Chapter 1

272 62 27
                                    

Hei-en's POV

"Welcome to Azrael University.." I whispered while standing infront of the big University that I will be studying off.

I can't believe that i'll be studying here... My dream University. Nagpapasalamat talaga ako dahil finally ay pinayagan din ako ng ama ko na mag-aral dito.

This University is well known to be the most famous among to the biggest Universities. Ang pwede lang makapasok dito ay mga taong may matataas na kalidad sa lipunan o buhay. So, if you're dreaming to be in this school, you better ready your money.. Because studying in this University is not that easy, pera ang a-andar dahil sa napakataas nitong standards.

Nagtataka ka ba kung bakit ako nakapasok sa paaralang ito? Huwag mo ng alamin.

I sighed heavily before walking in and entering the big gate infront of me.

Paulit-ulit pa akong bumuntong-hininga para tanggalin ang kabang nakabalot sa aking dibdib.

I was also playing with my other hand to shoo the nervousness in my chest. My mannerism whenever I feel tense or nervous.

Natatakot kase akong baka wala akong maging kaibigan sa Unibersidad na ito. May munting takot sa akin na baka hindi ako magkaroon ng circle of friends because we all know that only wealthy students can enter here. Hindi sila basta-basta. Malay natin, baka super sensitive nila, to the point that they will pick what friends they will be having off.

Dahan dahan lang ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko na ang kabuuhan ng paaralang kinatatayuan ko ngayon, akala ko'y sa labas lang ito maganda. Mas maganda rin pala sa loob ng Unibersidad na ito. Namamangha ako sa taglay nitong kagandahan. Parang gusto ko na lang magtitili at magpagulong gulong ngayon dito sa damo.

Inilibot ko ang aking paningin at halos malula na ako sa tayog ng mga buildings na nakatayo dito sa harapan ko ngayon. Oo, building nga! Pang rich kid University talaga ang peg ng paaralang ito. Sobrang lawak ng lupa at mga naglalakihang mga buildings na sa akala ko'y siyang classroom ng per-grade lang ang tangi kong nakikita ngayon.

Tumikhim ako tsaka nagsimula na muling maglakad kahit gusto ko na talaga magtitili dahil sa nararamdamang excitement, can't wait to see the whole part of this Univ. I walked confidently with chin up. Tinuruan kase ako ni mama na laging maglakad na may kompyansa sa sarili. Kahit sa totoo ay sobrang kaba na ang nararamdaman ko. Halong kaba at excitement at the same time.

Totoo ngang pang mayaman ang Unibersidad na ito because students say it all! Aura palang nila ay masasabi mong anak mayaman na sila at may kaya sa buhay.

Nahiya at nanliit tuloy ako bigla sa sarili ko. Para akong isang dayong pulubi lang dito sa paaralang ito dahil sa ang popogi't gaganda ng mga kapwa estudyante ko ngayong nakikita kumpara sa akin na badoy manamit at hindi pa ganuong mamahalin ang mga gamit.

Inilibot ko ang aking paningin. Halos lahat ng mga estudyante dito ay may kanya-kanyang circle of friends.

Kanya kanyang nag-uusap at nagtatawanan na para bang sobrang saya ng mga pinag-uusapan nila habang ang iba ay parang nagpapasikatan pa ng mga mamahaling gadgets at bags. Napangiti at napangiwi nalang ako.

I continued to walk even if I don't now where to go. Malamang transferee ako, eh, hindi ko naman alam ang pupuntahan ko.

Mas binilisan ko ang paglalakad ng nakitingin sa naglalakihang buildings, wala kaseng ganitong kalaking classrooms at buildings sa dati kong paaralan, nang biglang matapilok ako at natumba kasama ang isang lalakeng nahila ko ang bag?!!

What the duck?!! Patayy!! Ano ba kaseng tinitignan ko! Transferee pa nga lang ako grabeng trouble na naman ang nangyari sa'kin. Sobrang malas ko ngayong araw! Lupa, lamunin mo na ako!

School Of Murders (On-going)Where stories live. Discover now