[7] 214

115 6 0
                                    

                                                          ****

Ikalabing-apat ng Pebrero taong 2020.

Maagang umalis si Vienne sa UP. Bamagat ninais na makapunta sa mithi niyang paroroonan, nanatili sa isipan niyang siya ay isang obligadong babae lalo na sa pamilya at responsableng apo kay Don Henry. Dumaan siya sa kanilang kompanya upang daanan ang matanda dahil nais nitong makasalamuha ang paboritong apo sa gabihan. 

Kalmado si Vienne sa harap ng kanyang lolo habang nasa dinner date sila sa isang mamahaling restaurant. Kapag naghaharap at nag-uusap sila ay palaging tungkol sa negosyo, kalusugan, at buhay pag-ibig ni Vienne. 

Matapos ang dinner ay diretso sila sa mansiyon. Nagpaalam si Vienne rito nang makapasok ito sa private room. 

“I was informed that you are a florist.”

“Yes, ma’am!”

“Would you mind if I ask you a favor?” Tanong ni Vienne sa kasama habang ang mga mata ay nasa halaman lamang.

“Yes, ma’am!”

“Could you pick a hundred tulips around the fountain?”

“Yes, ma’am! Pero mas mabuting mag-harvest ng tulips sa umaga dahil hydrated sila.”

“I do need a hundred of them right now. I want them fresh—red, pink, and white in color.”

“Yes, ma’am!”

“Provide me a pair of gloves. How do we harvest these?”

“We will cut the stems at an angle, ma’am.”

“Those are gigantic.”

Nang mabigyan si Vienne ng pares ng guwantes at panggupit ng halaman ay nagsimula itong sumuri at umani ng bulaklak. Binigay lahat ng lalaki at personal na alalay ni Vienne ang naani at dumiretso ito sa lababo upang maghugas ng mga kamay. 

                                       —Monteverde-Armani—

Marami itong imbitadong indibidwal sa kanyang kaarawan. May kalapit na katrabaho ng kanyang mga magulang at mga kaibigan ni Peyton—kilalang mga personalidad sa sosyal medya, industriya ng mga artista, at sa sayaw. 

Dahil sa hilig ni Peyton sa pagsasayaw ay nakabase rito ang pagdaloy ng program. Hindi angkop sa kaugalian ang pagdaraos sa kaarawan niya. May temang Futuristic ang party—abo at itim. May bahid ng modernisasyon ng pagsayaw niya sa kutilyon—natupad rin ang kagustuhan niyang sumayaw sa kanyang kaarawan. Nagbigay din ng mga mensahe ang mga malalapit sa kanya lalo na ang mga magulang. Nahipan na niya ang kanyang cake. Punong-puno ng pagmamahal ang puso ni Peyton. Masaya siya dahil nairaos ng mabuti ang kaarawan niya subalit animo’y naghihikahos ang puso niya sapagkat kulang ito ng isang pyesa. 

Mag-aalas diyes na ng gabi nang makarating si Vienne sa venue ng debut ni Peyton. Binuksan ni Vienne ang kanyang cellphone upang tingnan ang mensahe ni Peyton sa kanya.

Tonyang

the program starts @6pm
5:14 pm

comeeee early so i can kiss you na
5:17 pm

imy, vivi
6:56 pm

Tinaas ni Vienne ang mga tingin at nakita agad si Peyton na noon ay nakaupo sa kanyang nakatalagang upuan habang walang ganang kausap ang isang binata. Gumagamit si Peyton ng cellphone sa mga oras na iyon, nakitang ngayon lang nakita ang mga message niya para kay Vienne. Dahil madaldal at insensitibo ang kaharap niya ay di nito tinantanan kahit pa nakabusangot siya. 

EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon