Hapon na nang dumating ako sa hospital. After eating my lunch, agad akong dumaretso rito para bisitahin si kuya. Sinalubong kaagad ako ni tita Liza na bakas sa mukha ang matinding pagaalala.
"Isabella, mabuti at andito ka na. Wala pa ring malay ang kuya mo, hija. We already talk to the doctor. Hindi na malubha ang kalagayan niya." Si tita Liza habang inaakay ako papuntang room ni kuya.
I sighed heavily. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama sa kanya. He's all I have. I can't afford to lose him.
Ngumiti ako kay tita, not wanting to talk. Dumeretso na kami sa kwarto ni kuya. He's lying unconsciously on his bed. Naka cast ang leeg at paa. May mga malaking pasa rin sa kanyang mukha. Nanlumo ako sa nakita. Bakit at ganitong pinsala ang natamo niya sa aksidente? Paano kung hindi na siya maka-recover? Oh God, please!
Napansin ata ni tita Liza ang panghihina ko kaya inalalayan niya akong maupo sa sofa.
"Your brother will be fine, hija. Don't worry too much. Kumain ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni tita Liza.
"Yes, tita. Kumain na po ako kanina bago dumiretso dito. Where's tito? Kumain na po ba kayo?"
"Don't mind us, Isabella. Ang mabuti pa ay umuwi muna tayo sa Bahay para mag pahinga. You look stress! Hindi ba at may photoshoot ka pa bukas? I will send one of the maids to look for your brother. Mag pahinga ka muna."
Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko sa daming nangyari. Ngayon lang bumalik saakin ang lahat. I am being watch by a complete stranger!
Hindi lang basta basta ang takot na nararamdaman ko sa nangyari these past few months. Simula sa pag bibigay saakin ng kwentas na isinawalang bahala ko lang. Hanggang sa mga litratong natanggap ko kahapon. Threatening me not to go with another man.
Nanubig ang mata ko at napaiyak sa mga nangyayari. Nakita ko ang pagkaalarma ni tita Liza ng makita niya akong umiiyak.
"What's wrong, hija? Your brother will be alright. We will talk to the doctor again. Calm yourself, Isabella." Iyak lang ako nang iyak habang inaalo ni tita Liza. How can I tell her what happened? Ayokong madamay sila ni tito sa problema ko.
"T-tita, I'm scared. He's gonna take me, tita. Please." Hindi ko napigilan ang tuloy tuloy na pag hikbi. My brother needs me now more than ever. Ang kaalamang pwedi akong tangayin ng hindi kilalang lalaki ay nag papanginig sa katawan ko. If only my brother is here. Hindi sana ganito ang takot na nararanasan ko. But he's in a vulnerable situation.
Natigilan si tita Liza sa sinabi ko. Alam kong may ideya na siya sa narinig.
"What, Isabella? I don't understand, hija. Who's g-gonna t-take you?" Narinig ko ang pagkaalarma sa kanyang boses.
"T-that man, t-tita. He's back! He's going to take me away! Ayaw ko po! ayoko!" Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ni tita Liza na nakahawak sa akin. Agaran ang pag pa-panic niya. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang bag.
"I'm going to call my husband. No one's gonna take you, Isabella. We won't let that happen." Nag tipa siya sa kanyang telepeno. Pagkatapos ng ilang ring, ay sumagot na ang nasa kabilang linya.
"Honey, you need to come to the hospital right now! Nangyari na ang kinakatakutan natin. Come quick!" Pagkatapos ng tawag ay agad ibinaba ni tita Liza ang cellphone para daluhan ako.
Nang medyo kumalma na ay kumuha siya ng isang basong tubig at ibinigay saakin. Hinahagod niya ang likod ko habang bakas pa rin sa mukha ang matinding kaba.
"Tell me what happened, Isabella. Kaylan pa siya ulit nag paramdam sa'yo? And after so many years, why now!?"
"Weeks before I went for a vacation, I've been receiving calls and messages from an unknown number. Sa parehong numero, tita. I change my number multiple times thinking that it was just one of my fans. Pero palaging nalalaman ng taong iyon ang number ko." Bumuntong hininga ako bago nag patuloy.
"A-and then, I received a package. It was a gift from the same man. I know it was, tita. Dahil walang sinong nasa tamang pag-iisip ang mag reregalo saakin ng ganun kung hindi siya lang." Tahimik lang si tita Liza habang nakikinig sa akin kaya nagpatuloy ako.
"Yesterday, I went to Naxos to visit a temple. I m-met a man, and he asked me out. I said yes. Noong paalis na dapat ako, I received another envelop in my doorstep, tita. Mga pictures ko ang nandun together with a note. H-He said that I shouldn't try my luck. And that, he will kill that man. He knew what was going on, tita! He has his eyes on me!" Narinig kong suminghap si tita Liza sa sinabi ko.
Mag sasalita na dapat siya ng bumukas ang pinto. Mabilis akong tumingin sa pintuan sa pag aakalang si tito na ang pumasok. My eyes widened when I saw the man who enters the room. Kasama siya ni tito na nakayuko at hindi makatingin sa akin nang maayos.
A tall man with a broad shoulders is standing just meter away from me. My breath hitched when his dark eyes met mine.
"We meet again, Isabella." Oh, God.
BINABASA MO ANG
Her Obsessed Suitor
General FictionIsabella Mendez is the epitome of perfection. She has beauty and a body to die for. Envied by women, and desired by men, but despite these, no man ever tries to take a claim on her. Later did she know, someone is secretly manipulating her life...