"Izah naman eh! Paulit ulit ka!! Kainis naman... Ulitin natin ulit. Hindi ka naman natututo, binigyan naman kita ng mga code na dapat e memorize. Lagi nalang error!!" bakas sa itsura ni ate joy ang kawalan ng pasensya.I suddenly want to cry. Sobra na akong nasasaktan, I feel so stupid! I can't even imagine na ganito pala kahirap ang pagkaka cashier!
Yumuko ako dahil hindi ko kayang makita nila akong umiiyak dito. Nanginginig ang kamay ko namay hawak na isang item, pilit kong inalala ang itinuro niya kanina kung pano mag punch ng item in manual.
Hindi ko maalala, I stop and look at her.... Trying to get some help
Kahapon niya lang ibinigay sakin ang tatlong page na kilangan e memorize ngunit hindi ko nakabisado lahat dahil sa pagod. Ngayon naman ay pinapagalitan niya padin ako dahil hindi ko pa daw alam ang gagawin, madalas pa ang error kaya umuulit kami at panay refund.
Everytime na nagkaka error ako ay pinapakita ko kay ma'am na siyang manager namin atsaka naman niya e explain kung ano ang mali ko at papano ang gagawin.
No offense pero wala akong natutunan sa trainer ko kundi paninigaw, pamamahiya at pang iinsulto. Wala man lang umawat sakanya para pigilan siya dahil marami silang ginagawa, napapatingin nalang sila kapag sinisigawan nanaman ako ni ate joy.
"Mag break ka na nga muna! Balik ka dito after 15 minutes para naman gumana yang utak mo. Laging lutang"
Agad naman akong nagpakapkap sa harap, halos takbuhin kona ang cr dahil naguunahan na ang luha ko sa pag agos. In my whole life, no one can insult me like this! Ni magulang ko hindi ko naramdaman ang ganitong treatment...even at my school
Pakiramdam ko sobrang engot ko, naiiyak ako sa inis... Ganito ba talaga lahat ng trainer? Masusungit? Halos husgahan niya buong pagkatao ko!
She's not even my boss! Fuck it.... Is she numb?? Parang hindi siya dumaan sa pagiging trainee. Sana naman maging mabait siya sakin dahil bago palang ako, malamang hindi pa ako masyadong familiar sa trabaho can she at least be patient?? Did she know the word' Respect'?
"Huwag mong masyadong dibdibin 'yun... Mag focus ka nalang sa pag taktak dyan" Sabi ng bagger ko
Kasing edadan ko lang siya pero mas nauna pa siyang pumasok dito sakin ng ilang buwan. Tahimik lang siya sa tabi ko kahit panay ang pagsigaw ni ate sa harap ko tuwing nagkakamali ako.
Inaamin ko, I have a bit crush on him. Moreno, Matangos ang ilong at matangkad ngunit hindi ko ito pinagtutuunan ng pansin dahil higit ang focus ko sa counter ko..
"Izah! Anong ginawa mo, hindi kaba tumitingin sa monitor mo?! Tignan mo oh na double punch mo yung Alaska evap. Jusko naman Izah" pangatlong araw ko na biglang trainee pero mukhang papalpak padin ako. Na pe-pressure ako sa sitwasyon ko, hindi ako makapag focus! Ang tangin iniisip ko ay kung papano iwasang pagalitan.
"Alam mo bang kaltas 'yan sa sahod kapag naka double punch ha?? Gusto mo ba akong makaltasan?!"
"S-sorry.... Di ko sinasadya" ramdam kona ang pawis sa noo ko dahil sa kaba. This is another scornful.
"Naku naman! Ayos ayusin nyo naman ang trabaho niyo, maliit na nga ang kita ko sa negosyo malulugi pa ako dito!" Sabi naman ng customer
Sa tingin ko ay mag wawala ang customer kaya hinanda kona ang sarili ko sa parusa na tatanggapin ko. I'm really sorry for trouble but she insist, she look so frustrated while my trainer is also stress
"Pasensya na ma'am. Trainee palang kase 'to kaya na double punch" ate joy explained
"Kahit na! Dapat ayusin niya padin....pano kung hindi mo nakitang na double punch pala yung binili ko. Alangan babalik pa ako dito para lang sa iisang item, abala masyado" hirit ng customer
Enexplain naman sakin ni ate joy ang ibig sabihin ng double punch. Kapag may na double punch daw ako ay agad ko daw itong ipa refund kay ma'am at para narin nalaman nila ang mali ko. Bawas din daw iyon sa sahod ko kapag nagkataon, ngunit dahil trainee palang ako ay si ate joy ang aako ng kaltas na 'yun dahil siya ang may hawak sakin. Means what error I make, my trainer will shoulder all of it as long as the item is out. Kaya ganon nalamang ang galit niya sakin kanina, but it's also my first I double punch the item
Mabilis namang naayos ang error ngunit masama padin ang timpla ni ate joy sakin. Nag patuloy naman kami pagpatapos, double ingat na ako ngayon.
Masaya naman ako dahil sinabi ni ate joy na pwede na akong mag lunch break... Sa totoo lang ay nagugutom nadin ako, 1:30pm ang oras ng lunch break namin ngayon dahil maraming tao.
"Kamusta ang trainer mo??" he smirked knowing the answer of his question
Kasama ko ngayon ang bagger ko, si Charles. Nakita kong dito siya madalas kumain kaya sinubukan kong kumain din dito, laging nauunang lumalabas ang bagger kaysa sakin dahil tinuruan pa ako ni ate joy mag ayos ng pera bago umalis para malinis itong babalik. Maswerte nalang dahil naabutan ko pa si Charles kumain dito.
"Wag na natin pag usapan pls... Kahit dito lang dahil sawang sawa na ako. Kung hindi ko lang kailangan ng pera, first train ko palang nag back out na ako" dinadaan ko nalang sa pagkain lahat ng sama ng loob ko para may lakas nanaman para ma sermonan.
Charles smiled sissingly because he knows what I've suffer from that trainer. "Kunting tyaga lang, makakapag solo ka din"
"Pero kailangan matuto kana agad kasi kapag nagka error ka, malamang sayo lahat 'yun baka kulang pa' yang sahod mo kung marami kang error. Sayang lang ang pagod mo" dagdag nito
Kaya after ko kumain ay pumunta na agad ako sa baggage area para mag memorize ng mga code na dapat kabisaduhin, pati narin ang mga wholesale products dahil marami din ang nag oorder neto.
Kailangan kong maging mas alerto ngayon para hindi na ako pagalitan pa ni ate joy ng sa ganon ay hindi na maulit na mag double punch.
YOU ARE READING
Cashier Life
RandomThis is about the journey of Izah being a cashier as eighteen years old and without any experience, did she survive?