.

He scoffed and looked at me in disbelief.

"Hinanap kita..."

"Gusto mong hintayin kita doon? Malay ko ba kung anong oras kayo matatapos sa pag-uusap." Halos irapan ko siya sa pagkakairita ko.

Sasagot na sana siya nang magsalita si Psalm.

"Gago? Ano 'yan? Bakit kayo nag-aaway?"

"Anong nag-aaway?" Yorricks is already standing beside him, confused.

Warmth PolarisWhere stories live. Discover now