PROLOGUE

10 0 0
                                    

The paper fell inside the box after I slid it on the open slit. Hindi ko maiwasang kabahan at baka mayroon pagkakamaling nailagay sa form.

I opened my phone and checked the photo of the form I took before putting it inside the box. Nakahinga ako ng maluwag ng tama nga ang nailagay ko.

The strand I chose is STEM, hindi lang dahil magaling ako sa math at science. Ito ay dahil pangarap ko na noon pa simula noong una ko itong marinig.

I was in grade 8 when I first heard about it. And since then, I've been doing my best to get the standard of that strand. Which is mahirap dahil mga achiever ang nakakapasok doon. Hindi naman ako nabigo dahil isa akong Valedictorian noong grade 10 ako.

Naglakad na ako paalis ng room kung saan sinasubmit ang form, nilibot ko ang paningin ko dahil namamangha ako sa dami ng taong mag si-senior high ngayong taon. Nilingon ko pa ang likod ko kung saan may pila bawat strand at ang mas pinaka marami ay ang TVL dahil sa dalawang pila kada strands ito. Napapakamot nalang ako ng ulo na lumingon sa strand na pinili ko. May kakaunting taong nakapila doon. Mukhang iniiwasan dahil ayaw ng mahirapan sa pag-aaral.

Hindi ko sila masisisi, mahirap talaga ang STEM pero kung tutuusin, lahat naman ng Strands ay hindi madali.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero hindi kalauna'y napaiktad ako matapos kong marinig ang matinis na sigaw ng kung sino sa loob ng isang room. Sinilip ko ito para sana tingnan kung ano ang nangyayari pero napaiwas din ako ng tingin dahil may sumalubong na masamang mata sa akin. Isang lalake na nakaupo sa upuan na plastik at ang paa'y nakataas sa nagsisilbing lamesa. May nakabalot na kung ano sa gitna ng mahabang lamesa at maliit na ispasyo lang ang pwedeng gamitin para pang sulatan.

The boy glared at me but soon looked away when someone shouted at him. Sya yung narinig kong matinis ang sigaw.

"Ano ba! Ibaba mo nga iya'ng paa mo! Makakagalitan na naman tayo ni Sir nito, nakikita ka sa CCTV! " sigaw ng babae bago tinuro ang daliri kung saan. Sinundan ko naman iyon at nakita ang isang maliit na CCTV na nakadikit sa pinaka corner ng pader. Mayroon pang isa mula sa kabilang bahagi at isa sa labas ng room kung saan nakaturo sa direksyon ko.

Napapakamot akong lumayo sa room na yun at baka madamay ako sa away nila.

Napaka weirdo ng room na iyon. Ano kayang strand 'yun?

Nakalayo na ako sa Senior High School Building ng maalala kong hindi ko naalam ang pangalan ng Strand na yun. Nag kibit balikat nalang ako bago pumuntang Gate upang intayin ang sundo ko.

Nakasilong at nakaupo ako sa waiting Shed ng biglang bumusina ng sasakyan na huminto sa tapat ko. When I looked, my mouth gaped with amusement. It was a well known brand of car, I forget the name though.

Pinagmasdan ko lang ito na mukhang nag-iintay at hindi kalauna'y dumating din ang hinihintay nito base sa biglaang pag-andar ng makita.

"Sior! Traydor ka! Ang sabi mo sa STEM tayong lahat! Ba't iba ang nilagay mo sa Form?!"

Sabi ng isang babae bago suntukin ang katabi. Naglalakad sila papunta sa direksyon ko.

"Stop it, can you?" inis na sabi ng lalake na sinuntok ng babae. "I can't be there, my grades are 'plakda'. I won't be accepted there anyway."

Napatawa nalang ako ng mahina sa pagkakabigkas nya sa iisang tagalog na words. I looked away when the girl noticed me giggling. She soon faced her side.

"Tanga mo kasi. Di mo inayos grade mo noong grade 10 ka." sermon nito bago pektusin ng mahina ang lalake. He hissed from irritation but the girl just rolled her eyes, "Ano pinili mong Strand?"

"TVL." simpleng sagot nito. Akma'ng sasapakin na sya ng babae pero sinamaan naman sya nito kaya binaba nya nalang ang kamay. Akala ko'y hihinto at tatabi sila sa kinakaupuan ko pero diretso sila sa mamahaling sasakyan.

Wow, mukhang pagmamay-ari nila iyon.

"Dummy, there's so many strands on TVL! Be specific!"

"Guess it."

"Tanggal na ang H.E, baka lasunin mo lang mga teacher mo dun dahil sa luto mo."

Napahagalpak naman ako dun sa sa sinabi ng babae pero napahinto din ng tingnan nya ako. Napaubo nalang ako ng dis-oras. Bumusina na naman ang sasakyan kaya't nagmadali silang pumasok.

Tuluyan na silang nakaalis kaya't nakahinga ako ng maluwag. Ang ingay kasi nila.

Sinilip ko ang mga letrang nakalagay sa itaas ng waiting shed.

Golden Values Private High School

Hindi na ako magtataka kung may mga mayayaman dito. Nakapasok lang ako dito salamat sa Tito kong nagpapaaral sa akin.

Saktong paglingon ko ay dumating ang sundo ko na isa sa anak ni Tito. Sinamaan nya ako ng tingin.

"Bilis!"

Mabilis naman akong sumakay tulad ng utos nya. Napalingon pa ako muli sa school bago napabuntong hininga.

Sana'y matiwasay ang pag-aaral ko sa school na yun.

Under the PressureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon