8

46 4 0
                                    

Chapter 8

Napag alaman ni Stanley na pinalayas si Bianca nang mga magulang nito at dahil walang mapuntahan ang babae ay dito lumapit sa kanila at inintay ang pag babalik niya.

"Bianca alam mong hindi kita mahal yung nangyari satin wala lang yun. Ikaw ang may gusto nun.!" Pagalit na saad ni Stanley sa babae, hinila niya ito sa may Veranda para doon sila mag usap nang sila lang.

Mabuti na ngalang at nandiyan ang kanyang ina kanina kundi nabangasan na ang magandang mukha niya.

"Bakit mo ba nasasabi yan Stanley.? Ginawa ko naman ang lahat. Minahal kita ibinigay sayo ano pa ba ang kulang.?" Nangungulap sa luha ang mga mata ni Bianca.

Naiinis si Stanley ngayon sa nakikitang ka dramahan ni Bianca, bakit ba may mga babaeng sobrang ang baba nang tingin sa sarili para ipag pilitan pa kaysa palayain nalang.

"Im sorry Bianca pero may mahal na akong iba.. you know what mas magiging masaya ako kapag hindi na kita nakita. Kung talagang mahal mo ako hahayaan mo akong maging masaya sa iba. Wag kang mag alala ibibigay ko lahat para sa bata kung anak ko talaga yan."

Napa hikbi si Bianca dahil sa masakit na narinig mula sa kanya at patakbo itong pumasok sa loob nang bahay, sinundan niya ito nang tingin at nakita niyang naka salubong pa ang kanyang ina..

Marahil nag sumbong ito na yumakap sa mom niyA. Awang awa naman itong hinagud sa likod si Bianca habang siya naman ay mas lalong naasar.

"Anak hindi mo ba talaga kayang panagutan si Bianca.?" Tanong ni Stella kay Stanley nang lapitan ito sa Veranda.

Napa iling si Stanley sa inis. Pati ina na brainwash ni Bianca.

"Bakit pati kayo mom nabilog na ng husto ang ulo nang Bianca na yun. Hindi ako mag papakasal sa babaeng ayaw kong makasama ni makita." Asik niya.

Bumuntong hininga muna ito.

"Ang totoo noong una ayaw ko talaga sa kanya. Pero nang tanggapin ko siya dito sa bahay at nakita ko kung gaano ka niya kamahal bukod pa doon ay napaka bait niyang bata ay nagustuhan ko narin siya. Anak wala ka nang hahanapin pa kay Bianca. Mabuti siyang babae." Pahayag ng kanyang ina.

"Pero diko siya mahal mom may mahal na akong iba na umaasa sa pag babalilk ko. kina tito Jeston ako nag stay nang ilang araw pag ka galing ko dito.." saka lang napangiti si Stanley nang ma alala si Rhian.

Ikinuwento niya reto kung paano niya nagustuhan si Rhian sa kabila nang pagiging dalagang ina nito. At inamin niya rin naka handa siyang pakasalan ang dalaga.

"Ano.? Ipagpapalit mo si Bianca sa babaeng may dalawa nang anak. Samantalang ang tunay na ina nang anak mo hindi mo pakakasalan.? Nababaliw ka naba ha Stanley." Mabigat ang boses ni Stella.

"Oo mom nababaliw na ako. At kahit anong pilit niyo sakin hindi ko pakakasalan si Bianca." Pag kasabi noon ay tumalikod na ang binata.

Mariing sinundan ito nang tingin ni Stella. Pag kuway tinungo ang silid nilang mag asawa. Nag impaki nang kunting damit, uuwi siya nang albay ngayon din at kakausapin niya si Rhian para layuan ang kanyang anak, hindi siya papayag na sa isang katulad lamang nito mag papakasal si Stanley. Alam niyang hindi niya na ma makukumbinsi si Stanley kaya naman ang babae mismo ang kakausapin niya.

"Stella anong ginagawa mo.?" Gulat ang asawa pag kakitang nag iimpake siya.

"Loreto may dahilan kung bakit ayaw pakasalan ni Stanley si Bianca may babae siyang kinalulukohan sa Sta. Catalina." Pag babalita ni Stella sa asawa.

"Ano.? Ang sabi ni Jeston sakin wala sa kanila si Stanley ibig sabihin nag sinungaling ang kapatid ko. Sino ang babaeng to Stella.?" Pati si Loreto ay galit din.

"Kaya nga lilinawin ko pupuntahan ko ang babaeng yun Bago pa maka balik si Stanley sa probensya."

Tumango tango si Loreto.

"Balitaan mo ako mag iingat ka sa byahe."

Nag pa book agad si Stella nang flight niya ngayong araw. At wala pang tatlong oras ay naka impake na ito.

Kinagabihan tinawagan ni Stanley ang nobya upang kumustahin. Nasa terrace siya at lumalanghap ng malamig na hangin.

"Stanley." Galak ang boses ni Rhian sa kabilang linyA kaya napangiti siya. Masayang narinig ang malambing nitong boses.

"Yes love i miss you." Totoong nanabik siya sa nobya.

"Hmm.. sinungaling.. isang araw ka pa nga lang diyan miss na kaagad." Saad nito sa kabilang linya sa malambing na boses.

Mahinang natawa ang lalaki.

"Nag sasabi ako nang totoo araw araw gusto kitang makita love, anyway baka next day bumalik na ako diyan ." Ani Stanley. Sa isip ng binata pakakasalan niya si Rhian na hindi na kailangan ng suporta mula sa magulang. Malaki na siya at nasa tamang idad na kaya siya na ang mag de disesyon para sa sarili.

"Huh.!? Eh diba Kadarating mo lang naman diyan, Pero teka naka usap mo na ba ang parents mo..!?" Bakas ang pag aalala ni Rhian sa kabilang linya.

"Oo love nagustuhan ka nila pero dahil kapwa busy si mom and dad baka di sila maka attend sa kasal natin." Pag sisinungaling  niya ayaw niya lang masaktan ang babaeng mahal.

"Talaga.? Sinabi mo bang may anak na ako.? Di kaya nakakahiya sa kanila Stanley.? Naka di nila ako matanggap, mayaman ka binata at.."

"Please wag mong sabihin yan Rhian mahal kita wala akong pakialam sa paligid natin okay." Putol ni Stanley sa sasabihin sana ng kasintahan

Naiiyak naman si Rhian sa kabilang linya sa sobrang saya dahil sa nararamdamang pag mamahal nang nobyo. Bagay na nag papaalala sa kanya kay Liam.

"Love nandiyan ka pa.?" Tanong ni Stanley nang di siya mag salita.

"I love you Stanley. Sobrang mahal kita." Tugon niya.

"Hay ang sarap sa pandinig, gusto ko marinig yan ulit kapag nag kaharap na tayo, i love you so much Rhian. Ngayon lang ako naging ganto kasaya.." pahayag ni Stanley.

Ilang sandali pa nag usap ang mag kasintahan nang maramdamang may tao sa likuran niya, nang maibaba nag cellphone ay ibinulsa iyon at tiningnan si Bianca. Umiiyak ito marahil narinig ang pakikipag usap niya kay Rhian.

Mag sasalita pa sana siya pero umiiyak itong tumalikod.

"Anong pakiramdam nang iniiyakan ka nang babae sa harapan mo.? Pero binabalewala mo lang."

Nang lumingon siya ay nakita niya si Liam na naka tingin nang masama sa kanya.

Alam niyang si Bianca ang tinutukoy nito.

"Hindi ko siya mahal." Madiing saad niya.

"Normal ka nagagawa mo lahat ng gusto mo kaya naman sana piliin mong gumawa nang tama. Wag mo akong gayahin na pinipilit kalimutan ang isang parte nang pagkatao." Maka hulugan nitong saad bago pihitin ang wheelchair

"Piliin ang tama ba kamo.? Bakit nag mahal ka na ba kuya para sabihin sakin kung ano ang tama. Sinusunod ko lang ang puso ko.!" Pahabol niya dito.

Huminto ito sa papagulong nang wheelchair at dahan dahang humarap

"Oo Stan.. nag mahal ako ng sobra dati, pagmamahal na nandito pa sa puso ko hanggang ngayon. Pero dahil sa kapansanan ko, nang dahil sa trahedyang nangyari sakin hindi ko na siya nabalikan masakit kaya sana gawin mo ang dapat."

"Wag kang duwag kuya balikan mo siya. Dahil ako susundin ko ang puso ko. Kahit na harangan pa ako ng sibat." Saad ni Stanley

Mariing napa pikit si Liam sa narinig mula sa kapatid
Tama ito duwag siya, at hanggang ngayon patuloy na nag papakaduwag.

THE TWIN OF PROMISE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon