Chapter 3

210 50 20
                                    

Hey-En's POV

We were busy eating our desert while Oliver is looking at me using his deadly glare. Halos hindi ko na malunok ang aking kinakain dahil sa tingin nito sa akin.

Ang aming posisyon ngayon ay ako ang nasa gitna nila Lindsay at Crixtal samantalang ang tatlong lalakeng kasama namin ay magkakatabi sa isang pahabang upuan na kasiya ang tatlong tao.

Kung minsan ay napapasulyap ako sa gawi ni Oliver at ito'y tumitingin naman sa akin ng masama which makes me uncomfortable pero hindi ko ipinahalata sa kanila na hindi ako komportable.

Kasalanan ko naman kase kung bakit 'yan ganyan ngayon pero infairness, ha. Tumpak 'yong nasa isip ko kaninang mga ugali ng estudyante dito sa paaralang ito pero hindi ko naman nilalahat. Maybe I just pissed him off kase nga diba, dalawang beses akong nakagawa ng katarantaduhan sa harapan niya, sino ba namang hindi maiinis? O baka naman badtrip lang siya talaga ngayon.

Kumuha ako ng isang kutsarang ice cream na nakalagay sa isang mamahaling platito base sa ganda ng design nito at kintab tsaka ito dahan dahang inilapit sa aking bunganga ngunit bago ko pa ito maisubo ay bigla namang yinugyog ni Crixtal ang balikat ko dahilan para dismayado akong mapatingin sa kanya at masama ang templa ng mukha.

Isusubo ko na nga hindi pa natuloy.

Nang tignan ko siya ay nangunot nalang bigla ang aking nuo dahil sa paraan niya ng pagtingin sa kung sino habang namimilog pa ang mga mata.

"Heyn!! You see that girl coming? My gosh! She's very gorgeous!" Yinugyog pa ulit nito ang dalawa kong balikat tsaka impit na napatili. What's wrong with her?

Pati sina Liam, Seb at Oliver ay napatingin na rin sa gawi ng babaeng tinitignan kanina ni Crixtal.... Na sa ngayon ay tinititigan niya pa habang napapahawak pa sa kanyang bunganga na ani mo'y hangang-hanga talaga siya sa dalaga.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng cafeteria. Halos karamihan din sa mga estudyante ay sa babaeng paparating palang ang tingin.

Napangiwi nalang ako.

Napapaisip kung sino ba ang babaeng ngayon ay halos santuin ng mga estudyante, parang diyos kung tignan, ngitian na parang isang napakataas na nilalang sa mundong ibabaw at gayun nalang kung maka-react ang mga tao habang nakatingin sa kanya.

Napunta ang tingin ko kay Lindsay na kanina pa kumakain ng tahimik at walang pakealam sa kanyang paligid. 'Ni tapunan ng tingin ang babae ay hindi niya magawa.

Bagot niyang tinusok ng kutsara ang nasa harapan niyang ice cream tsaka ito isinubo na para bang naiinis na siya at gusto ng umalis.

Oo, tama nga si Crixtal, maganda itong babae, makinis ang kutis, mahaba ang alon-alon na buhok, may malalantik na pilik mata, maliit na bibig at ilong, at may katangkaran. Para nga siyang dyosa sa paningin pero sino nga ba siya? Bakit lahat nalang ata ng tao dito sa cafeteria ngayon ay ganoon nalang siya tingalain? Isa ba siyang Kpop idol? Malabo.

"The queen is here.."

"Can't stop adoring her beauty."

"Mapasakin sana siya kahit sa panaginip ko lang." Nanaginip ka pa.

"Ano kayang gamit niyang sabon, ang ganda ng kutis, eh." Sabong putol po ata.

Ani ng mga estudyante. Hindi ko talaga alam kung sino ba ang babaeng ito.

Hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya at patuloy ko lang din sinusundan ng tingin ang kanyang mga galaw.

Dumiretso siya sa pilahan kasama ng kanyang mga alipores at ganoon nalang ang pagkahawi ng mga estudyante nang makarating siya sa unahan upang bigyan siya ng daan at espasyo. As if they were treating her as a queen.

School Of Murders (On-going)Where stories live. Discover now