Kabanata 31

4.8K 108 105
                                    

Kabanata 31

Fire


"Are you alright?" bungad na tanong nila Cassian.

Seryoso lang silang nakatingin sa akin kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya.

"Oo, ayos lang ako. Nakausap n'yo na ba si Aleandro?" mahinang tanong ko, tama lang na marinig nila.

"Bibisitahin namin siya mamaya pagkatapos makipag-usap ni Victoria sa mga kaklase mo," ani Lewis.

Napatingin ako kay Victoria na busy sa pagtipa sa kanyang cellphone at kunot na kunot ang noo. Nang mag-angat siya ng tingin ay nginitian niya ako. I smiled a bit.

"Grabe 'yung mga kaklase mo. Mabuti na lang at may chine-check ako sa social media nung oras na 'yon. I saw it and immediately sent it to our group chat," naiiling naman na sabi ni Cassian.

"Oo nga! Chine-check niya kung may account ang crush niya, eh," asar ni Victorio.

Cassian laughed and jokingly punched Victorio's arm.

"Damn you! Hindi, ah!" giit niya.

"Umayos nga kayong dalawa," sita ni Cornelius kaya nagkatinginan si Cassian at Victorio at sabay natawa.

"Wow, naninita na siya ngayon. Sinapian ka ba ni Lewis? O kaya ni Aleandro?" asar ni Cassian kaya binatukan siya ni Lewis.

Patawa-tawa lang si Raph at Augustus sa isang tabi at paminsang nanunulsol. Lewis was watching them boredly, standing straight, while holding a... white hand bag.

Mabuti na lang at natapos na si Victoria sa pagtitipa at lumapit kay Lewis. Agad namang binuksan ni Lewis ang puting bag at nilagay roon ni Victoria ang cellphone niya.

She grinned at Lewis as she held her bag. "Thanks for holding my bag, Kuya."

Seryoso lang ang mukha nito at tamad na tumango. "The Dean's waiting for you. Dalian mo na."

My lips parted in amusement. Ngayon ko lang narinig na tinawag niyang 'Kuya' si Lewis.

"Oo nga pala!" ani Victoria at humarap sa akin. "Can you come with me, Helga? Please?"

Nag-aalangan pa ako at napasulyap sa bintana namin. Wala naman akong makita roon dahil tinted iyon at ang nasa loob lang ang makakakita sa labas.

"K-kailangan pa ba ako ro'n? Sinabi ko na kay Aleandro na ayaw ko na umabot pa 'to sa Dean, eh," mahinang saad ko.

Kung kanina ay manghang-mangha ako sa pagdating nila, ngayon ay unti-unting nagsi-sink in sa akin ang lahat at naisip kong mas lalala lang ito. Kahit na nilinaw na 'yon ni Victoria sa kanila, alam kong marami pa ring hindi maniniwala at sasabihing pinagtatanggol lang nila ako.

I hate this feeling. I don't like the spotlight. I don't want all of these. This is scaring me. Getting people's attention means getting opinions you never asked for— especially the pure hatred comments that could ruin your confidence in a snap. Your privacy and reputation are always at risk, too. You're always under scrutiny, it's exhausting.

Kaya nakakatuwa rin ang closeness ng magpipinsang ito. They got each other's backs. Sa oras na may mangyari... they are there to comfort each other.

Just like what they're doing right now... to me. It warms my heart to see them here. I appreciate what Victoria did. I am thankful for that. But I know they are risking their privacy and reputation... for me. I think it's not even worth it.

Natatakot ako dahil alam kong hindi lang makakarating sa lahat ng estudyante rito sa unibersidad namin ang sinabi ni Victoria, kundi maging sa buong Asturias. Ang mas inaalala ko ay maaaring makarating ito sa mga... Laurent. At sa mga taga-media.

Chasing You (de la Francés #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon