𓆩♡𓆪
Chapter 13: Example
"Masaya po akong makilala kayo Lola Esme," niyakap ko si lola nang mahigpit at ganoon din ang ginawa niya.
"Oh, tama na 'yan, magseselos ang tunay niyong apo," biro ni Cash kaya humagalpak kami ng tawa.
"Ulol! Ako na paborito ni Lola ngayon," tumingin ako kay lola at parehas naming itinaas-baba ang mga kilay namin.
"Baka magtampo 'yang si Cash, Lola. Umuwi ng Manila 'yan bigla at iwan si Cedrick dito," biro ni Ylona kaya tumawa kaming muli.
"Oh, siya mag-ingat kayo ah," pag-papaalam ni Lola Esme sa amin lalo pa't lumulubog na rin ang araw.
"Sige po, Lola. Aalis na po kami," nagpaalam na ako kay Lola Esme bago kami umalis.
I hugged and thanked her for the last time. Kakamiss si Mommy at Daddy.
"Balik ka, Cedrick!" Sigaw ni Lola kaya sumigaw rin akong babalik ako.
Paniguradong babalik ako roon lalo pa't nandito rin naman si Cash, magpapasama na lang ako sa kaniya kapag gusto kong pumunta rito.
Nagpaalam na rin si Cash sa kaniyang lola. Tumatawa si Cash dahil inaasar siya ng sarili niyang lola. Sinabi pa nga kanina na iwanan na lang daw ako rito kapag natapos na ang summer break na ikinatawa muli namin dahil mukhang nagtatampo na si Cash sa kaniyang lola.
Nagpaalam na rin sila isa-isa hanggang sa naiwan akong mag-isa sa labas. Maya-maya pa ay lumabas na rin silang lahat at nakahanda nang umalis.
"Sa akin ka pa rin ba sasakay?" Tanong ni Cash nang makalabas siya.
I was about to say something when a motor stopped at the place where I stood. Tangina naman, ang gabok!
"Hop in," Max said gesturing me to ride with his motor.
Kumunot ang noo ko dahil do'n. Bakit naman ako sasakay sa kaniya? Doon na lang siya kay Cali. Tutal magkatabi naman silang dalawa kanina tsaka anim lang kami, siya na lang isakay niya. Idadamay pa ako.
I looked at Cash's hinting at him to say something. But instead, he just avoided my hints and started his motor. Yon na lang gagamitin niya since may motor ding dala si Primo at Max.
Tumingin naman ako kay Max. "Kasabay ko kasi kanina si Cash, so..."
"I said hop in, sa akin kana sumabay," seryoso niyang sabi habang nakanoot ang noo.
When Cash looked at me, I sent a hint again.
"Kanino mo gusto sumabay, Ced?" Tangina. Pinapili pa talaga ako?!
"Sa'kin na," sabi ni Primo na bagong labas nang bahay at nasa likodan naman nakasunod sina Ylona at Cali.
Nagtungo naman si Primo sa motor niyang dala hanggang sa naghihintay silang tatlo sa magiging sagot ko. Tangina talaga, naipit na naman ako sa ganitong sitwasyon.
If I go with Cash, wala namang problema, ganun din kay Primo pero ayokong sumakay kay Max. Naiinis lang ako dahil sa kanina, I don't even know why?! Basta, naiinis ako sa kaniya.
"Kay Primo na lang," agap ko kaya agad akong sumakay sa likod ng motor ni Primo.
I saw how Max's eyes followed me as soon as I hopped in on Primo's motor.
"Teka, saan ako sasakay?" Tanong ni Ylona nang makitang nakasakay ako kay Primo.
"Kay Cash," Primo said nonchalantly and fixed the side mirror of his engine.
YOU ARE READING
Chasing Summer Sunsets
RomanceCed decided to go and spend his summer break at their old house in the province. He was enjoying his break but then he met Max, the boy who he never thought would change his summer. Little did he know that those fleeting seconds of summer would be h...