His Royal Love 6

1.6K 48 0
                                    

Naiiyak siya habang hinahatid niya ng tanaw ang kanyang ama na may kaakbay na iba sa loob ng departure area. Papalabasin kasi nila na lalabas sila ng bansa. That woman beside her dad was an NBI agent. Suot nito ang damit niya. Ginaya ang kanyang hair style at gamit ang signature shoes niya. No one will notice na may switching na nangyari.

Ngayon, sakay siya sa sasakyan ni detective Marquez at ihahatid siya sa pier patungong coron palawan. Habang papatakbo ang sasakyan nakalingon parin siya sa kanyang ama. Pakiramdam niya ay nahahati ang puso niya sa lungkot at takot. Lungkot dahil malalayo siya dito. Takot dahil natatakot siya para dito.

Nang makalayo na ang sinasakyan nila sa airport saka niya ibinato ang salamin na nasa mata niya. Tumikhim si detective Marquez.

"Naiirita na ko sa salamin na yan. At itong fake na ngipin na ito. My God pagod na ang panga ko dito." Sabi niya dito. Kahit saan siya magpunta suot niya ang mga pampapangit na iyon.

"Wag ka nang magreklamo pwede ba?" Sabi naman nito.

Umismid nalang siya. Dahil once na makipagtalo siya dito hindi rin siya mananalo.

"For now. Hindi ka muna si princess Royalhyn ledesma De villa. Ikaw muna si corina de jesus." Sabay tingin sa rearview mirror upang makita siya.

She don't want to sit at his right side. Hindi sila close kaya hindi siya uupo doon. At isa pa mukha siyang driver kaya bagay siya doon.

"What? Corina de jesus talaga? Wala bang mas maganda pa sa pangalan na iyon?" She smirk. Ang baduy nito pumili kahit ng pangalan.

"Bakit may iba ka pa bang gusto Ms. De villa?" Balik tanung nito sa kanya.

"Umisip ka naman ng iba. Hindi yung nagmumukha akong pangit." Teka pangit naman talaga itong mukhang ito a. Sabi ng isang isip niya.

"Wala na kong maisip na iba." Simpleng sagot naman nito.

This man is getting into her nerve. Nabroken heart siguro ito noon kaya naman pati siya ay napapagdiskitahan. O kaya naman ay may nanloko dito kaya naging womanhater.

"Mabuti nalang hindi kita type. Dahil napaka-antipatiko mo." Tahasang sabi niya dito.

"Salamat kung ganoon Ms. De villa. Dahil wala sa isip ko ang magkagusto sa spoiled brat na gaya mo." Tahasang sagot naman nito sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya sa mga sinabi nito. Di yata't talagang napaka antipatiko nito.

"Antipatiko!" Humalukipkip siya dahil naiinis siya dito.

Dala ng kainisan niya. Tumahimik nalang siya. Bored na bored siya sa biyahe nila. Wala siyang magawa kung hindi bilangin ang kalyeng nadadaanan nila. Wala siya kahit isang gadget na magamit.

Pinagbawal nila ang pagdadala niya kahit ng mobile phone. Para daw walang makatrace kung nasaan siya. Miss na niyang tignan ang mga news feed niya sa social media. Baka super dami na niyang emails.



Isang marahang tapik ang nakapagpagising sa kanya. Namulatan niya na nakatunghay si detective sa kanya.

"Nasa pier na tayo Ms. De villa. Pwede ka nang bumaba. Pero siguraduhin mo na maayos yang mukha mo." Ani nito sa kanya.

She rolled her eye to him. Para naman may iaayos pa ang ganoong mukha? Ginala niya ang paningin niya. Nasa pier na nga sila. Huni ng sirena ng barko ang naririnig niya. Batangas port. Patungong palawan ang destinasyon nila.

Isang buong araw mahigit ang oras ng biyahe. Ibig sabihin twenty-four hours pang mapapanis ang laway niya. Dahil ihahatid siya nito.

Kinuha nito ang bagahe niya. Isang di kalakihang maleta na naglalaman ng mga cheap at walang class na damit.

Binuhat nito hanggang sa makapasok sila sa port.

Noon lang niya narealize na hindi sila nakabook. Sinabi sa kanila na pwede ang chance passenger pero isa lang. Kaya naman pinanlamigan siya ng magsalita si marquez para lang makasakay sila.

"Mag asawa po kami. Bagong kasal lang. Honeymoon po kasi namin." Sabi nito sa staff ng barko.

Inakbayan pa siya nito para hindi siya pumalag. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya pinangarap na makapangasawa ng kasing payat nito. Pinandilatan niya ito ng mata at saka pumiksi.

Marahang bumulong ito sa kanya. "Wag kang masyadong magpahalata, may nagtip sakin na may nakasunod daw sakin." Sabi nito.

Wala sa sariling nilingon niya ang paligid. There was two people behind them. Both senior. And at her right side was a couple perhaps, they were smiling with each other.

Maya-maya pa'y may nakasama sila sa chance passenger, bilang isang mag asawa. They were on the last board. Wala sila sa luxury suite. Kung hindi nasa third class, kung saan walang matinong kama kung di double bed na halos magkakatabi ang lahat ng pasahero.

Napangiwi siya ng makita ang paligid. May mga maingay na batang ngawa ng ngawa at mga maiedad na kwentuhan ng kwentuhan. Wala man lang siyang class na makita sa paligid. Noon niya narealize na pati ba naman pagsakay ng barko sa cheap accomodation pa?.

Sinabi sa kanya ni detective marquez na hindi siya dapat nito sasamahan hanggang sa barko kung wala lang nakapagsabi na may nakasunod dito. Ang usapan nila. Pagdating ng palawan ay iiwanan na siya dahil may susundo daw sa kanya na taga isla.

Tango lang siya ng tango sa mga sinasabi nito. Lumilipad na kasi ang isip niya. Hi di niya alam kung anong klaseng mundo ang dadatnan niya. Ngayon palang ay naiinip na siyang mahuli ang grupo ni macky. Gusto na niyang makulong ang mga ito ng sa ganoon ay malaya na siya.

She miss her life. Yung walang threat. Yung walang hassle. Yung walang pagpapanggap. Gusto na niyang bumalik sa dati. Sana naman makahabol siya sa graduation. Sana kapag dumating ang araw na iyon ay nahuli na ang mga kriminal na iyon. Nang sa ganoon ay matungtung siya ng stage at abutin ang diploma niya.

She remember that her father promise her a trip to greece sa oras na makatapos siya. She will spend a month there. Gustong gusto niya na makarating ng greece. At mangyayari lang iyon kung makakalabas siya sa gusot na ito.

His Royal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon