39

42 2 0
                                    


Jolinaiah Ruiz






“Huwag kang maingay!” saway ko sa kaniya tsaka siya nilapitan.

Nakanganga siya sa sobrang gulat. Can't blame her, kahit sino magugulat. Lalo na siya..

“Totoo ba..?” hindi makapaniwalang sambit niya.

Tumango ako.

Sana nga hindi nalang totoo, gosh.

“Kailan?” tanong niya ulit.

“Last month pa.” sagot ko. Natigilan siya at naging seryoso ang ekspresyon.

Marahan kong pinisil ang kamay niya dahil alam kong nag iisip siya. Alam ko rin naman na last month lang din niya nalaman na si ashton yung mystery guy na happy crush niya noon.

Napatingin siya sa akin. I saw how realization hit her at agad na napalitan ‘yon ng pag aaalala.

Ngumiti ako, “Don't worry, i don’t like him kaya hindi ako apektado.” Sambit ko.

Nilingon niya ang painting ko. “Pero pinapaint mo, ibig sabihin ginugulo ka ng nangyari.” sambit niya.

“Ano ka ba! talagang ang intention ko sa painting na yan ay yung sa first floor, pero kasi ang alam ko nag palit last week ng kurtina, hindi lang ako sure kung anong kulay. Ganoon pa rin pala.” explain ko sa kaniya.

Tinignan niya ako na parang hindi kumbinsido sa sinabi ko. Dito ako naiinis sa kaniya eh, sasabihin niyang okay lang pero yung tingin niya nang aasar.

“Dudukutin ko yan mata mo.” banta ko sa kaniya.

“Ang lala?!? wala naman akong ginagawa ah!” depensa niya.


“Sus! yan tingin na yan! alam ko yan!”

“Wala nga!” deny niya habang tumawa kaya dinuro ko sa kaniya ang paint brush na gamit ko kanina.

“lubayan mo ako ha, napagod na ako kila escah kanina! ikaw naman pumalit! ang gulo gulo!” reklamo ko.

“wews! kapag ikaw hindi ko na ginulo..” pangbabanta niya.

“Ay thank you Lord kung ganoon.” sagot ko sa kaniya kaya ngumuso siya at tumayo na.

“sama ng ugali mo!” parang bata na sabi niya habang dahan dahan na umaatras papuntang pinto ng kwarto.

“Labas na..” sambit ko tsaka sinuot ulit ang salamin ko bago humarap sa canvas.

“Lina..” tawag niya sa akin.

“ano na naman.” walang gana na sabi ko habang pinapatungan ng puti ang mga maling details na nailagay ko.

“huwag ka magagalit.. pero..” pabitin na sabi niya.

“lubayan mo na nga ako.” walang interes kong sabi sa kaniya.

“LINA SORRY PERO AKO YUNG KUMAIN NG CHOCOLATE MO LAST WEEK NA BIGLA NALANG NAWALA!” sunod sunod at malakas na sabi niya bago mabilis na tumakbo palabas ng kwarto.

Agad kong binitawan ang mga hawak ko at hinabol siya. Halos mabingi ako sa tili niya habang natakbo.

“ANDREA WAIVE AMELIO!!!” sigaw ko.

“WAAAHH HUWAG KASI! SORRY NA NGA EH!”

Inikot na namin ang buong unit sa paghahabulan hanggang sa mahablot ko siya, agad kong pinunas mukha niya ang punting pintura na nasa kamay ko.

ALONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon