Chapter 24

73 18 0
                                    

Hei-En's POV

"YOU WHAT?! Kinonfront mo sila???? As in lahat sila?!" Napamulat nalang ako sa aking mata dahil sa bahagyang pagsigaw ni Crixtal.

Napatango lang naman ako nang tipid which make her jaw dropped.

"Ang tapang mo naman, babae ka!" Gulat pang sabi ni Liam sa akin na ngayon ay nakatitig pa sa aking posisyon, nakahawak pa siya sa kanyang baba habang nakatayo at pinapanood akong nakaupo dito sa sahig habang nakasandal sa pader.

"Ano namang naisip mo at kinalaban mo sila?" Lindsay exclaimed. Sa kanya ko naman ibinaling ang aking tingin bago ako nagsalita.

"I confront them about the new rules. Anong tingin nila sa atin, mga hayop na basta-basta nalang papatayin kapag may nagawang mali? Hell no! They can't do whatever they want!" Kunot ang noo kong sabi sa kanila. Tapatango naman sila.

"May point ka diyan. Ang tapang nilang magsabi ng ganoon samantalang hindi pa nga nalulutasan ang problemang patayan dito," dagdag ni Crixtal na sinang-ayunan ulit namin.

Ilang segundo na namutawi ang katahimiksan sa amin hanggang sa basagin ito ni Liam.

"Ano pang sinabi mo sa kanila? Siguro nagwala ka sa harapan nila, no? Kapula ba namang mukha kanina." Sabi nito habang hinihimas-himas pa niya ang kanyang baba. Hindi ko alam kung nang-aasar ba ito o nagseseryuso. Wala akong nagawa kundi ang samaan nalang siya ng tingin which make his left eye brow arc.

"Tama ako, 'no?" Dagdag pa nito habang tumataas-baba ang isa niyang kilay. Napabuga nalang ako ng hangin at hindi nagbitiw ng kahit isang salita.

"Pero seryuso nga, ano pang sinabi mo sa kanila bukod sa pagkadisgusto mo sa rules natin?" Dagdag nito na ikinabaling ko ng tingin sa kanya.

Wala akong choice kundi ang bumuga ulit ng hangin at nagsalita. Ang dalawang babae naming nasa magkabilang gilid ko ay tahimik lang din naman na nakikinig.

"I made them realize their bad doings, I convinced them to make a move, at huwag magtanga-tangahan. I even cursed at their face." Umiirap pang sabi ko.

Hindi naman napigilang mapatawa ng mga kaibigan ko dahil sa narinig mula sa akin. Hindi sila makapaniwala sa aking sinabi pero totoo naman talaga iyun. At wala akong pagsisisi doon. I know rude ako sa part na iyun pero nakakaubos kase sila ng pasensiya. Nakakaputangina na sila, sa totoo lang. Nakakasawa mga pag-uugali nila.

"Ginawa mo yun? Gago buti hindi ka nilagay sa guidance office," tumatawa-tawa pang saad ni Liam. Hindi na rin naiwasang napatawa si Lindsay dahil sa aking sinabi.

Nag cross arms ako sa harapan nila tsaka ulit ako nagbuntong hininga. Umirap pa ako dahil sa pagkairita.

"Subukan nila. Kung ako ipapa guidance nila, pwes, ibubunyag ko naman ang mga baho nila," dagdag ko pa sa aking sinabi dahilan para mapangiwi sila habang may ngising nakapaskil sa kanilang mga labi.

"You're unbelievable," komento pa ni Crixtal habang ngumingiwi na nakangisi.

Ilang segundo lang ay napagpasiyahan ko na ring tumayo mula sa pagkaka-salampak ko sa sahig. Tumayo na rin sina Crixtal at Lindsay. Pinagpag ko pa ang aking pwetan bago sila tinalikuran.

"Tara sa Gym, doon tayo magpalipas-oras. Ayokong pumasok mamaya sa classes ko, naiirita ako sa mga pagmumukha nilang punong-puno ng kasinungalingan," hinarap ko pa sila bago ko iyun pinakawalan sa aking labi.

"Tara na nga, samahan ka na lang namin." Sagot namin nila at nagsimula na nga kaming naglakad papaalis sa harapan ng faculty.

Habang naglalakad kami sa groundfloor ay napatigil na lang ako sa paglalakad kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. Hinarap ko pa sila tsaka ko sila kinunutan ng noo.

School Of Murders (On-going)Where stories live. Discover now