7

13 2 0
                                    





























I was charged for coercion and collateral damage I've caused. Pero tuloy pa rin ang ligaya sa inuman. Jake proposed a toast as a welcome remark for the new member of their rebellion squad. We had a lot of fun drinking, telling jokes, and jesting people within our group. The fun lasted five hours before midnight. 

"Sigurado ka bang kaya mo?" Nagaalalang tanong ni Jake na nakaalalay sakin habang palabas kami sa inuman.

"Di nga ako lasing." Pagmamatigas ko.

"Pasuray-suray kang maglakad. Baka mapano ka. Babae ka pa naman."

"Ano ka ba? Huwag mo kong minamaliit. Kahit aso pa yan lalapain ko makita mo."

"Baka aso ang lalapa sayo kamo. Saka gabing-gabi na. Hatid na lang kaya kita."

"Sabing kaya ko na eh! Tigas ng bungo mo. Pag di ka titigil uumpugin kita." Nagbabantang duro ko aa kanya.

"Oh edi sige. Pag napahamak ka walang sisihan ah."

"Opooo! Magsilayas na kayo. Baka lalong sumakit ulo ko iuuntog ko sainyo." Pagtataboy ko sa kanila.

Isa-isa silang sumakay sa kanya-kanyang motor at matuling pinasibad sa high way. Nakangiti akong kumakaway sa kanila hanggang maglaho sila.








































Habang naglalakad, napukaw ang atensyon ko sa magarang sasakyan na kulay itim. Nakaparada ito sa labas ng bar.

Napansin ko na may nakatayong panot sa tabi nun. Nakapambihis siya ng amerikana at may ear piece sa tainga. Nabayaran ata siyang magbabysit sa anak ng kung sinong luhoso na naliligaw ng landas dito sa kuta ng mga siga.

Speaking of the devil, the devil's frigid eyes were piercing at me. Kanina pa siya nakatunghay sakin na parang nagtitimpi sa galit. Pagaari niya yang magarang sasakyan na yan.

Nakangiting lumapit ako sa kanya na tila ba hindi kami nagbugaan ng maaanghang na salita kanina lang. "Uy ikaw pala yan totoy. Pwedeng makisakay?"

Naguumapaw ang galit sa matatalim niyang mata. "How shameless....."

Nakasunod ang tingin ko sa kanya nong papasok na siya sa magara niyang kotse. Pinagbubuksan pa nga siya eh kala mo walang kamay.

"Supladong lalake." Anas ko. Nangboso lang naman ako ng pabiro eh feeling na niya may pagsinta na ako sa kanya. Di ka kawalan boy.

Di na bale. Sanay naman akong umuwing mag-isa. Buong buhay ko wala pang nagtangka sakin kahit pa gabing-gabi na. Saka di rin ako takutin sa dilim.

"Hey naughty bitch!"

Umikot ang balintataw ko sa mata. Panong hindi ko makikilala ang tinig na yan?

"Get in!"

"Wow nagkapuso ang dating tuso."

"Bago pa magbago ang isip ko!"

Tumingin ako sa gilid ko kung saan dahan-dahang umarangkado ang itim na sasakyan. Siya na ang nagmamaneho ngayon.

"Saan mo naman tinapon yung babysitter mong panot?" Tanong ko. Natigil ako sa paghila sa handle dahil matigas ito. Nangaasar ba siya?

"Sa harap ka sumakay." Dikta niya. Nabuksan naman ang pinto sa shotgun.

"Aww special pala ako. IGoogle map mo na lang kung saang sulok ng bato ang kweba namin, o pwede mo rin akong iwui sa mansyon niyo."

"Ano ka pinagpalang lubos?"

PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon