First Job

16 5 0
                                    

Tuluyan ko na ngang nakalimutan ang mag pasa ulit ng resume dahil nagtungo agad ako sa saver mini mart na tumawag saakin.

Linggo ang araw na 'yon kaya't marami ang costumer. Ganunpaman, nagawa parin akong harapin ng manager para I assist ako

"Regina, papuntahin mo siya sa taas. Si sarah muna ang bahala sakanya" Sabi ng manager

She accompanied me until the second floor. The products were all household supplies, there's two woman sitting and repacking. I guess they are the sales lady here, ituro ni Regina ang dalawa.

"Sila muna ang bahala sayo dyan, lahat ng gusto mong malaman you can ask them. Tumulong kadin sa ginagawa nila dahil maraming tao, bukas ang training mo" Sabi niya at umalis na dahil tinawag na ito

Lumapit ako sa dalawang babae. They interview me about my personal life and I genuinely answer it all.

"Wala ka ng balak mag aral?" tanong ni ate Raquel

My impression of her was not that good... Nakasibangot siya madalas ngunit batid ko naman na pilit niyang itinatago ito.

"Opo ate mag iipon muna ako tsaka mag aaral" wika ko

"tsk! Pustahan tayo, baka dito kana makahanap ng magiging asawa mo. Single kapa naman, madalas dito na nakakahanap ng partner sa trabaho" dagdag ng isang lalaki. Tinanong ko si ate sarah kung sino at anong position niya dito, ang sabi niya ay bodigero ito.


"Nakita ko ang resume mo sa kanina, abm strand matalino ka siguro... Pero aasawahin kadin dito" tumango tango pa ito


"hay naku! Huwag mong pakinggan iyan dahil na sayo naman kung magpapaligaw ka, bata kapa para dyan. Mabuti pa mag repack nalang tayo ng styro baka makita pa tayo sa cctv na nagkwekwentohan isusumbong tayo ni kuya clito" si ate sarah


"Hindi po. Wala po akong plano makipag boyfriend, gusto ko lang kumita ng pera"


Kaya nga nagtatrabaho para mag ka pera e, not to have a boyfriend.


Ngunit napag alaman ko din na bawal pala ang mag jowa dito dahil posibleng matanggal sa trabaho dahil iniiwasan nilang ito ang maka apekto sa kanilang trabaho. Kaya strictly no relationship under the company ang policy dito. Which is good naman for me


Maghapon akong nasa second floor. Ang sabi naman ng iba tungkol saakin ay matamlay daw akong kumilos, marahil ay naninibago ako.


Akala koba exam? Bakit nagrerepack ako dito? Dito ba nila ako ilalagay?

Wala akong nakuhang sagot sa sarili ko. Mabuti nalang ay pinatawag nadin ako, ramdam ko ang pagka manhid ng pwet ko. Buong araw kaba namang naka upo

"Nasan si Izah??" tanong ng manager dito.

Lumapit ako sakanya. "Ma'am.."

"Halika dito" inabot niya ang one hundred pesos sakin "ito... Ibabalik ko lang ang pamasahe mo dito, bukas maaga kang pumasok dahil may magtatrain sayo. Wag kang malalate dapat before 8 am nandto kana. Kung mabilis kang matuto possibleng tumaas pa 'yang 100 depende sa performance mo ha sige pwede ka ng umuwi at malayo pa ang bahay niyo"

"Sige po ma'am" kahit papano ay masaya naman ako

Ibibigay ko muna itong 70 pesos kay kuya pang gas niya bukas itong natira ang allowance ko naman.

Pag uwi ko sa bahay ay natuwa naman sila dahil sinabi kong mag ta training na ako bukas. Ngunit hindi naman sila nasiyahan sa 100 pesos na binigay sakin, masyado daw itong mababa

"Kinabahan ako sayong bata ka. Akala ko mag exam ka lang pero umabot kang mag hapon! Hindi kapa nag message" Saad ng ate ko

" Sorry na.... Nakalimutan ko hehe"

Hindi ko din inaasahan na ganon din ang exam, akala ko ay parang sa school na may sasagutang papel atsaka ipapasa lang. Sabi naman ay bukas ng totoong training so hindi na ako mag e-exam??

Kinabukasan maaga naman akong nagising at nag prepare, 7:40 ng umaga ay nandito na ako mismo sa tapat ng estblisyaminto nila. Sumabay ako sa mga nakauniform na empleyado nila, nag good morning naman ako pagka pasok.

"oh Izah, Doon ka muna kay joy" Sabi ni ma'am

Pumunta naman ako sa counter na itinuro niya. Walang ekspresyon ng mukha niya, hindi rin approachable tignan. Medyo mataray siya, ganunpaman ay tahimik akong nakikinig sa kanya.

Naka open na ang computer at kung titignan ay may kalumaan nadin ito. It's not like the other computer this one look out of date

"itutuk mo yung barcode ng product sa scanner, wag ka munang pipindot dyan! Hintayin mo yung sasabihin ko okay?" medyo nahihiya ako dahil halata sa customer namin ang pagkabagot sabayan pa ng malakas na boses ni ate joy

"Pindutin mo kung ilang piraso yung item tsaka mo I punch.... Okay bilis ng kunti"

Ganon ang sitwasyon ko buong mag hapon. Magkamali ako ng kaunti ay pagsasabihan ako, malas ko nga lang dahil malakas ang boses niya.

Nakaka stress. Unang sabak ko palang sa training ay gusto ko ng sumuko, mahirap pala.


Cashier Life Where stories live. Discover now