Kanina pa siya iritang-irita sa isang police staff na nagkakabit ng mga prosthetic sa mukha niya. Hindi pa man tumatagal sa mukha niya ay naiinis na siya.
Matagal na inalagaan niya ang kutis niyang iyon para manatiling gaanoong kaganda. Pagkatapos tatapalan lang ng kung anu-ano para lang magmukha siyang isang old maid na betti la pea?
"Ms. De villa wag naman ho kayong masyadong malikot. Malapit na po itong matapos." Reklamo ng isang make-up artist na tumutulong sa pagpapaganda este pagpapapangit sa kanya.
"Really ha? E inabot na kayo ng isang daang taon sa ginagawa nyo e. Makating makati na ang mukha ko. Alam niyo ba iyon?" Sikmat niya sa mga ito. Nagkatinginan ang dalawang bakla pero tinignan lang niya pareho ng masama.
Nasunod parin ang plano ni detective marquez. Sinangayunan ng ama niya ang pagpatapon na gagawin sa kanya sa boring na islang iyon. Base sa kwento ni detective, duda siya kung may mga turista doon. Kung bakit hindi pwedeng lumabas sila ng bansa. Edi sana nagkaroon pa siya ng chance makapagshopping abroad.
Umalis ang dalawang bakla sa tabi niya at inabutan siya ng salamin. Nakita niya kung paano ngumisi ang dalawa. As if naman maganda ang makikita niya. She gasped in horror when she saw her face. Hindi niya nakikilala ang nakakasuka at nakakadiring mukhang kailangan iportray niya.
Is this really me? Yuck! Nasabi niya sa isip niya. Wala sa hinagap niya na magiging ganito siya kapangit. As in pangit talaga. Makapal na kilay na kasing itim ng gabi. Malaking ilong na may malaking butas na tingin niya ay kasya ang isang daliri niya. At false teeth na sungki pa. Tinago nito ang pearly white teeth niya. Idagdag pa ang big eye glasses na makapal ang rim. To add the perfect look as nerdy betti la pea nilagyan din siya ng fake na bangs. Isama pa ang balat sa ilalim ng pisngi niya.
Nasaan na ang dating siya? Ang pangit ng nasa harap ng salamin. Bata pa lang siya kagandahan na ang umiral sa utak niya. Pero ngayon, parang nasusuka siya.
"Perfect!" Bulaslas ng intrimitidang bakla. Pinilantik pa nito ang daliri.
"Ibang-iba kana sister.!" Sabi pa ng isa.
"Urgh! This is so embarrassing! Ayoko ng mukhang ito. Ang pangit!" Hiyaw niya sa mga ito.
"Pero! Madam walang makakakilala sayo diyan. Stand-out ang beauty mo dyan kahit disguise lang." Sabi ulit ng bakla.
"Iniinsulto mo ba ko? Hindi akin ang mukhang ito. Maganda ako masyado para maging isang pangit." Sabi niya sabay lingon muli sa salamin.
Talagang pinipikon siya ng detective Marquez na iyon. At gusto pa talagang magmukha siyang katawa-tawa sa harap ng maraming tao. Ano nalang ang sasabihin ng mga makakakita sa kanya? Na tulog siya ng magsaboy ng kagandahan sa daigdig?
"Palitan nyo ito!" Utos niya sa dalawang bakla. "Ayoko ng ganitong itsura." Patuloy siya pagrereklamo. Pero napandin niya na tinitignan lang siya ng mga ito at hindi pinapansin.
"Sorry madam ha. Pero bagay naman sayo." Sabi ng bakla. Kasing pangit ng ugali mo.
"Anong sabi mo?!" Sabay tayo niya at pinamaywangan ito. "Kung pangit ang ugali ko. Ano namang tawag diyan sa mukha mo? At least ako. Ugali ko lang ang pangit. Yung sayo pati mukha MO.!
Aminado siyang masama ang ugali niya. Since she was a kid. Kinakitaan na siya ng mga traits ng pagiging bully at brat. When she was in grade school, hindi lang isa o dalawang classmate niya ang napaiyak niya. Noong bata pa siya, walang nagtatangkang lumapit sa kanya dahil sa pagiging maldita at salbahe niya. All of her classmate was very aloof to her. Iniiwasan siya ng mga ito. But she doesn't care. Ayaw din naman niya ng mga may kabuntot na tuta.
Until she met rhia. Magkasundo sila. They even became a best of friends. Ito lang ang tinuturing niyang kaibigan. They even planted a scheme to her mortal enemy na nagkataong kinakainisan din nito. And thats the worse thing she do being a maldita.
Natatandaan niya. Foundation day noon sa school nila. Dahil sa babaeng kinakainisan niya at mortal niyang kaaway. Hinalikan niya sa gitna ng school ground ang present boyfriend nito na two-timer pala! Dahil nililigawan siya habang may girlfriend pala. She saw how that girl died in horror. Halos mabaliw ito ng iwan ng boyfriend niya and then she got all the blame.
Mas tumindi ang galit nito sa kanya. Dahil inakit daw niya ang nobyo nito. Hindi kasi ito naniniwala na two-timer ang ex nito. After that torrid kissing scene. She dumped that guy like a hot potato. Minura siya ng minura nito. Dahil sa mismong school ground na iyon ay binasted niya ito. Later that day hindi na rin nagkaayos ang relasyon ng dalawa. Thats how she so evil. Taglay niya ang character na nakakainis.
Now, she miss rhia so much. Ito lang ang nakakaintindi sa mga pinagdadaanan niya. Rhia was her good friend. Kahit maldita iyon. Naiintindihan nila ang isa't-isa. Tanging ito lang ang nakakakita ng totoong siya. Nobody knows what she gonna feel. Walang ibang tao ang nakakaalam kung ano ba talaga siya.
BINABASA MO ANG
His Royal Love
RomanceFairytales tells us how magical the love has. And we always ask "how is it?". We all grew in a story how cinderella found her happily ever after, how aurora wake up after her long sleep and how belle felt inlove in a beast turn prince. Love is pure...