6

13 2 0
                                    


























































Kakatapos lang niyang magbungkal ng lupa. Naatasan kasi siya ni tita Marisol na gawin ang kanilang talahiban para matanman ng mais lalo pa daw at mainit ang panahon ngayon. Bat pa siya magaabalang magtrabaho sa chismosang to kung may pera naman siya? Kataka-taka talaga ang matandang ito.

"San mo panggagamitan nak?"

"Bastaaa. Akin na kasi kailangan ko na ngayon."

Magtatanong ka pa pakealam mo nanaman ba?

"O sige. Pero walang bisyo ha."

Nang matanggap ko ang pera ay patakbo akong umuwi ng bahay para mag-palit ng damit. Ang dumi-dumi ko na.

Usapan namin kanina na magbubunot ako ng damo saka niya ako bibigyan. Hindi na bago sakin ang mga gawain sa labas dahil lumaki ako sa ganitong kabuhayan. Sabado naman ngayon eh.

Natigil ako sa bukana ng pinto nang masilipan ako ng kahon sa sulok ng upuang tinutulugan niya. Sumilay ang ngisi sa labi ko at nilapitan ito.

Nang mabuksan ko ay nasilaw ako sa natuklasan. Hindi ako nagkamali ng hinala. Naglalaman iyon ng maraming papel na pera. Limpak-limpak na libo ang bumungad sakin.


































































Kinagabihan ay niyaya ko si Jake sa inuman. Isama niya na lahat ng gusto niyang isama dahil wala akong balak na yayain ang apat na kulelat na yun.

Pero anong alam mo sa gabing to, andito rin silang apat. Masnauna pa nga sakin eh. Nong magkita kami, pareho kaming nagulat.

Taas-baba akong siniyasat ni Althea. Nangingilatis ang mapangmata niyang tingin sakin. Natagpuan ko na sina Jake sa table nila kasama ang buong barkada. Dun napunta ang tingin ni Madison bago bumulong sa bida.

Nagawa niya akong paikutan ng mata. Pinitik niya ang kanyang buhok sa balikat nong aalis sila para lapitan ang grupo ni Jake. Sinundan ko sila ng tingin. Anong meron dun at tila kinamumuhian niya ako? May nagawa ba akong mali?

Sumenyas ako kay Jake na lumapit. Kung akala ng babaeng yan na gagapang ako sa kanya at magmamakaawa ng kapatawaran, mali siya ng hinala. Subukan niya akong kalabanin, makikilala niya ang tunay kong pagkatao.

"Your friends are here. Can't wave back and say hi?" Panunudyo ni Jake.

Tumingin ako sa puwesto nila. Pansin kong panakaw na sumusulyap si Thea samin. Sa tuwing nahuhuli ko siya ay agad itong iiwas. Wala na akong pakealam kung tatanggalin ako sa grupo. Hindi ko na sila mapapakinabangan pa ngayong may panghuhugutan na ako ng pera. Ang husay talaga ng pagkakatantya ng tadhana.

"Balita ko sa kanila na mahirap daw pala kayo. Bukang-bibig ka sa news outlet ng inyong dalahira. Binuntutan rin ito ng mga kwentong-kutsero syempre. Ang sabi nila tatay mo pala daw yung nanghaharass sa inyo nong isang gabi sa labas ng school."

Agad niya itinaas ang kamay upang madepensahan ang sarili bago pa ako umangal. "Pero promise, wala akong pinagsabigan. Cross my heart and hope to die. Ang alam ko lang, may nagstalk daw sayo at nakita kang pumasok sa maliit na barong-barong."

Pinagisipan ko ang sinabi niya. Sino naman kaya ang nangahas na sundan ako? Tumingin ako sa pwesto nina Althea na halatang pinagsasalitaan ako ng masama.

"Birthday mo pala nong araw na iyon hindi ka man lang nagsasabi. Anyway, nakunan ang buong pangyayari at nagcicirculate ito ngayon sa fb page ng paaralan." Dagdag niya.

PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon