Twelve

6 0 0
                                    

"Dito na ako sasakay kay Yorricks." Sabi ni Psalm at inakbayan ang pinsan ko.

Dinibdiban naman siya nito palayo. "Pumayag ba ako?"

"Gustong gusto mo talaga pag pinipilit kita no?"

"Feel na feel mo talaga sarili mo no? Ang kapal mo pre!"

Cyrus ignored their quarrel and went to the backseat's door of Yorricks car, medyo gumilid pa ako para mabuksan niya.

"I don't want to ride with North, literal na dadalhin ka sa langit magdrive."

Binato siya ni North ng towel. "Tanginamo!"

"Come on, Isaac. 'Wag mong pilitin ang sarili mo lumipad." Cyrus laughed and nodded to the guy who wears glasses.

Isaac pala pangalan nito. Mukhang matino naman kaysa sa ibang mga kaibigan, bagay din sa pangalan niya. Sana nga matino.

He tapped North's shoulder while laughing and get inside Yorricks car too.

Tumatawa lang si Yorricks at Psalm sa nakasimangot na si North. Nakikita Ang pamumula niya sa inis sa suot niyang itim na itim na body fitted shirt at pants.

"Si Psalm na sasabay sayo!" Ang tumatawang si Psalm ay tinulak ni Yorricks kaya naman napawi ang tuwa sa mukha nito. He felt betrayed.

Ako naman ang natawa sa kaniya, umiling ako sa kanila at akmang papasok na sa front seat nang unahan ako ni Psalm at siya ang umupo doon at sinarado agad ang pinto.

Naiwan akong nakatanga sa labas. Tangina.

"Labas!" Sigaw ko sa kaniya na nakangisi pa sa akin sa loob.

Ang ibang kaibigan niya na nasa loob ay binatukan siya.

"Yorricks!" Tingin ko sa pinsan ko.

Ngumuso siya tsaka lumingon kay North. Hindi niya ako pinansin at pumasok na sa driver's seat. Umandar na ang sasakyan at mabilis na umalis, naiwan akong nakatanga habang mabilis ang paghinga sa inis.

Tangina talaga. Hinawi ko buhok ko paatras at halos sabunutin ko na rin ang sarili.

Gago! Pinaghintay ako tapos iiwan ako?!

"Baka Yarou!" I said out of frustration.

I should punch that fucker once I got a chance. I waited for him then he'll leave me just like that? And with this...oh boy!

I'd rather book right now.

North's mouth was slightly open. His eyes found mine, trying to say something but hesitant.

I rolled my eyes in frustration. Ang init pa naman kung mag book ako ng Move it.

I took my phone out and aggressively typed on my screen as I sent a message to my cousin.

Akio:

Tangina mo, Yorricks!

After I sent that message, I immediately went to the booking app.

Badtrip talaga!

"I'll just get my car..." I suddenly stopped typing for the location when he carefully talked to me.

I looked at him so confused, he really thinks that I will ride with him?

"Hindi ako sasakay sayo." I said with conviction.

Hindi ko maisip na makasama siya, parang sa inis niya sa akin kada dadapo ang tingin ko sa kaniya ay kaya niya akong iwan sa gitna ng daan eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Warmth PolarisWhere stories live. Discover now