Pagkatapos dumaong ng barko sa mindoro ay bumiyahe pa sila patungong palawan. Doon ay iniwan na siya ni detective marquez. Kahit naiinis siya dito ay ang isiping iiwan siya nito ay nalulungkot siya.
Marami itong ibinilin sa kanya. Tulad ng lugar na pupuntahan niya. Kailangan daw niyang magpakabait doon dahil hindi daw niya kilala ang mga makakasama niyang tao. Idagdag pa na kailangan niyang matuto makisama.
Base sa mga bilin nito parang sinabi nito na wag niyang dalhin doon ang ubod pangit niyang ugali. Sinabihan din siya nito na wag siyang tatawag kahit kanino. Siya na lamang daw ang tatawag. Pinagiingat din siya nito para sa disguise niya.
Nasa may pantalan siya habang hawak ang di kalakihang maleta at isang travelling bag ng mula sa kung saan ay may isang humaharurot na sasakyan ang sumulpot sa harap niya. Lahat ng buhangin ay sinalo niya lahat.
Nanggigigil siya sa inis at galit dahil sinong bobo at tanga ang magpapaharurot ng isang monterro sports car sa tabing dagat na puro buhangin? Binitawan niya ang hawak na travelling bag at saka lumapit sa driver ng sasakyang iyon.
Di pa man siya nakakalapit ay bumaba na ang driver nito. A shirtless man whose wearing a faded blue jeans ang nakita niya. The man was oozing in sex appeal. Di yata nang magsaboy ng kagandahan at kakisigang lalaki ay sinalo nito lahat. Taglay nito ang katawang hahangaan ng lahat ng male model na kilala niya.
Napasinghap siya ng maglakad ito papunta sa likod ng sasakyan. Lakad palang nakakatulala na. Nakita niyang binuksan nito ang trunk ng sasakyan at mula doon ay nilabas ang lambat at banyera ng isda? Seriously? He's a fisherman? Humanga siya sa isang mangingisda.
Binaba nito ang lahat ng dala sa tabi ng pantalan. Ang paghanga kanina ay nasundan ulit ng inis at galit niya dito. Kaya naman mabilis niyang nilapitan ito.
"Hoy! Mister!" Sigaw niya dito.
Lumingon naman ito agad. Pero nagpalinga linga. At saka tumingin sa kanya.
"Oo ikaw nga bastos na mister!" Hiyaw niya muli. Nakita niya ang paghagod nito ng tingin sa kanya.
Mula sa kanyang paa ay naglanding ang mga mata nito sa mukha niya. At saka nangngiwi ito. Noon lang niya narealize na kung gaano kapangit ang mukha niya sa paningin ng iba.
"Ako ba ang tinatawag mo?" Man ask in a husky voice.
Ang boses nito ay parang boses ng mga singer na kumakanta sa teatro. Malamig at swabe. "Oo ikaw nga! Ang bastos mo!" Gigil na sabi niya dito.
Ngunit nagulat siya nang tignan nito ang katawan. "Kinakagalit mo na wala akong suot na pang itaas? Bastos na ba agad ang tawag dito?" Takang tanong nito sa kanya.
Nagkamali pala ito ng intindi sa sinabi niya. He's reffering to his shirt.
"Ang sabi ko ang bastos mo! Alam mong nasa pantalan ka pero pinaharurot mo pa rin yang kotse ng amo mo." Alam naman niya na hindi nito pag aari ang sports car na yon.
How a man like him can afford to drive a luxury car? A fisherman like him? Alam niyang kaya kaskasero ito dahil first time magdrive ng ganoon klaseng sasakyan. Poor little social climber!
"Ganoon ba? Akala ko kasi nasa highway ako. Alam mo naman ang ganda ng sasakyan ng amo ko. Kaya sinusulit ko." Sabay balik sa loob ng sasakyan. " tsa nga pala miss. Wag kang masyadong magtaray nakakapangit e." Pahabol pa nito.
Napahiyaw nalang siya sa inis at galit. Napaka antipatiko at yabang ng lalaking iyon. Hindi yata nito kilala kung sino siya.
Sabagay sino ba naman ang makakakilala sa ganitong kapangit na mukha?
Nagtataka siya kung bakit puro bastos at walang modo ang nakikilala niyang lalaki. Wala na bang gentleman sa panahon ngayon? Sana wag ulit magkrus ang landas nila dahil malilintikan talaga sa kanya ang lalaking iyon.
Sisiguraduhin niya na pagsisihan nito na nilait siya nito. Dahil siya si princess royalhyn ledesma de villa.
BINABASA MO ANG
His Royal Love
RomanceFairytales tells us how magical the love has. And we always ask "how is it?". We all grew in a story how cinderella found her happily ever after, how aurora wake up after her long sleep and how belle felt inlove in a beast turn prince. Love is pure...