32

19 3 7
                                    

Ashton Calliber Valentino




Humikab ako dahil boredom. Ilang linggo na yata ako dito sa hospital. Wala naman akong ibang nararamdaman eh, pero cinonfine nila ako.

Hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos ko mawalan ng malay. Nagising nalang ako umiiyak na si tita at umuwi sila mommy at daddy. Si bali? tahimik lang habang naka upo sa tabi ko. Nung kinakausap ko siya hindi naman siya nag sasalita. Basta inaasikaso niya lang ako kapag galing siya sa school. Dito na nga siya dumirederetso, naka uniform pa. Minsan dito siya nagawa ng mga gawain, pati yung akin, ginagawa na niya. Pero hindi naman niya ako kinakausap.

"huy!" tawag ko sa kaniya habang siya ay nasa sofa at nakaharap sa laptop niya. Habang ako ay nasa hospital bed at nakain ng orange na hinain niya sa harap ko.

Nag angat siya nang tingin na para bang nagtatanong kung anong kailangan ko. Sinenyasan ko siya na lumapit kaya bumuga siya nang hangin at sinara ang laptop niya tsaka inurong ang upuan palapit sa kama ko.

"what do you need?" tanong niya.

"pa-kiss nga.." nguso ko.

Nginiwian niya ako kaya humagalpak ako ng tawa.

"uy kasi naman.. bakit ba hindi ka namamansin? gusto mo ba ng lambing ha?.." lumapit ako sa kaniya at niyakap siya pero tumayo siya kaya napaawang ang labi ko.

"grabe naman 'to.." nasabi ko nalang habang nakanguso..

humarap siya sa akin na namumula na yung ilong at mata dahil sa luha. "hala uy bakit ka naiyak-"

"nakakainis ka.." sambit niya pero kalmado naman..

"alam mo ba kung gaano ako nag aalala nung makita kita na nahihirapan huminga non? hindi.." humikbi na siya habang nakatingin sa akin.

"hindi ko alam gagawin ko.. hindi ko alam kung kailan ka magigising, sobra akong natakot! tapos pag gising mo tatawanan mo lang kami? may tama ka ba sa ulo?" sunod sunod na sabi niya habang walang tigil ang pag luha niya.

"sorry.." ayun lang ang nasabi ko..

Ngayon ko lang ulit siya nakitang umiyak, huling kita ko sa kaniya na umiyak nang ganito noon pa.. nung muntik akong masagasaan ng sasakyan dahil hinabol namin yung bola nung mga bata pa kami.

"'wag mo na uulitin 'yon.. 'wag.." lumakas ang hikbi niya kaya hinila ko siya palapit sa akin. Niyakap ko siya.

My parents, no, actually all of them, gusto nila akong pa-operahan..

May butas ang puso ko..

Hindi pala simpleng asthma lang. Kaya pala halos mamatay kaiiyak si bali nung araw na iyon. Kailangan ko ng heart donor, kailangan ko lumipad ng ibang bansa. Kailangan ko iwan ang buhay ko dito, para mabuhay..

I insisted to stay here hanggang sa graduation bago umalis.

"Gosh ashton calliber, careful. Hindi siyam ang buhay mo." saway sa akin ni bali.

"drama nito, nag buhat lang ng mga libro eh." taray ko sa kaniya.

"you should be more careful for your operation.." sambit niya.

"'wag ka nga! kinakabahan ako kapag naalala ko." sagot ko sa kaniya tsaka umupo sa upuan ko.

"why?" tanong niya.

"paano kapag hindi na ako nakauwi?"

nawala ang ngiti sa mukha niya dahil doon at sinipa yung upuan ko kaya natawa ako. "Not a good joke siraulo." sambit niya.

Natatawa pa din ako nang mapatingin ako sa bintana, nakita ko siya.

May kasama siyang grade 10 na same sa floor namin. Mukha siyang diwatang naliligaw sa sarili niyang gubat..

ALONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon