2

20 4 0
                                    















































"Maghunos-dili ka. Isinilang kang may kakambal na bituin. Ikaw ay galing sa liping mahal, at hindi ka nabibilang sa mga maralitang nagdidldil lamang ng asin upang may pangtawid-buhay.

Sapagkat ika'y hindi nababagay na magbanat ng ugat sa loob ng umaga't gabi. Balang araw ay maiiwan mo ang paghihikahos dito sa lupa at aahon ka sa mga bitwin kung saan ka tatahan."

Nakatitig ang mga nagaapoy na balintataw sa salamin habang minumungkahi ang mga katagang iyan sa sarili. Linamukos niya ang mga daliri sa palad na puno ng kumpiyansa para sa sarili. May tahid ang mga mata nito sa mga aligasyon na pinupukol ng nakaraan.

Minsan ay naisulat ni Rizal sa isa sa mga akda niya ang kataga na; "ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay walang patutunguan."

Malaki ang pagtutol ko sa kanyang panayam sa pagkat hindi nito pinapangatwiran ang pinagmulan ng tao. Kung ito ba ay ang kanyang nakaraan o kung paano siya nagsimula.

Kung ang tao ay kumakarera sa tangan ng kanyang buhay, halimbawa ay sa loob ng tunnel at nasilipan siya ng liwanag ng pagasa, hindi siya titigil at lilingon at baka maunahan siya.

Magpapatuloy siya hanggang sa maabot ang liwanag na iyon, hanggang sa siya ay magtagumpay. Wala siyang kaagapay o kadaupang-palad sa mga pagsubok na napagdaan niya dahil mag-isa niyang tinaguyod ang sarili tungo sa kaunlaran.

Ang mga taong sa palagay mo ay umaaligid sayo, isawalang saysay mo na sila sa iyong buhay dahil hihilain ka nila pababa o kaya ay gagawin ka lang nilang angat-buhay o pantawid-gutom. Take it from me, I know.

Ako nga sa layo ng narating ko ano pa ang dapat lingunin? Itinaga ko na sa bato ang mga mithiin ko sa buhay. May kasumpaan akong iniwan sa paslit na iyon noon, na balang araw ay dadaan kami sa mabulaklak na landas, magsusuot ng sapin na baul, at makikihain sa lamesa ng mga liping maharlika.

Upang magwagi sa mga salik sa buhay, kailangan ng matalas na pagiisip. Isa iyan sa mga katangian na gustong makita ng mga maestro sa batang musmos kung naglalayon kang makuha ang loob nila at mabigyan ka ng mataas na marka. Sabi nga nila, kung walang guro ano na ngayon ang magiging saysay ng buhay mo?

Andyan ang mga taong ito para sukatin ang talino mo at subukan ang husay mo sa mga suliranin na ihahain sayo. Kung nakapasa ka sa kanilang pamantayan, magiging makabuluhan ang pamumuhay mo dito sa lupa. Kung ikaw naman yung klaseng bata na bobo na nga tamad pa, sira na agad ang kinabukasan mo at tiyak na sa basura ka pupulutin. Kaya naman sa murang edad ay pinanday ko agad ang sariling isip upang maging matalino sa mata ng lahat.

Itinuro sakin noon na edukasyon ang pantawid-buhay, edukasyon ang susi sa tagumpay, edukasyon ang daan sa masaganag kinabukasa. Tama naman sila. Maganda ang edukasyon at kung paano nito mababago ang buhay ng isang tao.

Hindi magiging milyonaryo ang isang tao kung wala ang sistema ng edukasyon. Kung sino man ang nakaisip nito isa siyang ganap na henyo. Hangga't mataas ang grado mo, may inidoro ka na para sa ebak ng utak mo.

Sa murang edad ay nahikayat akong paniwalaan ang mga salawikaing iyan. Magaral ng mabuti para guminhawa ang buhay. Ibabag mo ang sarili sa pagaaral at sa pagaaral lamang kung naglalayon kang yumaman. Hasain mo ng sariling isip na magkumpuni.

Bukod dyan, kailangang maging mahusay sa mga hamon ng buhay at makipagtastasan sa mundong ito. Hindi maghihintay ang oras para bumangon ka at magsimula. Magsimula kaagad. Walang lugar para sa mga makukupad at mangmang sa mundong ito, lalo na kung galing ka sa liping maralita.

PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon