" Bagong istorya nanaman? Hindi mo pa tapos yung Sayko ah?" kontra nanaman si bespren sa ginagawa ko habang nakatingin sa screen ng laptop ko.
" Masyado nang mabigat yung susunod na scene doon hindi ko na feel. Saka wala namang nagbabasa na ng Sayko." sagot ko habang pumipili ng genre ng bago kong istorya.
" Paano may magbabasa? Traumatized na mga readers mo dahil andami-dami mong hindi natatapos na kwento. Puro ka simula." napangisi ako sa sinabi niya saka siya hinarap.
" Anong walang natatapos, mayroon kaya baka nakakalimutan mong kaya mo lang ako kinaibigan dahil avid fan kita." saka ko siya mahinang tinapik sa balikat
" Kapal ha ! Totoo naman na fan ako ng The Ice Prince and The Fire Princess mo, pero avid fan? asa." natawa na lang ako sa pagmamaldita niya.
" Haaay, iyon lang ata ang natapos ko at estudyante pa ako nang magawa ko iyon , ngayon may trabaho na ako at maraming taon na ang nakakalipas hindi ko pa rin nasusundan na makagawa ng isang nobela." hindi ko rin naman maipagmalaki ang gawa ko na iyon dahil andaming maling grammar at very jejemon pa ang atake.
" Magpokus ka kasi sa isa muna hindi yung magsisimula ka nanaman ng bago."
" Hindi ba naiyak ka sa hiwalayan scene na ginawa ko ? Alam mo ba kung bakit? Kasi sobrang lungkot ko noong ginagawa ko iyon, ibig sabihin dapat dama ko ang scene para maging effective at kaya ko hindi na natatapos ang mga kwento na iyon kasi hindi ko na sila feel."
" Sabi mo nga noong sinusulat mo ang The Ice Prince at The Fire Princess, parang buhay na buhay sa isip mo si Aleona at Jasper."
" Oo hindi tulad ng mga karakter na ginagawa ko hindi ko sila maramdaman." bumalik ulit ang tingin ko sa screen ng laptop ko.
" Hindi maramdaman... kapag ikaw biglang minulto dyan ng mga karakter mo." sabay tawa niya na para bang tinatakot ako. Actually pagkatapos niya iyon sabihin para bang may malamig na hangin ang dumaan
" Sira! multo ka diyan. Alam mo Preng nadadala ka na yata ng gutom mo. Asan na ba kasi yung order natin?"
" nandoon pa lang sa kanto nina Mang Dino."
Magkasama kami sa apartment ng bespren ko. Isa kasi ito sa pangarap namin noong nasa college pa lang kami. Ngayong taon pa lang natupad dahil sa dami ng dapat naming inuuna, akala ko nga mas makakatipid kami sa paghahati ng bayarin, yun pala mas magastos kami na magkasama dahil pareho kaming tamad. Wala sa amin ang gustong magluto at maghugas ng pinggan kaya pang-ilang order na namin sa food app ng pagkain namin sa linggong ito.
Nasa parehong kumpanya din kami nagtatrabaho. Siya nasa finance department ako naman nasa research and development. Kahit papano sapat pa naman ang mga sahod namin para sa pangangailangan at ilang luho. Sabay kami pumasok pero bihira kaming magkita sa loob ng kumpanya.
" Sige Engs maliligo muna ako, babain mo na rin yung rider na nagdeliver ng food natin, bayad na yun." tumango ako saka sinunod ang sinabi niya.
Sakto naman na pagbukas ko ng gate ay nag-aabang na sa akin ang rider.
" Ms. Precious Avana po? " tanong ng rider to confirm kung ako nga ang nag-order.
" Yung friend ko po yun, nautusan lang ako na kunin ito" sagot ko sabay abot ng food.
" Pwede po ba malaman ang name po niyo, ilalagay ko lang po sa chatbox namin ni Ms. Precious para lang po makasigurado, pasensya na po." ngumiti ako sa tanong niya, para hindi siya ma-intimidate.
" Okay lang po, Ella Nirona po." pagkasabi ko ng pangalan ko ay agad naman niyang tinayp ito sa phone niya katulad ng sinabi niya kanina.
Habang ginagawa niya iyon, napatingin ako sa braso niya--- may gasgas. Nadisgrasya na kaya siya? Nahilo kaya siya kaya siya sumemplang ?
" Ma'am okay na po salamat po." ngumiti na lang ulit ako saka umakyat na dala-dala ang pagkain namin ni Peng. Dumiretso na ako sa sala upang ihanda ang mga ito dahil ilang sandali lang din naman ay lumabas na sa banyo si Peng.
" Kumpleto naman yung pagkain no? Rate ko na itong rider ng 5 stars ha?" um-oo ako sa tanong niya.
" Ang unique naman ng surname ng rider --- Yukiri. Hmm totoo kaya ito?" napatigil ako sa sinabi niya.
" Yukiri? Kent Yukiri?" tanong ko.
" Oo.. paano mo nalaman ? Ayiee kilala mo?" kinuha ko pa ang cellphone ni Peng upang kumpirmahin.
" Hindi naman siguro ... baka coincidence lang."
" Sino ba siya? Paanong coincidence?"
" Kent Yukiri. Male lead siya sa isang istorya na ginawa ko noong highschool ako." gawa-gawa ko lang ang apelyidong iyon malabong totoong tao iyon.
" Hindi nga ? Baka naman isa siya sa nakabasa ng gawa mo at fan siya?" impossible rin. Matagal na panahon na iyon at hindi pa lahat ay may access sa internet.
" Mukhang estudyante pa lang sa college yung rider kanina, bata pa. " sagot ko naman kay Peng na hindi pa rin makapaniwala
" Baka naman yung nanay niya ang avid fan mo? Pinangalan sa anak niya yung karakter na gawa mo." umiling na lang ako at nagkibit balikat,
Sabagay mas madali pa ngang paniwalaan na may kaklaseng popular akong nabuntis nang maaga at ipinangalan sa anak niya ang gawang istorya ng binubully na katulad ko. Kaysa nabuhay ang mga karakter na sinusulat ko.
" Kumain na nga lang tayo. " aya ko kay Peng at iniba ang usapan namin hanggang sa oras na para pumunta kami sa kanya-kanya naming kwarto.
YOU ARE READING
Hindi Pa Tapos
Teen FictionMinsan may isang manunulat. Marami siyang ideya at upang hindi mawala ito, gagawa siya ng kuwento. Pagkatapos itong simulan, nawawala ang ideya kaya hindi rin natatapos ang kuwento. Kalaunan, makakalimutan ang kuwento kaya hindi na nadugtungan. Ngun...