6

44 4 0
                                    

Chapter 6

Na alarma agad si Rhian na tumayo. Napaigtad pa siya nang hawakan sa mag kabilang balikat.

"Mr Miangcao.." kasabay na nanginig ang boses niya sa takot at napa atras.

"Wag kana pumalag Rhian magugustuhan mo rin ang gagawin ko sayo. Alam ko namang wala kang asawa im sure walang nag papaligaya sayo." Tumawa pa ang lalaki.

Hindi nagustuhan ni Rhian ang narinig mula sa lalaki kasabay na nag panting ang tainga niya at hindi siya nag dalawang isip na sampalin ito nang malakas.

"Hindi ako kasing baba ng iniisip niyo.tao akong kausap kayA irespeto niyo ako. Kung tutuusin bayad na ang utang ko. " Galit at nanginginig ang boses niya.

Napa ngisi naman si Mr Miangcao, napa unat nalang si Rhian nang sikmuraan nito. Habang namimilipit sa sakit at pilit siyang dinala dala sa isang silid. Nanlaban si Rhian, nav sisigaw kaya narinig ni Stanley na agad  pumasok sa office ni Mr Miangcao.

Sinipa nito ang pinto upang makapasok sa office ng lalaki. Doon nakita ni Stanley na naka higa sa sahig si Rhian at naka kubabaw ang isang lalaki.

"Stanley tulungan mo ako.." umiiyak at takot na takot si Rhian. Bagaman nag taka ito pag kakita sa kanya ay may sumilay na tuwa sa mga mata nito, nakadama siya nang asawa sa babae at nag dilim ang paningin sa bastos na lalaking naka kubabaw dito.

Wala siyang pinalagpas na pag kakataon at mabilis itong sinipa, at pinag susuntok. Tila nawala siya sa kanyang sarili kung dipa siya inawat ni Rhian baka napatay niya ang lalaki. Mabilis niyang inilabas si Rhian sa office nito.

"Tumawag ka nang ambulance para sa amo mong maniac," pag daan sa tapat ng guard ay saad ni Stanley, alam niyang kasabwat ito nang amo dahil kanina habang nag sisigaw si Rhian ay pinigilan pa siya nito.

Tumango lang ang lalaki at di maka tingin sa galit niyang mga mata.

"Are you okay.?" Nag aalala parin siya kay Rhian nang isakay ito sa kotse.

Tumango ang babae kahit halatang hindi pa okay.

"Salamat Stanley.."wika nito.

"Mabuti nalang talaga sinundan kita dito ano bang ginagawa mo sa lugar na ito Rhian.?" Naiinis niyang tanong. Hindi niya talaga matatanggap kung mauunahan siya  nang lalaking yun sa babae.

Nahihiya man ay ipinag tapat ni Rhian kay Stanley ang tungkol sa limang libong utang kay Mr Miangcao.

Napa mura pa ang lalaki pag karinig sa limang libong utang niya kay Mr Miangcao. Nagulat din siya ng binalikan nito ang guard at bumunot nang pera sa wallet at halos isalaksak sa mukha nang guardia. Hindi alam ni Rhian kung ano ang mararamdaman sa pag kakataong yun pero natutuwa siyang dumating ang lalaki. Wala siyang ibang inisip kanina kundi ang makawala kay Mr Miangcao.

Pag dating sa bahay ay sinalubong kaagad siya nang ina, nag taka pa nga ito kung bakit niya kasama si Stanley.  dahil sa nangyari kaninang pag liligtas ni Stanley sa kanya  ay muli siyang nag tiwala sa lalaki, ipinakilala niya ang dalawang anak sa lalaki matapos itong patuluyin sa kanila. Sinabi niyang si Cally at Riri ang buhay niya at nag papalakas sa kanya.

Habang nag mamaneho si Stanley pabalik sa tinutuluyang apartment ay hindi mawala sa kanyang isipan ang natuklasan kay Rhian, gusto niyang kutusan ang sarili kung bakit naisipan niya itong pag laruan samantalang may mabigat itong pasanin sa buhay.

"Baliw ka talaga Stanley hindi kana naawa sa babae." Kastigo niya sa sarili habang sinasampal ang kabilang pisnge.

Hindi tuloy siya maka tulog sa gabing iyon at natagpuan ang sariling umiinom nang Root beer.

"Good morning.."
Pag labas ni Rhian sa kanyang silid ay nadatnan niya si Stanley sa may sala. sabado at dahil walang pasok ay tinanghali siya nang gising.

Bigla siyang napa takip sa kanyang harapan dahil wala siyang soot pang ilalim, bat ang aga naman yata nang lalaki,

"Sabi ko good morning.!" Pag uulit ni Stanley sa dalagang natulala sa ka gwapuhan niya, oh well gwapo naman talaga siya walang binatbat sa kanya ang panganay na kapatid. Nasa kanya na ang lahat ng magagandang katangian ng mga Delgado.

"Ohh anak kadarating lang ni Stanley may mga dala siyang grocery at laruan para sa mga bata kaya inanyayahan ko nang dito na mag almusal." Masayang saad ng ina. Galing ito sa kusina.

"Tito Stanley.!"

Hindi paman siya nakakapag salita ay lumabas naman ang dalawang bata mula sa kwarto. Gising narin ang dalawa.

Binati ito ni Stanley ang ina naman ay minanduhan na mag tungo muna sa kusina, mag hilamos at mag toothbrush, siya na ang nag asikaso sa mga anak, at mag bihis narin siya nang maayos.

"Salamat Stanley nag abala kapa. Iniisip ko baka masanay ang mga bata." Alanganin niyang wika na umupo sa tapat nito.

"Yun nga yung gusto ko Rhian yung masanay sila sakin. Malay mo makapasa ako sa standard mo at sagutin mo na ako ngayon.." sabay tawa nang lalaki.

"Bakit ako pa Stanley marami diyan single, walang pananagutan pag tatawanan ka nang marami kung bakit ako ang pinili mo." Malongkot na saad ni Rhian.

Iniisip niyang hindi siya sisiryosohin ng isang lalaki dahil may dalawa na siyang Anak. At lalong ayaw niya kay stanley dahil may pananagutan na ito sa iba. Ayaw niya nang maulit pa ang nangyari sa kanya noon hindi niya kakayanin.

"Rhian hindi mo lang alam na napa hanga mo ako ng malaman kong may anak kana at mag isang binubuhay ang dalawang anak, maniwala ka sakin handa akong tumayo bilang isang ama nina Cally at Riri.. pangako kung iniwan kaman ng walang kwentang lalaking yun ako handa kang pakasalan."nsaad nito. Hindi nag alangan si Stanley na hawakan ang palad niya at pisilin kahit na nasa harapan nila ang dalawang anak at nag lalaro.

Pero hindi naman napansin nang mga bata ang pinag uusapan nila dahil abala ang dalawa. Tuwang tuwa dahil inaamin niya sa sarili na hindi niya pa na bilhan nang ganto kamahal na laruan ang mga anak.

At dahil nakikita niya ang sinsiridad sa mga mata ni Stanley ay binigyan niya ito nang pag asa. Tutal naman ay nagustuhan ito nang mga anak niya at nang ina.

THE TWIN OF PROMISE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon