****
Isang linggo na ang nakalilipas ngunit nanatiling lito sa isipan ni Peyton kung dapat bang lumipat siya sa bago at pribadong institusyon at magpatuloy sa kursong Physics sa susunod semestre.
Nang sumapit ang Linggo’y doon lamang siya pinahintulutan ng kanyang propesor sa kanyang panunuloy sa mansiyon nito sa Forbes Park. Namukha itong lipat-bahay dahil halos lahat ng laman ng kanyang apartment ay inilipat sa isang silid katabi lamang ng kay Vienne.
Sa kasalukuyan, papasok sina Vienne at Enzo mula sa malaking bulwagan. Patuloy ang tagaktak ng pawis nito mula noo hanggang leeg habang nanatili ito sa malalim na paghahabol sa kanyang paghinga.
“Did you enjoy?” Maamo’t napapangiting tanong ng lalaki sa babae.
“I was not informed you’re highly capable to executing a stunt,” wika ni Vienne habang diretso lang ang tingin sa daan.
“I know how much you care about satisfaction so I tasked myself to give you a good one, and I hope I done well,” sabi ng lalaki.
“What do I need to offer in exchange?” Kaagad itong tumigil sa paglalakad, hinarap ang lalaki sabay halukipkip.
“Very well…”
“Wow.”
Hinanap ni Vienne ang pinanggalingan ng umalingawngaw na boses ng kanyang estudyante. Ang walang emosyon nitong mukha ay nagkaroon ng kulay subalit kaagad din itong napalitan na maitim.
Bilang isang apo ng trilyo-trilyones na dolyar na kumpanya, maliban sa paglalaro sa galamay ng negosyo at sa lahat ng aspeto ng tuntunin ng kabutihang-asal na kanyang inaral at nakita sa kanyang lolo, ang pananamit ay malaking bagay sa kanya. Isa lamang iyon sa ekspresyon ng pagkatao ng isang indibidwal. Sa mansiyon niya pinatuloy si Peyton kaya ay obligado ito sa pormal na pananamit, lalo na’t doon din siya nanunuluyan. Sa kanya naman ang mansiyon, marami lamang lumalabas-masok sa loob.
Samantala, may hawak si Peyton na kulay berdeng balde (Boysen) at kulay asul na tabo, nakapinta roon ang kanyang palayaw: Tonyang. May nakasukbit ding maputing tuwalya sa balikat niya at nakapambahay lamang. Luma at butas-butas na pang-itaas, maitim Nike dri-fit shorts, at Captain America echo clog.
Marahang nagpaalam si Vienne sa gulong-gulo niyang kasamang lalaki. Hindi na siya nagbigay pa ng eksplinasyon sa halip sa dumiretso sa kinaroroonan ni Peyton dahil natigilan ito sa living room na noon ay nagpapanggap na wala itong nakita at narinig.
“Bakit..may timba at tabo ka?”
“Maliligo,” muwestra niya sa kanyang kamay.
“Perhaps you want a tour inside your room?”
“Okay lang po ba maglagay ng timba at tabo roon sa banyo?” Parang batang tanong ni Peyton kay Vienne.
“There’s no faucet inside the cubicle. If you catch the water coming out of the shower, that’s just as dumb,” napapailing na komento ni Vienne.
“Ano pong gagawin ko rito sa timba?” Nakasimangot at inosenteng tanong ni Peyton. Tumayo siya at lumapit kay Vienne.
“Dilemma over a pail? Didn’t you get one when you’re behind on your bills?”
“I crashed on you, I guess I don’t have to be worried about it.”
“How long will you stay?”
“As long as you allow me to stay,” ani Peyton.
Tinitigan lamang ni Vienne ito sa mga mata.
“Mr. Wenceslao Monteverde is a successful businessman at ST Aerospace, why did you take an MBB?”