11

49 5 0
                                    

Pag gising ni Stanley ay naligo kaagad siya at nag bihis kahit na nasa silid pa niya si Bianca at wala itong balak lumabas,

"Aalis ka.?" Nag dadrama nitong tanong.

Sinulyapan niya ito habang inaayos ang sariling soot.

"Wag na nating pahirapan ang mga sarili natin Bianca. Di mababago ang nararamdaman ko sayo dahil sa anak natin. Inuulit ko hindi ko tatalikuran ang responsabilidad ko sa bata pero hanggang doon nalang yun.."matigas niyang turan.

Nasaktan ito at tumayo mula sa kama. Lumapit sa kanyang drawer at kumuha nang gunting saka itinapat sa malaking tiyan.

"Sige umalis ka Stanley para hindi mo na kami makita pa nang anak mo. Hindi ako mag dadalawang isip na isaksak to sa tiyan ko." Umiiyak na wika ni Bianca.

"Bianca stop.! bitiwan mo yan..wag mo idamay ang bata."

Mabilis na inagaw ni stanley ang matulis na bagay na hawak nito at niyakap ang babae.

"Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa patuloy na masaktan, Stanley mahal na mahal kita. Kailangan ka namin nang anak mo wag mo akong iiwan please kailangan kita." Hagolhol nito.

Hindi na sumagot si Stanley para hindi na madagdagan pa ang sama ng loob nito. hinagud - hagud na lamang niya ang likod ng babae upang kumalma dahil nag aalala siya sa kanilang anak na nasa sinapupunan pa nito. Hindi narin siya umalis para tunguhin ang kasintahan. Sana maunawaan siya ni Rhian kung hintayin niya munang makapanganak si Bianca bago niya puntahan.
Natuwa naman si Bianca na hindi natuloy sa pag alis si Stanley, at hindi na niya ito hahayaan pang iwan siya.

***

"Sinyorito oras na po nang pag inom nang gamot."

Napa angat nang paningin si Liam sa nag salitang babae, ang kanyang personal Maid iyon. Pasado alas nuebi nang umaga pero na nanatili pa siya sa kanyang kama. Sinikap niyang lumipat sa Wheelchair pero di niya kaya. Dahil sa pagiging lumpo hindi niya magawa ang nais niya.

"Bakit diko nakikita si Mommy.?" Tanong niya dito na kinuha ang iniabot nitong gamot at tubig at dinala iyon sa kanyang labi.

"Nasa Sta Catalina po si Madam sinyoreto,"tugon ng maid.
Naibuga niya bigla ang tubig na nasa bibig. Sumagi kase sa kanyang alaala ang babaeng minsang naging bahagi nang buhay niya sa lugar na yun,

Si Rhian.

"Ayy ano ba yan sir.!" Gulat at Madaling pinunasan ang natapon niyang tubig.

"Anong ginagawa ni mom sa Sta Catalina.?" Inagaw niya ang pamunas nitong hawak at siya na ang nag punas sa kanyang sarili. Bigla ay nanabik siya kay Rhian na nais makita pero pinigilan niya lang ang matinding pananabik  na naramdaman.

"Eh kase senyorito Liam atin atin lang to ahh baka sabihin niyong marites ako.. narinig ko kase kina Sir at Madam na may babaeng kinalulukuhan  itong si Sinyoreto Stanley sa probensya kaya ayaw mag pakasal kay Bianca.
Kaya pinuntahan ni Madam para balaan yung si Rhian."
Saad ng matabil nilang Maid.

Kumabog ang dibdib niya pag karinig sa pangalan na yun. Pero bakit iniisip niyang si Rhian iyon. . Imposible..

"Bakit niyo po naitanong.?" Pag uusisa nito.

Umiling iling siya.

"Gusto ko maka usap si Mommy pag dating may importanti akong sasabihin."

"Sige ho senyorito walang problema." Ngumiti ito sa kanya at inalalayan na siyang uminom nang gamot.

Pag katapos ay minanduhan niyang alalayan siyang pumunta nang Banyo para maligo. Ang ginagawa lang nito ay inihahatid siya sa loob at siya na ang bahala..saka siya tutulungan bumalik sa higaan pag katapos siya narin bahalang mag bihis.

At sa araw na araw na routine ng buhay niya ay nais niya ng  subukan mag pa Therapy. Tama naman ang kanyang ama. Kung nahihiya siyang pabigat sa mga ito dapat ay sikapin niyang makalakad.

Pag katapos niyang mag bihis sa inihandang damit ng kanyang personal maid ay nag patulong nanaman siyang maka upo sa Wheelchair saka lalabas upang malinisan nito ang silid niya.

Dumiritso siya sa Veranda, dito ay lalanghap siya nang hangin. Mula sa kinaruruunan ay natanaw niya si Stanley at Bianca. Masuyo nitong sinusubuan ang babae ng grapes. Natigilan siya sa tanawing yun dahil sumagi nanaman sa alaala niya si Rhian. Bagay na madalas nangyayari sa kanyA. Napa buntong hininga siya habang inaalala ang masasaya  nilang  alala nang dating kasintahan.

***

Sa loob nang dalawang buwan ay pinilit ni Rhian maging matatag sa pangalawang dagok na dumating sa kanya. Minsan itinatanong niya sa sarili kung bakit kailangan mangyari yun. Ano bang kasalanan niya sa Diyos bakit paulit ulit niyang kailangan masaktan. Kulang pa ba ang unang sakit na nararamdaman niya noon. At ngayon mas dobleng sakit dahil hindi lang siya ang umasa kundi pati kanyang mga anak na inakalang mag kakaroon na ng ama.

"Mama gusto ko po yun. " pukaw ni Cally sa kanya ng makita ang nag lalako ng ice cream. Isinama niya ang dalawang anak sa park para  maaliw kahit papaano. Pero si Stanley ang naiisip niya. Naalala niya lang nang minsang pag kakataong isinama nilang mamasyal ang mga bata noon.

Tulad niya ay hindi rin maiwasang maalala ng mga anak si Stanley. Kaya dito sa park niya madalas dalhin ang mga ito. Tutal malapit lang naman ang park mula sa bahay na kanilang tinutuluyan. Sa sobrang lapit nga ng park na iyon ay nilalakad lamang nila. Sa ngayon ay dipa siya nakakapag turo kahit na aprobahan na nang skwelahan ang transfer request niya. Sa kadalihanang abala ang kanyang ina sa paupahan ni tita Emely. Bukod doon ay May tindahan pa ito ng ulam sa harap nang bahay. Halos lahat kase ng nangungupahan ay sa kanyang ina bumibili.

"Okay bibili tayo."
Halos kasasabi niya lang noon sa dalawang anak nang makitang tumakbo ang ang mga ito patawid nang kalasada.
Nasa kanilang side kase iyon.  malakas siyang napa sigaw sa pag aalala lalo at may sasakyang paparating. pigil ang hininga habang tumatakbo palapit sa dalawang anak habang paulit ulit tinatawag ang pangalan ng mga ito.

Halos takasan siya nang ulirat sa takot nang muntik nang mahagip ng sasakyan ang kambal kung dipa iyon huminto.

Sakto namang naabutan niya sina Cally at Riri. Nag aalalang  niyang niyakap ang dalawang anak.

"Anong nangyari.?" Tanong ni Liam sa driver nang bigla itong nag prino. Pangalawang balik niya ngayon sa hospital para sa kanyang Check up. Disidido na siyang mag pa therapy kailangan niyang subukan para maka lakad muli.

"Eh sir may dalawang batang tumawid bigla." Wika nito,

Napa tingin siya sa unahang bahagi ng sasakyan at ganun nalang ang panlalamig niya pag kakita sa pamilyar na babae. Napa awang ang mga labi niya at biglang nagilid ang kanyang mga luha.

"Rhian..!" Bulong ng isip niya.

THE TWIN OF PROMISE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon