Kabanata 23

6.5K 168 188
                                    

Kabanata 23

Love


"Oh, may lakad ka?" tanong ni papa nang makita ang ayos ko.

I happily nodded and curtsied like a princess, making my father laugh heartily.

"Ayos lang ho ba itong suot ko, papa?" tanong ko.

I'm wearing a cute knee-length white dress with a square neckline and puff sleeves. Nakalugay ang aking buhok. The sides of my hair were twirled and pinned with the bow barrette on the back. Suot ko rin ang black strappy sandals ko na maliit lang ang takong.

Alam kong didiretso kami sa rancho mamaya pero wala namang sinabi si Aleandro na mangangabayo kami kaya ganito na lang ang sinuot ko. Mahilig din kasi ako sa mga dress. At isa pa, ang sabi niya'y tuturuan niya lang ako magpinta!

"Ang ganda nga ng damit mo. Bagay na bagay! Kamukha mo talaga ang mama mo noong kabataan niya," nakangiting sabi papa. "Marami ka na sigurong manliligaw sa school, ano?" tukso niya.

Napanguso ako at napailing sa asar niya. Hindi ko alam kung pang-ilang tanong niya na 'yan! Eh, wala naman talaga! Hindi siya naniniwala!

"Wala nga kasi, papa! S-sasabihin ko naman kung meron," nahihiya kong sabi at napakamot na lang sa pisngi.

"Sabihan mo kami, ha? Para alam ko na kung sino ang isasama ko sa pangunguha ng mga mangga 'tsaka pagsisibakin ko ng kahoy maghapon," natatawang aniya na parang matagal na niya 'yong pinaplano!

"Papa naman!" Natawa rin tuloy ako.

"Bakit? Bonding namin 'yon kung sakali!" giit pa niya.

Napangiti na lang ako at napailing.

"Saan ka pala pupunta? Sabado ngayon, ah? May gala kayo ni Editha?" tanong niya.

"Uh... Meron po. Pupunta kami roon sa bagong bukas na café malapit sa school," sabi ko, hindi na sinabi na magkikita kami ni Aleandro pagkatapos.

Tumango siya at kinuha ang wallet sa bulsa.

"Ito, oh. Wala ka na yatang pera," aniya at inabot sa akin ang isang libo kaya nagulat ako.

"Ang laki naman niyan, papa! Puwede na ang dalawa o tatlong daan. May pera pa naman po ako."

Umiling siya at pilit na inabot 'yon sa akin kaya tinanggap ko na lang.

"Sumahod ako kahapon kaya sige na at sa 'yo na 'yan. Idagdag mo sa allowance mo. Sabihan mo ako kung kulang pa 'yan. May extra pa ako rito. Alam ko namang marami kang gastusin sa eskwela kaya nagtatrabaho ako nang maigi," nakangiting aniya.

"Salamat, papa."

Parang may humaplos sa puso ko habang tinitingnan ang pera sa aking mga palad. This came from my father's hard work. Malaki itong bigay niya ngayon. Kadalasan ay limang daan pababa ang inaabot niya kaya nakakagulat na medyo malaki ngayon.

Kahit magkano naman ay ayos lang sa akin. Kahit hindi naman kalakihan ang sahod ni papa ay hindi naman siya nagkulang sa pagbibigay at 'yon ang mahalaga para sa akin. Nakikita ko naman na nagsisikap talaga siya. Natuto na rin kasi akong magtipid dahil sa murang edad ay alam ko na kung gaano kahirap kitain ang pera kaya sa ganoon ay medyo nakakatulong din ako sa kanila.

"Nasaan po pala si mama?" tanong ko.

"Nagsasampay sa labas," aniya. "Tawagin mo na at kakain na tayo. Nakapagluto na ako ng sinigang 'tsaka kanin."

Agad naman akong sumunod. Paglabas ko ay agad kong nakita si mama na nagsasampay ng mga puting damit at kumot. Lumapit ako sa kanya.

Her eyes widened a bit when she saw me. Ngumiti ako at umikot, pinapakita ang suot ko.

Chasing You (de la Francés #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon