Prologue

136 3 0
                                    

The Chase

Habang naglalakad ako sa hallway, tinatahak ang daan patungo sa classroom nila Lorenzo ay may narinig akong mga bulungan. Tsk. Kala mo naman 'di ko dinig.

Alam kong ako na naman ang laman ng kanilang topic. Ako ba namang hindi man lang nakaramdam ng pagod sa pangungulit kay Lorenzo, eh sino ba naman sila para patigilin ako? Buhay ko 'to desisyon ko.

Isinang-walang bahala ko na lamang sila at nag patuloy sa paglalakad hanggang sa nakarating na ako sa classroom nila Lorenzo. Bumuntong hininga muna ako, hinahanda ang sarili at ngumiti bago kumatok sa pintoan nila.

"Lorenzo, may nag hahanap sa'yo!" Sigaw ni Vincent, isa sa mga kaklase niya. Napangiti ako ng malapad. Alam na alam talaga nilang lahat rito sa campus na si Lorenzo lang talaga ang crush ko.

Nang mag tama ang mga tingin namin ni Lorenzo ay malamig lang ang tanging nakikita ko sa kanyang mukha na animo'y walang kahit anong emosyong bahid ang kanyang maamong mukha.

Sanay naman na din akong ganito ang mga tingin niya sa'kin. That's why naging crush ko siya because of his cold tone and his handsome face! Bagay na bagay kami! Extrovert ako while he's an introvert, what a perfect match!

Tumayo siya at nag lakad patungo sa gawi namin ni Vincent. "What are you doing here?" Aniya sa malamig na tono. Asus, kahit ganyan asta mo... Alam kong kilig na kilig ka sa presensiya ko!

"May mga cookies akong dala rito!" Ibinigay ko sa kanya ang echo bag na maliit na may lamang tupperware, kung saan naroon ang mga cookies na niluto ko mismo. "Ako mismo nag bake niyan." Masayang ani ko pa.

Pero... Nawala bigla ang mga ngiti sa'king labi ng tabigin niya ito, dahilan upang tumilapon lahat ng cookies na pinaghirapan kong i-bake.

Alam kong mangyayari ulit 'to. "Stop. Wasting. My. Time." Diin niyang ani bago pumasok sa loob ng classroom nila.

"Si Eloise ba 'yan? Kailan ba siya titigil sa pangungulit kay Lorenzo?"

"Kawawa naman siya"

"Deserve, desperada kasi"

Iilan sa mga narinig kong samo't saring bulungan sa mga taong naka paligid sa'kin. Tsk. Mga taong walang magawa sa buhay kundi ang maki marites lang.

As always, I just mind my own business. Hindi ko na sila pinagsalitaan dahil malalaki naman na din sila at alam nila ang ginagawa nila puwera nalang kong may mga saltik talaga sila sa ulo! Baka ma stress pa ang bangs ko!

Tiningnan ako ni Vincent ng nakakaawang tingin. Oh my, don't look at me with that petty stares!

"Okay lang naman ako. Huwag kang mag alala" ani ko pa kay Vincent. He had been one of my circle of friends where I can call them true friends. "Sanay naman na talaga ako Vince."

Lumuhod ako upang kunin ang mga cookies na pinaghirapan ko, tinulungan naman ako ni Vincent at pagkatapos ay nag pasalamat ako at nag pa alam sakanya na pupunta na ako sa classroom namin. Bago pa ako lumisan ay tumingin muna ako saglit kay Lorenzo na nakatingin din pala sa gawi ko.

My eyes met his. I have been captured to his oceanic blue eyes. Ngumiti ako sakanya na parang walang nagyari kanina. At naglakad na papalayo sa classroom nila.

I know that the right time will come. Not now, but soon. I can wait 'til he will love me. What's with the rush? Alam ko namang mahuhulog talaga siya sa'kin ng dahan-dahan.

Sa ngayon ay... Magmadali muna akong lumakad dahil late na naman ako! Lagot ako kay Ma'am Park nito! I am already a Senior high student while Lorenzo is in his College days. We have a gap for three years and I have been always chasing him no matter how hard it is to chase.

Tired Chasing HimWhere stories live. Discover now