KABANATA 11

8 1 0
                                    

"Stella come with us." Ma awtoridad na sabi ni Heinley.

Nakatitig lang ako kay Heinley, he looks so serious pero bakit kailangan kong sumama sa kanila? Bakit ba ayaw nila akong tantanan. Ako pa bang kailangan nila sakin?

"Go, stella!" Ani Amara at pinagtulakan ako sa harapan ni Heinley. Bumangga naman ako sa dibdib nito. At kaagad akong dumistansya sa kanila. Nasa likuran ni Heinley yung apat pa niyang pinsan.

"Go baby girl! Pinsan namin yan! Go!" Pagchi cheer pa ni Judea. Kaasar talaga kung minsan napapatanong ako sa sarili ko kung pinsan ko ba ang mga ito. Pinagkakanulo nila ako.

Bago pa ako makasagot ay nagulat ako ng hawakan ni Heinley ang kamay ko at hinila ako palabas ng Cafeteria. Nanlaki na lang ang mga mata ko sa gulat.

"Hoy! Bitawan mo nga ako, ano bang kailangan niyo sakin?" Inis na sabi ko habang hawak hawak parin nito ang kamay ko at mabilis kaming naglakad.

"Hoy Zeiru? Ano na naman ba to?" Lingon ko kay Zeiru. Pero nag kibit balikat lang siya.

"Kainis naman! Sino ba siya sa akala niya, bakit kasama niya ang Aurelius cousins?"

"Who's that girl?"

"Not even pretty to be with the Aurelius cousins."

"True nakakagigil ang babaeng yan feelingera naman masyado."

Rinig kong bulong bulungan ng mga students na nadadaanan namin. At kung kutsilyo lang ang mga mata ng mga students na nakatingin sakin ay malamang kanina pa ako nasaksak sa talim ng mga tingin nila.

Hanggang sa makarating kami sa may garden yung boundary at pagitan ng dalawang building ng ordinary students at ng mga elite students na katulad nila Heinley. Nang huminto kami sa may garden ay kinalas ko ang kamay ni Heinley na nakahawak sa kamay ko.

"Ano bang kailangan niyo?" Inis na sabi ko.

"Well wala naman kaming kailangan sayo Stella, pero si Heinley mukhang meron." Ani Jesther.

"Teach me how to use this f*cking phone." Ma awtoridad na sabi ni Heinley at ini abot sakin yung phone niya. Tiningnan ko lang yun.

"Seryoso? Iyon lang bang kailangan mo? At gumawa pa kayo ng eksena sa Cafeteria, hindi niyo ba alam sa ginawa niyo malalagot ako sa mga students dito. Kainis." Iritang sabi ko.

"Wala ka ng magagawa, dahil simula ngayon ikaw na ang mag tuturo sakin gumamit ng phone." Ani Heinley. Na hindi ako makapaniwala. Naiinis na ako.

"At bakit ko yun gagawin? Atsaka seryoso hindi ka talaga marunong gumamit ng phone?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Heinley, Died 300 years ago. Nabuhay lang siya ulit nitong mga nakaraang araw lang. So marami siyang bagay na hindi alam sa kasalukuyang panahon ngayon." Sabi naman ni Caiden.

At hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi ni Caiden. Pero bilang mga vampires nga sila baka nga ay totoo. Lalo na nong makita ko si Heinley na hindi niya alam kung paano sagutin yung incoming call sa phone niya.

"It's true Stella." Dagdag pa ni Damien.

"Sabihin na nating totoo. Pero busy akong tao at hindi ko siya matututukan sa pagtuturo."

"Will gonna pay you." Ani Zeiru kaya napalingon ako sa kanya. Ganito ba talaga sila ka seryoso? Hindi ako mayaman, kaya naman saglit akong napaisip. Kung may bayad bakit hindi ko subukan?

"Sigurado kayo?"

"Of course." Ani Jesther.

"50 thousand a month? Deal?" Ani Zeiru. Lumaki naman ang mata ko sa narinig ko. Kahit ata magkanda kuba kuba ako sa pagpa part time job eh hindi ko kikitain ang 50 thousand a month.

What Lies Beneath The Forest (VAMPIRE SERIES) : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon