****
“Ma. Dad. Do I appear presentable in front of you? Or am I looking bad?” Nangangambang tanong ni Peyton sa kanyang mga magulang.
Kanina pa siya nagpopose sa harap nila. Parehong nakadekuwatro ang dalawa habang nakahalukipkip si Irene sa tabi ng asawa. Titig na titig siya sa anak habang malapad ang mga ngiti.
“Malaki ka na. Kainis.” Biglang naglaho ang mga ngiti niya. Nagpunas siya ng luha gamit ang hintuturo.
Di naglaho ang ngiti sa mga labi ni Wenceslao habang nakatingin lang sa anak.
“You look beautiful, anak.”
Nilingon niya ang misis.
“You look ugly, honey.”
Diretso na ang tulo ng mga luha niya sabay palo sa balikat ng asawa.
“You will not be beautiful, sweetheart, if I am not beautiful.”
“You’re going out, right? With friends? Or with a boyfriend, anak?”
“May boyfriend ka na?” Gulat na tanong ni Irene kay Peyton. Natuyo agad ang mga luha niya sa narinig.
“I am attending a graduation. I don’t have a boyfriend,” sagot niya sa dalawa.
“Bawal ka mag-boyfriend. Hindi pwede. Magseselos ako,” prankang sabi ng ginang sa anak.
“Mommy, malaki na ako. Dad! Tulong!”
“Yeah. Thank God, I am not the only one who has to deal with her jealousy. Good luck, anak,” sabi ni Wenceslao at tumayo na sa sala.
“May nanliligaw ba sayo?”
“Ha,” patay-malisya niyang sagot. “I solemnly swear, wala. I am not 18 yet.”
“Did your dad tell you to have a boyfriend only when you’re 18?”
“Don’t feel bad about it. But he didn’t say anything. He’s cool with everything, and you make things so complicated, ma.”
“So walang boyfriend?”
“None.”
“Sure?”
“A hundred percent, mother.”
“You will never have a boyfriend,” maistriktong utos ng magulang sa kanya.
“Never, ma,” natatawang sagot niya.
“Saan ang lakad mo?”
“I will attend a graduation. Of a friend. At UPD. Can you take me there?” Tanong ni Peyton sa ina.
Tumayo si Irene at nagtungo malapit sa anak.
“I trust you, Peyton. Take care of yourself. No liquor in-take yet. No boyfriends whenever.”
“No liquor until 18. No boyfriends whenever.” Ngumiti ito sa ginang.
Hindi nag-iisa si Peyton sa kulay ng suot niya. Marami silang nakasuot ng pula ngunit di maikakaila ang tingkad at yari sa sutla ang damit niya. Suot niya ang kilalang designer ng Pilipinas. Isa itong pinasadyang pares. Korset ang pang-itaas at gawa sa tule ang bahagi ng tiyan kaya’t kitang-kita ang kurba ng kanyang katawan. Pintog ang manggas ng pang-itaas. May nakadikit sa harap ng paikot ng kanyang leeg na laso. Ang suot niyang pang-ibaba’y isang wide-legged pants. Nakaipit ng mataas ang kanyang buhok. May suot siyang kumikinang at mahabang arilyos. Nakasuot siya ng mataas na takong. Bihis elegante at mayaman ang datingan ni Peyton. Isa sa pares ng mga matang nakatingin sa kanya’y ang magtatapos ng Masters in Science niyang girlfriend sa hinaharap.