KABANATA 25

7 1 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa tapat ng mansyon. Matapos kaming mahulog ni Zeiru sa Ilog ay tumigil na din ang pag durugo ng sugat ko sa tuhod kaya naman ang sabi niya ay wala ng dahilan na lumayo ako at wag dumikit sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at nag teleport na kaming dalawa.

Bumungad samin sa may hagdan sina Jesther, Damien at Valerie.

"What happened? Ang sabi ni Valerie Stella went missing?" Alalang tanong ni Jesther. Mukhang kakarating lang nila galing sa university.

"I don't know what really happened, ang importante nahanap ko na si Stella." Ani Zeiru habang hawak niya parin ang kamay ko.

Napatingin naman ako kay Valerie. Nakatitig siya sa kamay ko na hawak hawak ni Zeiru, at hindi ko maipinta ang reaksyon ng mukha niya. Kaya naman agad kong hinigit ang kamay ko dahilan para mabitawan iyon ni Zeiru.

"Tsk, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Papansin ka talaga noh! Iniwanan mo ako sa gubat. Nauna kang umalis diba? Para ano? Para mag alala sila sayo? Kung tutuusin ako ang iniwanan mo sa gitna ng kagubatan." Inis na singhal ni Valerie. Sakin.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Nakuha niya pa talagang magsinugaling at palabasin na ako ngayon ang masama. Pero pagod na pagod na akong makipag talo at ipagtanggol ang sarili ko. I don't have enough energy to deal with her lies.

"Zeiru, dapat nga kayo ang mag alala sakin eh. Iniwanan niya ako sa gubat at siguradong matagal siyang umuwi para palabasin na ako ang masama!" Sigaw pa ni Valerie na nanggagalaiti.

"Ano ba talagang nangyari?" Kunot noong sabi ni Damien at nagpabalik balik ang tingin niya saming dalawa ni Valerie.

"Bahala kayo kung anong gusto niyong paniwalaan, pero pwede ba hayaan niyo na akong magpahinga. Pagod na pagod na ako sa araw na 'to." Pakiusap ko.

At nagpati unang maglakad paakyat sa hagdan papasok sa mansyon. Kung di lang ako pagod ay baka pinatulan ko na siya. Naiinis na rin ako sa mga ginagawa niya.

"Stella are you okay?" Tanong ni Damien sakin.

"I'm fine pagod lang ako." Ang sabi ko at dumiretso na ako sa loob ng mansyon. Nag shower lang ako saglit at natulog na rin.

Heinley's P.O.V

Kung saan saang parte na ng kagubatan ako nagti teleport. At hindi ko parin nakikita si Stella. Hindi ko alam pero nag aalala ako sa kanya. Hanggang sa mapansin ko ang mga nilalang na matagal ko ng hindi nakikita.

Sigurado akong iyon ang mga spirit orbs na alaga ni Aila noong nabubuhay pa siya. Para iyong dragon na ahas at nakalutang sa ere. Sinundan ko iyon pero unti unti ring naglaho ang mga iyon.

Bakit mayroon lang spirit orbs? Sabi nila simula raw ng mamatay si Aila ay kusang naglaho ang mga nilalang na iyon. Pero ngayon bakit muli ko silang nakita? Hindi kaya nandito lang si Stella sa paligid?

Kaya naman hindi ako tumigil para mahanap siya. Hanggang sa maramdaman ko ang presenya niya. Sinundan ko ang presenya na iyon hanggang sa mapadpad ako sa may Ilog.

"I'm sorry, natatakot ka na ba sakin ngayon?" Rinig kong may nagsalita at hindi ako maaring magkamali boses iyon ni Zeiru. Na tila nanggagaling sa Ilog.

Kaagad akong nagtago sa malaking puno habang nakatingin ako sa Ilog at nakita ko nga si Zeiru at Stella nasa gitna sila ng Ilog. Nanatiling nakatingin si Stella kay Zeiru at maya maya ay nabigla ako nang lumapit siya rito at niyakap niya si Zeiru.

"Walang pagkakataon na hindi ko naramdamang ligtas ako tuwing kasama ka Zeiru, kaya naman kahit kailan ay hindi ako matatakot sayo." Ani Stella habang nakayakap siya kay Zeiru.

What Lies Beneath The Forest (VAMPIRE SERIES) : COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon